Chapter 5
CLARISSE'S POV
Nagising na lang ako na walang kadahilan, dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at umupo sa malambot na kama. Kusot-mata na ginala ko ang mata ko sa buong silid at nakita ko na lang na tinatanggay ng hangin ang puting kurtina sa bawat pag ihip ng hangin.
Ginala ko na lang ang tingin sa loob ng silid at yumakap na lang ang matinding lungkot sa aking puso.
Sinapo ko na lang ang noo ko at marahang napa pikit. Napa baling ang mata ko sa kabilang bahagi ng kama at doon ko lang napag tanto na ako lang ang mag isa sa kwarto.
Hindi na naman pala siya natulog rito.
Mabuti na lang kong ganun.
Kong nag kataon, lang na rito ang mokong na Travis na iyon natulog sa silid na kasama ko at baka hindi ko alam ang maari kong gawin kong nag kataon.
Hindi ko alam sa tuwing nakita ko ang kanyang mukha at maramdaman man lang ang presinsiya niya, lalo lamang kumukulo ang dugo ko sa galit.
Bigla-bigla na lang tumataas ang dugo ko sa inis at galaiti sa tuwing nakikita ko lang siya dahil bumabalik ang kahayupan na ginawa niya sa akin!
Kahayupan kong paano ako napunta sa sitwasyon na ito.
Nag pakawala na lang ako ng malalim na buntong-hiningga para lang pakalmahin ang sarili ko.
Ito na ang pang tatlong araw ko na rito sa Mansyon at bihira ko lang makita si Travis sa Mansyon dahil, parati lang akong nag kukulong at nag mumukmok sa napaka lungkot na kwarto na ito. Nag iisip ng magandang paraan, kong paano ako tuluyan na makaka alis sa impyernong ito.
Kong paano ako, matatakasan ang buhay na ito at tuluyan na akong makalaya.
Hanggang ngayon, hindi pa rin ako nawawalan ng pag asang makaka alis rin ako sa puder at mag pakalayo-layo.
Ang mahinang pag katok na lang sa pintuan, ang mag papukaw ng malalim kong iniisip. Tatlong beses ko narinig ang mag kasunod na katok, kasunod no'n ang pag bukas ng pintuan at yabag ng paa palatandaan na may pumasok.
Dahan-dahan na lang akong napa anggat ng mukha at nakita ko ang papasok dalawang katulong suot ang terno nilang uniforme na combination na white and black na hanggang lagpas tuhod naman ang haba na para bang skirt iyon.
Kunot-noo at malaya ko lang silang pinag masdan na kumilos na pumunta sa isang kwarto, na hindi ko alam kong ano ang nasa loob no'n at nag taka talaga ako nang lubusan kong bakit sila narito.
Ilang sandali lamang, lumabas na ang katulong mula sa kwarto at pareho silang dalawa may bitbit. Pinanuod ko na lang sila hanggang kusa na nilang pinatong sa ibabaw ng kama kong saan ako naka upo ngayon.
Napako ang mata ko sa katulong na nilagay niya ang pares ng aking uniforme, naka balot pa iyon sa lalagyan na sealed na hindi ko alam kong anong tawag para hindi madumihan o naman kaya magusot ang pag kaka-plantsa. At sumunod naman ang isang katulong bibit ang pares na itim at mukhang mamahalin na itim na black shoes at mamahalin na gucci bag na brown.
Nang matapos na nila ang kanilang dapat gawin, tumigil na ang dalawang katulong sa harapan ng kama kong saan ako naka upo pa rin, naka hilera na naka tayo roon. Ang kanilang kilos at paraan na galaw, napaka galante at mukhang alam na alam na nila ang dapat nilang gawin.
"Good morning Mam." Sabay pa nilang bati, hindi ko alam kong ano ang isasagot ko roon at isang alangan na ngiti lang ang sinukli ko. "Narito po kami dahil pinag uutos ni Sir Travis, na kailangan niyo na raw pong mag handa para sa inyong klase para sa araw na ito ngayon. Maligo at mag gayak na po kayong mag handa at hinihintay ka niya po sa hapag kainan para sabay po kayong maka kain ng agahan." Formal at mahinhin lang na wika ng katulong na tantya ko naman nag lalaro pa lang ang edad nito sa trenta.
Napa titig na lang ako sa unforme na naka patong roon, masasabi kong hindi iyon ang luma kong uniforme ginagamit. Base pa lang sa kalidad ng tela at itsura, mukhang mamahalin at bago nga iyon.
Mariin na lang ako napa pikit ng mata ko na mapag tanto lang na may pasok pala ako.
Nawala na sa isipan ko na may klase pala ako ngayon dahil sa sunod-sunod na nangyari sa akin.
Una ang pag kawala ni Ate Erisse at hanggang ngayon hindi pa rin namin alam kong saan siya pumunta.
Sumunod naman ang pag pumilit ng mga magulang ko ang pag pakasal sa akin kay Travis.
Kong paano maka alis sa lugar na ito at maka usap rin ang aking nobyo.
Sa sunod-sunod na problema na dumating sa akin, hindi ko na alam na halos limang araw na pala akong hindi pumapasok.
"May ipag uutos at kailangan pa po ba kayo, Mam?" Singit na lang nitong tanong muli na, muntik ko nang maka limutan na naroon pa pala sila sa kwarto.
"Ah, wala na."
Ngumiti na lang kay tamis ang katulong at pinag dikit ang palad nito. "Kong ganun po, lalabas na po kami." Hindi na naalis ang matamis na ngiti nito sa labi at sabay pa ang dalawa nag vow sa harapan ko bago nila kinilos ang paa nila palabas ng kwarto na iyon.
Nang masiguro kong naka alis na ang dalawa, bumaba na ako sa malambot na kama para maka gayak na nga..
Siguro magandang opurtunidad na nga ito para sa akin.
Magandang opurtunidad na, para tuluyan na akong maka alis na hahayaan nila akong maka labas na.
Nag mamadali na akong pumunta sa shower para maligo. Nag babad lang ako ng ilang minuto at lumabae na ako takip lamang ng bath robe ang hubo't-hubad kong katawan.
Tumutulo pa sa balikat at sa sahig ang bakas ng tubig mula sa aking buhok hanggang mapako nq lang ang mata ko sa pintuan sa kabila, kong saan pumasok kanina ang katulong.
Sa labis na kuryusidad, binuksan ko na iyon para makita mismo ng aking mga mata kong ano ba talaga ang naroon sa likod ng pintuan na iyon.
Tinulak ko na pabukas at inapak ko na ang paa ko papasok, namilog na lang ang mata ko na makita ko ang napaka laking walk in closet.
White and cream ang combination ng walk-in closet at lalo pa nag paganda roon ang nag gagandahang mga ilaw na nag kikislapan at nag mukhang maharlika na iyon. Sa kabilang bahagi naroon ang pang babae na kasuotan na naka lagay sa closet, na naka organized pa iyon na naka tupi na maayos base sa kulay, pang bahay o kaya naman pang labas na mga kasuotan.
Nalula na lang ako sa aking napag mamasdan ngayon lalo't ngayon lang talaga ako naka kita ng ganito na madalas sa pelikula ko lang nakikita. Nag patuloy ako sa pag lalakad, na puro pang babae lang na kasuotan ang naroon at may naka hanger naman ang iba't-ibang mga mamahalin na mga damit, jackets, coat, pajama at ilang kasuotan na tantya ko lahat naroon na.
Pawang pang babae na kagamitan iyon at binuksan ko na lang ang drawer na katabi ng mga damit. Nakita ko kaagad ang mga undies at panloob na kasuotan.
Napa awang na lang ako ng aking labi sa aking nakikita ngayon lalo't wala naman ako ng ganito sa dati naming bahay. Simpleng cabinet lang ang mayron ako tapos rito, mukhang pwede pa nga akong matulog sa laki eh.
Nag patuloy lang ako sa pag masid, sa ibaba naman naka pwesto ang samo't-saring mga sapin sa paa simula pa lang sa flat shoes hanggang mga panlabas na mga heels na mayron pa iyon na iba't-ibang mga kulay at design.
Sa isang shelves naman naroon ang mga designer bag, na hindi ko mabilang kong ilan na iyon sa rami. Nag tatalo lamang sa mga kulay, desinyo at lalong-lalo na rin talaga sa halaga ng bawat gamit na naroon.
Sa kanang bahagi naroon ang mga pang lalaki na kasuotan, hula ko naman lahat iyon gamit ni Travis. Hindi ko na tinuonan pa ng atensyon lahat ng iyon dahil hindi naman ako interesado.
Malaya lang ang mata kong pinapanuod ang kabuuang walk in Closet na sa pinaka dulo naroon ang full sized mirror kong gusto mong pag masdan ang ayos mo at sa gitna parang pasadya na squre table na malaki na kulay puti at mayron iyon na maraming drawer.
Nilapitan ko na table sa gitna para makita at binuksan kaagad, bumunggad sa akin ang mga galante na mga mamahalin na mga singsing.
Naka hilera na naka ayos base pa lang sa simple hanggang sa pinaka mamahalin at sosyal.
Woah.
Sinarhan ko ang una at binuksan naman ang pangalawang drawer, naroon ang mga kumikinang na parang diyamante na kwentas, hikaw at naka label pa iyon naka arrange doon.
Kagat-labi na lang na binuksan ko ang pangatlong drawer, nakita ko ang mga milliones na halaga ng mga relo at bracelet at kong ano-ano pang palamuti na ginagamit ng babae na malula pa talaga ako nang husto.
Grabe ganito karami?
Napaka yaman naman talaga ng mokong na iyon.
Dahan-dahan ko na lang sinarhan ang drawer at napag pasyahan mag bihis na. Sinuot ko na ang uniforme na binigay nila sa akin at malaya kong pinag mamasdan ang repleksyon ko sa salamin na ngayo'y hapit na hapit lang iyon sa katawan ko na para bang sinukat lamang.
Suot ko ang white-bluish long sleeve at may cute na ribbon pa iyon sa gitna. Hanggang tuhod naman ang haba ng cute na dark na skirt at pares rin ng itim na sapatos.
Hinayaan ko lang naka lugay ang mahaba kong buhok at nag lagay pa ako ng konting press powder sa mukha at liptint, nang matapos na akong makapag ayos kinuha ko na ang bag at napag pasyahan ko na lang na lumabas ng kwarto.
Pag bukas ko ng silid nakita ko na lang ang isang babae, naka tayo sa likuran ng pintuan na labis ko naman kina gulat na tantya ko naman nag lalaro ang edad niya sa kwarenta. Posturang-postura ang kanyang tindig at paraan na kilos na naka suot ito ng itim na kasuotan na dress, na medyo hapit na hapit sa katawan at na lagpas tuhod naman ang haba. Kakaiba ang kulay at kanyang uniforme base pa lang sa mga katulong na nakikita ko rito sa Mansyon.
Naka puyos na naka tali ang buhok ng babae, na wala ka talagang makikita na kahit isang hibla ng buhok nito na tumaas sa hipid no'n na ayos na ayos. Naka poker face lang ang mukha ng babae, at medyo makapal ang make-up sa mukha. Makikita ko naman na medyo masungit ang awra nito at naka taas pa ang isang kilay.
"Mabuti naman at tapos kana sa iyong pag gagayak." Salubong niya na tinig sa akin na walang kaamor-amor niya akong batiin. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, kinikilatis sa paraan ng titig nito. "Halina, sununod kana sa akin at kanina pa nag hihintay sainyo si Sir Travis sa ibaba." Hindi man ako hinintay na mag salita na tinalikuran niya na ako.
Nauna nang mag lakad ito, samantala naman ako bored lamang naka sunod sakanya sa likuran. Habang nag lalakad sa pasilyo, ramdam mo na kaagad ang pananahimik namin na walang nag sasalita man lang kundi ang tunog ng mataas na takong na itim na suot nito.
Nilibang ko na lang ang pag masid ko sa daan at inayos ko na sa pag kaayos ang bag na naka sabit sa balikat ko hanggang maka baba na nga kami sa unang palapag.
Dinaanan namin ang ilang katulong na abala rin sila sa kanilang ginagawa. Namangha pa lalo ako sa aking pinag mamasdan lalo't hindi ko akalain na ganito kaganda at kalawak ang Mansyon dahil hindi ko pa naman lubusang nalibot ng buo.
Nauna na itong mag lakad sa akin, samantala naman ako naka sunod lang hanggang dumaan kami sa hindi ko familiar na pasilyo.
"Ako si Marita, ang Mayordoma dito sa Mansyon." Sa wakas nagawa niya rin mag pakilala matapos nitong putulin ang katahimikan sa panig naming dalawa. "Ngayon narito kana naka tira, dapat mo na rin malaman at matutunan ang iba't-ibang bagay dito sa Mansyon lalong lalo na kay Sir. Ayaw na ayaw niya sa lahat ang pinag hihintay siya ng matagal, kagaya ng ginawa mo ngayon." Walang kaamor-amor lang ang boses at hindi niya man lang ako tinangkang lingunin o tapunan ng tingin.
Inikot ko na lang ang mata ko bilang pag tataray, sa kanyang sinasabi.
Ts, pakialam ko ba sa mokong na iyon?
Mabuti iyon, ang manigas siyang mag hintay sa akin!
Ilang segundo naming pag lalakad at natanaw ko na ang malaking pintuan sa pinaka dulo. Naka bantay na roon ang dalawang naka itim na lalaki, na naka posisyon at binabantayan kong sino man ang nasa loob.
Kumunot na lang ang noo ko at naka centro lang ang mata ko sa dalawang bantay hanggang tumigil si Marita sa pag lalakad, kasunod ang pag hinto rin ng mataas na takong na suot nito. Bigla itong humarap sa akin kaya't kusa rin akong napa tigil, nasalubong ko ang walang buhay na mukha nito.
"Tutal naman at mukhang may pasok ka ngayon, sa susunod na lang na bakanteng oras mo kita ililibot sa Mansyon at ipapakilala lahat sa mga taga silbi rito." Masungit niyang pag kakasabi, at humarap muli sa pintuan na hindi niya na ako hinintay pang maka sagot.
Aba, aba.
Isa rin ang babaeng ito, ang mag painit ng dugo ko ah.
Ts.
Hindi na kita papatulan ngayon dahil ito na ang huling araw ko sa pamamahay na ito.
Hintayin niyo lang talaga na maka alis ako rito at hindi ko na makikita pa ang pag mumukha niyo.
Binuksan na ng dalawang lalaki ang pintuan na nag kokonekta sa malawak na dining area. Nauna nang pumasok si Marita samantala naman ako, naka sunod lamang sakanya pinapanuod ang napaka gandang hapag-kainan.
Sa kabilang bahagi nakita ko ang napaka lawak na glass window kong saan, tanaw na tanaw mo ang napaka gandang harden at magagandang mga bulaklak sa labas. Puno ng mga mamahaling kagamitan roon sa loob at nag paagaw pansin sa akin ang nag kikislapang chandelier sa gitna mismo ng hapag-kainan na parang diyamante iyon na kumikinang.
Nag kalap rin ang magagandang display at painting sa paligid ngunit mag paagaw pansin sa akin ang malaking dining area sa gitna na gawa iyon sa matibay na kahoy, na kayang omukupa ng mahigit labing dalawang tao na sabay-sabay kumain.
Naka lapag rin sa lamesa ang masarap at magarbong agahan at may palamuti pa iyon na mga sariwang mga bulaklak at telang mahabang pula sa gitna ng lamesa. Naka arrange na rin sa lamesa ang pinggan, kubyertos at kahit na rin baso na kakain kana lang talaga.
Sa aking pag mamasid, napa tigil na lang ako na mag paagaw pansin sa akin ang lalaking naka upo sa gitna ng mahabang lamesa.
Naka poker face ang kanyang mukha na ngayo'y kumakain ng agahan na parang hari kong umasta.
Naka suot ito ng magarang itim na suite at hindi niya napansin ang presinsiya ko na paparating.
Nauna nang kumilos si Marita, para ihatid lang ako sa aking mauupuan. Pinag hila niya ako nang upuan, at naupo na lang ako sa kaliwang bahagi ni Travis at may pagitan lang na isang upuan ang layo ko sakanya.
Kumilos na si Marita, na tumabi na pomosisyon na ito sa isang tabi at nabalutan kaagad ng katahimikan sa panig namin.
Kina-sulyap ko ng tingin si Travis na ngayo’y naka tuon ang mata niya sa kinakain at bigla-bigla na lang sumiklab ang matinding galit sa aking dibdib.
Matinding galit sa tuwing nakikita ko siya.
Kumalma ka lang, Clarisse.
Pigilan mo ang galit na nararamdaman mo sa lalaking iyan.
Ilang minuto mo lang siya makakasama ngayon sa hapag-kainan na sabay kayong kakain at pag katapos neto, makakalaya kana rin.
Hinding-hindi mo na siya makikita pa.
Pasunod ko na lang sa sarili ko sabay pakawala ng buntong-hiningga at napako na lang ang mata ko sa pinggan.
Maka lipas lamang ng sampung minuto, sa wakas natapos rin kami kumain ng agahan. Hindi kami nag kikibuan na dalawa habang kumakain na para bang hindi namin kilala ang isa’t-isa.
Mabuti na lang talaga, hindi tinangkang basagin ni Travis ang malamig na atmosphere sa panig naming dalawa at tahimik lang siya hanggang matapos kami.
Ngayon nauna na si Travis mag lakad palabas ng Mansyon samantala naman ako naka sunod lang sa likuran niya ngunit may distansiya na layo, na hindi mag papadikit sakanya.
Malaya kong pinapanuod ang malapad niyang likuran, dire-diretso lamang ito at nanatili ang pagiging tahimik neto. Maka lipas ng ilang segundo tuluyan na rin kaming naka labas ng Mansyon, at una kaagad mag paagaw ng pansin sa akin na makita ko ang dalawang itim na sasakyan na naka parada na nag hihintay na sa amin sa labas.
Tumigil si Travis sa pag lalakad kaya’t napa hinto na rin ako sa tabi niya. Ginala ko na lang ang mata ko sa paligid na ngayo’y nag kalap ang mga naka itim na mga lalaking bantay, sa bawat kasulok-sulokan ng Mansyon.
Kahit subukan ko man na tumakas ngayon, panigurado mahuhuli at mahuhuli rin nila ako.
Hindi ako makaka labas.
Kailangan kong mag hintay ng tamang pag kakataon na maka labas at maka takas at ito na lang ang nakikita kong huling alas ko, ang papasok sa skwela.
Kinagat ko na lang ng mariin ang ibaba kong labi at naging malalim na ang aking iniisip ng sandaling iyon.
“Whatever you're planning, stop it Clarisse.” Ang malagong na boses na pag salita na lang sa tabi ko, na mag pawala na lang ng mood ko. Inirapan ko na lang sa tabi ko si Travis, naka pako ang mata niya sa kawalan at ramdam ko ang pagiging kalmado niya. “If you thinking, to run away again, hinding-hindi na mangyayari iyan.. I have already ordered my men, na kahit wala ako, naka bantay sila sa bawat kilos at galaw mo at kahit na rin nasa School ka.” Pag bibitin na lang nito na para bang may tinitignan siya.
Kina-sunod ko na lang kong saan siya naka tingin at nakita ko ang dalawang lalaking naka itim sa gilid na, mag pausok na lang ng ilong ko.
Anak nang?
Seryoso talaga ang hayop na ito?
Pababantayan niya ako sa mga tauhan niya?
Kumulo na naman kaagad ang dugo ko na hindi inaalis ang mata ko sa dalawang bantay na naka tayo lamang sa isang tabi.
Sila pa ata ang magiging sagabal ko ngayon sa pag takas ko.
“Si Raul na ang mag hahatid-sundo sa’yo sa school, at mamaya susunduin ka niya ng alas tres ng hapon pag katapos ng pasok mo.” Seryosong pag kakabigkas nito na uyam ko na lang pinagalaw ang panga ko sa narinig sa narinig.
Talagang inalam niya pa talaga ang schedule ng pasok ko?
Kaasar!
Hindi na lang ako sumagot pa, malalim na lang na pag kawala na buntong-hiningga palatandaan na hindi ko nagugustuhan ang mga nangyayari.
Naka pako na lang ang mata ni Travis sa kawalan at tinignan niya ang relo para alamin kong anong oras na. “Just please, just this once huwag kanang gagawa pa ng anumang kalokohan Clarisse.” Anito na kalmado na pag kakasalita. “I’m leaving, mayron pa akong meeting na pupuntahan. I'll see you later.” Niyuko ni Travis ang kanyang ulo para bigyan ako ng halik, na bago pa mag lapat ang labi namin na kaagad ko naman kina-layo ang sarili ko, na matigilan na lang si Travis.
Nanigas na lang ang katawan ni Travis at naging blangko ang mukha nito sa ginawa kong pag iwas. Humarap naman ako sakanya na tinignan siya ng kay sama na pinapatay ito sa talim ng titig ko sakanya.
“Akala mo ba sa ginagawa mong ito, Travis mapipigilan mo ako na umalis?” Matapang ko na lang na sagot. “Mag hintay ka lang, aalis at aalis ako at hindi mo ako mapipigilan. Kapag nangyaring iyon mag sasama na kaming dalawa ni Luke at hindi mo na ako makikita pa!” Matinis na asik ko na bigla na lang umiba ang timpla ang mukha niya.
Naging nakaka kilabot at malamig ang mustra ng mukha ni Travis, na maging mapanganib na dahan-dahan niya na lang kina-layo ang mukha niya sa akin at umayos ng tindig.
Hindi na naputol ang matalim na titig na pinukulan ko kay Travis na ngayo’y kay lamlam ng mata niya ngunit nababasa ko ang galit niya sa sinabi ko.
Uyam nitong pinagalaw ang panga halatang pikon na pikon sa akin. Isang nag babantang titig lang ang binigay niya sa akin ni Travis at wala na akong nakuhang sagot sakanya, na tinalikuran niya na ako.
Mabibigat ang yabag ng paa ni Travis paalis na hindi niya na ako kina-lingon pa at naiwan na lang ako na naka tayo na sinusundan siya ng tingin hanggang tuluyan na itong naka pasok sa sasakyan.
Hindi na maalis ang matalim kong titig at hundi ko namalayan na naka kuyom na ang aking kamao sa galit.