Chapter 5
CLARISSE'S POV
Kinagat ko na lang nang mariin ang ibaba kong labi, na ngayon naka upo sa backseat black Urus Lamborghini, hindi na mapakali at ilang beses pasulyap-sulyap sa bintana.
Para na akong bulate na nilagyan ng asin lalo't pinapanuod ko sa labas ang madaanan namin na mga nag tataasan na mga establishment at ilang kabahayan.
Kina lingon ko naman sa unahan ng sasakyan at nakita ko ang driver at isang tauhan ni Travis na naka upo na naka itim na kasuotan, na mag sisilbing mata sa akin. Nabalutan na lang ng katahimikan sa loob ng sasakyan, walang nag iimikan o gustong bumasag ng malamig na aura ng sandaling iyon.
Hindi na maipintang naka busanggot na lang ang mukha ko na hindi inaalis ang mata sa tauhan ni Travis, na mag babantay sa akin.
Kainis talaga.
Paano na ako makaka alis neto, kong parati silang naka buntot sa akin?
Sobrang diin na ang pag kakagat ko sa ibabang labi, hindi mapakali at tolero na lalo't nag iisip ng magandang paraan kong paano ko sila matatakasan ngayon, kong lagi lang naman silang naka dikit sa akin.
Bwisit naman oh.
Nag pakawala na lang ako ng malalim na buntong-hiningga at pilit na pinapakalma ang sarili ko.
Pinako ko na lang ang mata ko sa labas ng bintana, nililibang ang sarili ko.
Napukaw na lang ang malalim kong iniisip, na maramdaman ang pag tigil ng sasakyan.
"Nandito na po tayo, Mam." Ang pag salita na lang ni Raul, ang driver ang mag patigil sa akin.
Dumungaw na lang ako sa labas ng bintana at kaagad nakita ko ang malaki at nag tataasang gate na gawa sa sementado. Doon ko lang nakompirma na nasa tapat na kami ng gate ng St. Lucas University.
Pansin ko rin ang pag sidatingan ng mga estudyante, sakay ng kani-kanilang mga sundo ng mga sasakyan at ilan pa sakanila hindi na maitago ang saya lalo't kasama nila ang kanilang mga kaklase o kaya naman kaibigan.
Marami-rami rin na estudyante ang nakikita ko ng sandaling iyon, mapa babae man at lalaki ngunit hindi ko sila gaanong kilala lalo't ilan sakanila ibang department o kaya naman year level.
Pasado alas syete pa lang ng umaga kaya't pansin mo na kaagad ang mga estudyante na nag sisidatingan na suot nila ang kani-kanilang uniforme patungo sa mismong gate, kung saan naka abang na roon ang guard na mag che-check papasok na mga estudyante o kong sino man ang papasok.
"Mam?" Pukaw na pag tawag sa akin ni Raul na matigilan muli ako.
"Ah, o-oo." Wala sa sariling sagot ko na lang. Ramdam ko na lang ang pag labas ng sasakyan ng katabi ni Raul na tauhan na, si Kevin. Umikot pa siya sa sasakyan at huminto siya sa tapat ng kabilang bahagi ng kotse kong saan ako naka upo at pinag buksan ako ng pintuan.
Naka posisyon itong tumindig sa gilid ng sasakyan at dali-dali ko naman na kinuha ang bag ko para maka alis na. Bumaba na ako sasakyan at inapak ko na ang paa ko sa labas, humampas na lang ang malamig na sariwang hangin sa aking balat.
Sinarhan kaagad ni Kevin ang pintuan at ramdam ko na kaagad ang presinsiya niya sa likuran ko. Humigpit na lang ang pag kakahawak ko ng bag lalo't hindi ako naka ligtas sa malalagkit at maka hulugang pag tingin ng ibang estudyante na naroon ng sandaling iyon.
Ilan pa sa mga estudyante nag bubulongan at nag tatawanan habang naka pako ang mata nila sa akin, kahit hindi ko marinig ang pinag bubulongan nila. Alam ko rin naman sa sarili kong, ako ang pinag uusapan nila.
Napa kurap na lang ako ng mata at dahan-dahan ko na lang hinakbang ang paa ko papunta sa isang tabi ngunit hindi pa rin doon naputol ang mainit na mata na pag sunod sa akin ng mga estudyante. Lalo pa doon namuhay ang malakas na bulong-bulongan ng mga estudyante at pag sunod ng mata nila sa akin na binabantayan nila ang kilos at galaw ko.
Kainis naman.
Bakit ba sila naka tingin sa akin?
Ano bang mayron?
Iniwas ko na lang ang mata ko sa mainit nilang mata na pag masid sa akin at hindi ko na lang kina-pansin pa. "Clarisse?" ang pag tawag na lang sa pangalan ko, ang kina pikit na lang ng mata ko.
Dire-diretso lang ako sa pag lalakad hanggang napa tigil muli ako na tawagin niya muli ang pangalan ko. "Clarisse," naging klaro na sa aking pandinig ang boses na iyon kaya't dali-dali ko naman kina hanap ng mata ko, kong saan nag mumula ang boses.
Natigilan na lang ako na may mahagip ng mata ko ang familiar na bulto ng isang tao katabi nang nag kukumpulan na mga estudyante sa isang tabi. Abot langit na ang tamis ng ngiti sa kanyang labi na makita ako at excited siyang lumapit sa akin.
"Sabi na nga ba, at ikaw na iyan Clarisse." Inayos niya pa ang pag kakahawak ng parati niyang dala-dalang mga libro, na kamuntik pang mahulog sa pag takbo niya para lang malapitan ako. "Bakit ngayon ka lang?" Inayos niya ang suot niyang makapal na glasses kasi medyo malabo na rin ang mata niya.
"Faye." Alangan ko na lang na tawag sa matalik kong kaibigan. Siya si Kathleen Faye, 18 years old at pareho rin kami ng kurso na kinuha.
Simula highschool pa lang matalik na kaming mag kaibigan ni Faye, at mag kakilala rin ang mga magulang namin dahil dating mag kasusyoso sa negosyo kaya't lalo pa kaming mag kalapit sa isa't-isa. Si Faye parang tunay ko na rin na kapatid na madalas ko rin na iku-kwento ang bagay na importante sa akin lalong-lalo na rin ang mga problema at ganun rin siya sa akin kaya't naging bukas kami pareho sa bawat isa.
Pasimple ko na lang sinuri ang kaibigan ko na ngayon yakap-yakap na ang parati nitong dala-dala na makakapal na mga libro at naka sabit rin sa balikat niya ang putting mamahalin na bag laman ng iba niya pang mga gamit.
Hanggang leeg kahaba ang maitim at bagsak na buhok ni Faye, walang anumang kolorete ang kanyang mukha kaya't lumalanas ang natural na makinis at maputi niyang kutis. Napaka amo at angelic ang mukha ng kaibigan kong si Faye na hinding-hindi ka mag sasawang pag masdan iyon na wala kang makikitang anumang tigyawat o peklat doon, na tumatago lang sa bangs at makapal niyang glasses na suot.
Bumaba na lang ang pag masid ko sa katawan ng kaibigan ko, balingkinitan at petite lang ang katawan niya. Suot niya ang sa pang itaas na kasuotan ang longsleeve na uniforme, pang ibaba naman ang mahabang skirt na lagpas tuhod ang haba. Suot rin ni Faye ang itim na mamahalin na pares ng black shoes, na partner ng white long socks na bago mag tuhod ang haba na ayaw niyang ipakita ang kutis at balat niya. Ganun na ganun si Faye, kaya nga nerd o Manang ang tawag ng ibang estudyante sa School namin dahil na rin sa kanyang kilos at paraan na pananamit.
Laman ng tukso at pangungutya ang kaibigan ko sa ilang estudyante dito sa St. Lucas, hindi lang sa nerd at weird nito kundi na rin sa kanyang pananamit at itsura. Hindi ko nga rin alam kong paano kami naging malapit sa isa't-isa ni Faye lalo't mag kaiba naman kami ng ugali at gusto namin.
Si Faye iyong klase ng tao, mabait mahinhin mag salita at napaka kalmado. Gustong-gusto niya iyong parating mag isa at pumunta sa lugar na tahimik lamang para makapag basa ng mga libro, na ayun naman ang kabaliktaran sa gusto ko. Ako naman ang ugali ko naman prangka, mabunganga at mapag patol rin kung minsan kaya sa kabila ng pag kakaiba ng ugali namin ni Faye sobrang malapit na malapit kami sa isa't-isa.
"Oh bakit hindi mo ako sinasagot?" Mababa niya na lang na tinig. Tumagos na lang ang mata ni Faye sa gilid ko, na animo'y may tinitignan siya roon. Kahit hindi ko man sundin kong saan siya naka tingin, alam ko na rin kong saan naka pako ang mata niya walang iba kundi sa itim na Urus na Lamborghini na sinakyan ko kanina.
Umandar na umalis ang itim na sasakyan paalis kaya't nag kasalubong na lang ang kilay ng kaibigan ko. Takang-taka na binalik niya ang tingin niya sa akin na ngayo'y punong-puno ng katanungan ang mukha niya, na kahit hindi siya mag salita nababasa ko kaagad na marami siyang gustong sabihin at itanong sa akin.
"Uy, ano na Clarrise? Tama ba iyong nakita ko kanina? Doon ka naka sakay sa mamahalin na sasakyan na iyon?" Singit niya na lang na animo'y hindi nakapaniwala sa nakita niya. "Asan na iyong dati niyong lumang sasakyan na ginagamit? Bumili na ba kayo na bagong kotse?" Sunod-sunod niya na lang na tanong sa akin na kinagat ko na lang ang ibaba kong labi, hindi ko alam kong paano ko sisimulan na ipaliwanag sakanya at hinawakan ko na lang ang pulsuhan ng kaibigan ko. "Halika na nga." Wika ko na lang, na mabigla naman siya.
"H-Ha? Baki———" hindi ko na pinatapos nang anumang sasabihin si Faye, na hinatak ko na lang ang pulsuhan niya papasok ng Campus.
******
"Clarisse, ano ba talaga ang nangyayari?" Singit na tanong na lang sa akin ni Faye na ngayo'y maputol na lang malalim kong iniisip na ngayon hatak-hatak ko pa rin ang pulsuhan niya. Nauna na akong nag lakad samantala naman siya nag patanggay lang sa pag hatak ko.
Nag lalakad na kami ngayon sa loob ng Campus, nakaka salubong at kasabayan rin namin ang ilang estudyante na papasok rin, na hindi ko na lang kina pansin pa.
"Wala." Pag tatapos ko ng usapan, dahil ayaw ko rin naman pag usapan pa ang bagay na iyon.
"Anong wala? Halos mag iisang linggo kanang hindi pumasok Clarisse, hinahanap ka ng ilang Professor natin dahil na-miss mo iyong lecture at quizzes natin. Tinatawagan at tini-text kita pero hindi ka sumasagot, tapos sasabihin mo sa akin na walang nangyari?" dugtong niya naman ang mababang tinig na hindi na ako sumagot pa.
Naging malamlam lang ang aking mga mata at katahimikan na lang ang bumalot sa panig naming dalawa. "Clarisse," matapos ng ilang segundo na katahimikan tinawag ulit ni Faye ang pangalan ko. "Kaibigan mo ako Clarisse, pwede mo rin naman sabihin o kaya naman ikwento sa akin kong may problema k-------Sandali, wedding ring ba ito?" ang wika na lang ng kaibigan ko ang mag palakas na lang nang kalabog ng aking dibdib at mag pahinto sa akin sa pag lalakad.
Sumikip na lang ang puso ko, hindi maipaliwanag ang kaba at takot sa aking puso na ngayo'y naka pako ang mata ni Faye sa kaliwa kong kamay na animo'y may tinitignan doon. "Kasal kan----" hindi ko na pinatapos pa ang anumang sasabihin niya na kaagad ko naman kinabawi ang kamay kong hawak siya. Mabilis kong tinago ang kaliwang kamay ko sa likuran ko na ayaw ipakita iyon sakanya subalit alam kong huli na dahil nakita niya na iyon.
"H-Hindi." Nauutal kong tinig na mag kasalubong na lang ang kilay niya na halatang kombinsado sa sinabi ko. Kinapa ko na lang ang kaliwa kong daliri, mariin na napa pikit na makompirma kong may singsing nga doon. Bakit hindi ko kaagad napansin ito? Kainis naman.
"Anong hindi? Ayan oh." Tinuro niya na lang ang singsing na tinatago ko sa likuran.
"Wala ito, Faye." Giit ko na lang at baka sa pag kakataon na ito hindi niya na ako kulitin pa. "N-Naisuot ko lang ito kanina sa pag aayos ko, pero wala ito." Peke na lang akong ngumiti sakanya para sa ganun maniwala na siya.
"Anong wala Clarisse? Kilala kita alam kong hindi mo hilig mag suot ng ganiyan," giit niya na lang na lumapit pa siya sa akin at sa pag kakataon na iyon hindi na ako naka ligtas pa sa pag suri niya sa akin. "Simula high school mag kaibigan na tayong dalawa, Clarisse na halos kilalang-kilala na kita kapag may tinatago ka sa akin. Kasal kana? Kay Luke ba?" tanong niya na lang sa akin na puno ng emosyon ang mata kong tumitig na lang sa kaibigan ko.
"Hindi," matabang kong tinig na kumunot na lang ang noo niya na nabahiran ng lungkot ang mga mata ko. Sana nga lang Faye. Sana nga lang talaga si Luke ang napangasawa ko at hindi ako malulungkot ng ganito. Sana hindi ako nahihirapan ng ganito. "Hindi siya, k-kay Travis Ross," walang buhay ko na lang na pag kakabigkas sabay iwas na lang ng tingin kay Faye.
Hindi na maitago ang sakit para sa akin lalo't napangasawa ko ang lalaking hindi ko naman tunay na minahal.
Hindi ko rin ginustong makasama.
Kita ko ang pag kabigla sa mukha ng kaibigan ko sabay napa takip siya ng bibig na hindi maka paniwala.
"Omg! Si Travis Ross, i-iyong Diba siya iyong fiancée Erisse mo?" dugtong niya muli. Simula no'ng mawala ang Ate Erisse ko bago sila ikasal ni Travis Ross, hindi na ako pinapasok ng mga magulang ko sa School at pinag bawalan niya rin akong humawak ng cellphone kaya't hindi ko rin naikwento sa kaibigan kong si Faye ang lahat ng mga nangyari.
"Mahabang kwento Faye, bigla na lang nawala si Ate Erisse bago sila ikasal kay Travis kaya't ako na lang ang pinapalit sa posisyon ng Ate ko para maka bayad sa pag kakautang namin. Hindi ko alam ang gagawin ko Faye lalo't hanggang ngayon wala pa rin kaming balita kay Ate Erisse," puno ng emosyonal kong tinig.
"I'm so sorry Clarisse, hindi ko alam." Puno ng lungkot sa mata ng kaibigan ko at alam ko rin na nalulungkot rin sa sitwasyon ko ngayon.
"Faye, nakita mo ba si Luke? Gusto ko siyang maka usap eh."
"Hindi mo ba alam Clarisse?" maka hulugang tugon niya na lang na mag bigay takot at pangamba sa aking puso. Hindi alam na ano?
Napaka lakas na ang kalabog ng aking puso, napuno ng nerbyos at kaba ang aking dibdib lalo't hanggang ngayon wala pa rin akong balita sakanya. Kinakabahan rin ako na baka posibleng totoo ang sinabi ni Travis tungkol sa nobyo ko.
"Alam na ano?" mababa subalit ramdam ko na ang pamumutla ng aking labi sa takot na inaabangan ang kanyang sasabihin.
"Hanggang ngayon hindi pa rin pumapasok si Luke sa School, mag lilimang araw na, Clarisse. Usap-usapan rin dito sa Campus na baka mag kasama na kayong dalawa dahil pareho kayong hindi pumapasok eh," ang salita na lang ni Faye ang mag pahina na lang sa akin nang husto.
Ano?
Limang araw nang hindi pumapasok si Luke?
Bakit?
Mariin na lang akong napa lunok ng laway at napako naman ang mata ko sa hawak ng kaibigan kong cellphone. Walang pasabi na hinablot ko ang cellphone niya, na lalo pang tumitindi ang kaba at takot ko lalo't hanggang ngayon wala pa akong balita sakanya. "Anong gagawin mo Clarisse?" taka niyang tinig.
"Tatawagan ko si Luke," wala sa sarili kong tinig na sinimulan ko nang I dial ang numero ni Luke sa cellphone niya. Hindi na maitago ang malakas na kalabog ng puso ko na marinig na lang ang patuloy na pag ring ng cellphone ni Luke sa kabilang linya.
'Sagutin mo Luke, sagutin mo please.'
Taimtim ko na lang na dasal na marinig ang pag ring nito sa kabilang linya, na walang planong sagutin niya iyon. Aligaga at hindi na ako mapakali sa aking kinatatayuan na marinig na patuloy lang iyon nag ri-ring na mag paiyak na lang lalo sa akin nang husto.
"Luke, sagutin mo na," aniya ko pang tinig na hindi na alam ang gagawin. Para na lang pinag bagsakan ng langit at lupa na marinig na lang ang pag putol sa kabilang linya.
Maluha-luha ang mata kong sinubukan na tawagin ang kanyang numero at mag bigay kirot na lang sa aking puso na sunod ko na lang narinig ang pag putol ng linya, na hindi ko na siya matawagan pa. Nang hihinang binaba ko na lang ang kamay kong may hawak na cellphone na naka tapat sa aking taenga at tuluyan namanhid ang aking katawan na wala na.
Hindi niya sinagot ang tawag ko.
Gumilid na lang ang bakas ng luha sa aking mga mata at para bang sasabog na ang dibdib ko sa kirot ng aking puso, na tinignan na lang si Faye ng kay lungkot.
Luke, asan kana ba?
Mag pakita kana sa akin, please.
TRAVIS POV
The man wearing a black Armani suit,taas-noong nag lalakad sa pasilyo. That man used to be arrogant and cold for his men who were stationed in the back, they used to be had a blank facial expression.
The CEO- Blue Lily Hotel Travis Ross, who is feared by this employees because of his strict nature towards employees and even at work.
Blue Lily Hotel is the most successful company and Hotel in the country. Many tourist come to visit his Hotel because they also want to experience the most famous and lifetime services and amenities they offer. His hotel has been featured several times on television and even in tabloids because many rich businessmen and famous people na pumupunta sa kanyang Hotel.
Aside from running Blue Lily Hotel, Travis also manages Company, ari-arian at ilang mga restaurant sa karatig bansa. Isa rin sa magaling si Travis sa lahat, ang pag track ng lokasyon kahit na rin ang mga imposibleng mga cases na gusto niyang alamin. Nakaka kuha kaagad siya ng impormasyon ng mabilisan na kayang-kaya niyang unahan ang pag iimbestiga kahit na ang mga pulisya sa bilis niyang mag track ng lokasyon.
Sa pagiging matagumpay ni Travis sa pag papatakbo ng negosyo at successful na billionaire sa edad na bente-nuebe isa siya sa pinaka matinik at magaling na kalaban ng ibang kompaniya, sa pagiging madugas at magaling niyang mag handle ng mga negosyo.
Walang gustong bumangga sakanya.
Wala ni isang gustong kalabanin at pabagsakin siya sa negosyo dahil na rin iniiwasan siya ng lahat.
Natanaw na ni Travis ang pintuan na nag kokonekta sa kanyang Opisina. Bago siya maka rating, nauna na ang tauhan niya na kumilos at pinag buksan na siya ng pinto.
Tuloy-tuloy lang sa pag pasok si Travis sa loob ng kanyang Opisina at naabutan niya ang secretary niya na si Lanie na kasalukuyan nag lalagay ng mga importanteng files at dokumento sa ibabaw nang kanyang lamesa.
Nang mapansin lang nito ang presinsiya na bagong dating kaagad itong nataranta at umayos ng tindig. "Good morning po Sir," magalang na bati sakanya na hindi man lang kina pansin o sukli ni Travis na lingunin ito na dire-diretso lang siyang nag lakad at nag paiwan na ang tauhan niya sa labas. "Naihanda ko na po lahat ng mga files at documents na kailangan niyo." Halatang tensyonado at kabado ang paraan ng boses nito na sinusundan siya ng tingin nito. "Siya nga pala, tumawag si Mr. Gomez kanina at pina-pamove niya ang meeting niyo ng ala-una ng hapon at after ng meeting niyo susunod na appointment kay Mrs. Pascual ng alas tres ng hapo------"
"Get out!" matabang at masungit na pag kakabigkas ni Travis na matigilan na lang ang secretary niya sa pag basa ng notes na hawak nito para sa schedule ng meeting at appointment niya ngayong araw.
Napa anggat ng mukha ang secretary niya at takang-taka na tumitig sakanya. Masungit ang expression ng mukha ni Travis, na puno ng uyam iyon kaya't pinag pawisan na lang ito ng malala. "Gusto mong ulitin ko pa ang sinabi ko? I said get out!" tumaas ng konti ang nakaka takot na boses ni Travis sa buong Opisina na mataranta na lang ito.
"O-Opo," pawisan na nauutal na tinig na lang nito at dali-dali na lumabas na lang ito sa Opisina. Uyam na sinundan na lang ito ng Travis ng tingin hanggang tuluyan na nga itong naka alis.
Uyam na sinalampak na lang ni Travis na maupo sa swivel chair, iritadong niluwagan ang pag kakatali ng necktie kasunod ang mabibigat niyang pag hingga. Pikon na pikon na lang na pinagalaw ni Travis ang panga na at pinikit niya ang kanyang mga mata at sumagi na lang sa isipan niya ang mukha ng kanyang asawa.
"Mag hintay ka lang, aalis at aalis ako at hindi mo ako mapipigilan. Kapag nangyari iyon mag sasama kami ni Luke at hindi mo na ako makikita pa!" Sumagi sakanyang isipan ang huling katagang iniwan nito at kung paano kay talim siyang tinignan ni Clarisse.
Sumiklab ang galit at pag kasuklam kong paano siya tignan ng mga matang iyon na mag pagalit pa lalo sa dibdib ni Travis.
Kina-mulat na lang ni Travis ang mata niya at sa pag kakataon na iyon naging malamig at nakaka takot na sa dilim ng kanyang aura. "Hinding-hindi ako makakapayag na maka alis at iwan mo na lang ako nang ganun, Clarrise. Akin ka lang, akin!" nakaka kilabot ang boses ni Travis at hindi niya namalayan na naka kuyom na ang kamao ng higpit sa sobrang galit.