Chapter 7

2661 Words
Chapter 7 CLARISSE’S POV “Clarisse, Clarisse.” Ang pag tawag sa akin ni Faye ang mag papukaw na lang sa akin. “Huh?” Iyan na lang ang sagot ko at kanina pa siya naka tingin sa akin. “Sorry, ano nga iyon?” Sinapo ko na lang ang mukha ko at umayos na umupo sa upuan. Bumaba na lang ang mata ni Faye, na para bang may tinitignan kaya’t sinundan ko na lang kong saan siya naka tingin. Namilog na lang ang mata ko na ngayon hawak kong tinidor at halos durog na durog na ang ulam ko na kanina ko pa iyon tinutusok nang paulit-ulit. Wala sa sariling napa bitaw na lang ako sa tinidor sa pag kabigla na maka gawa iyon ng tunog. “Kanina pa ako nag sasalita pero hindi kana man pala nakikinig sa akin.” Pag susungit niya na lang sa akin at pinikit ko na lang ang mata ko, na mapag tanto ang ginawa ko. “Sorry talaga Faye,“ pag hinggi ko na lang ng despinsa sabay pakawala ng malalim na buntong-hiningga na lamang. Ginala ko na lang ang mata ko at naka upo kami ni Faye sa pinaka dulo na pwesto dito sa Cafeteria. Nakita ko na lang ang ibang estudyante na kasabayan naming kumakain nang tanghalian, maririnig mo ang kanilang pag uusap, munting tawanan kasama ang kanilang mga kaibigan at kaklase. Medyo konti lang ang estudyante ang narito na hindi nga napuno ang ibang silya dahil ilan sakanila mas pinili nilang kumain sa restaurant at Mall. Napaka laki at well class ang Cafeteria sa St. Lucas University na kompletong-kompleto na nga sa pasilidad kagaya nang nasa dulo naroon ang mahabang glass, kong saan naka hilera ang samo’t-saring mga pag kain na kanilang hinahanda araw-araw kagaya ng lunch o kaya naman snacks. Sa kabilang dako naman naroon ang dalawang vending machine, kong gusto uminom ng bottled water at ibang klaseng inumin. May sarili rin na Comfort room sa loob ng Cafeteria at halos napaka linis ng paligid na wala ka talagang makikitang anumang bakas ng dumi at alikabok sa paligid na araw-araw iyon nililinisan. Sa loob rin ng Cafteria mayron rin na sampung table, para sa mga estudyante na gustong kumain o kaya naman mag palipas ng oras habang hinihintay pa nila ang susunod nilang klase. “Kanina ka pa ganiyan ah. May problema ba Clarisse?” Ang mababa at may pag aalalang tinig na lang ni Faye ang mag patigil sa akin muli. Kina balik ko ang atensyon ko sa kaibigan ko na ngayon, puno ng pag alala kong paano niya ako tignan. “Si Luke, kasi Faye.” Puno ng tamlay kong tinig lalo’t hanggang ngayon wala p rin akong balita kay Luke. Mag dadalawang araw na akong nag hihintay sakanya, nag babakasali na papasok siya sa klase para mag kausap kami subalit wala akong Luke na nasilayan. Wala akong Luke na nakita. Hindi siya dumating. Hindi pa rin siya pumapasok. Sinubukan ko siyang tawagan ang kanyang numero pero wala rin. Sinubukan kong I contact siya sa mga social media ngunit wala akong nakuhang sagot sakanya ganun rin ang mga magulang niya, wala akong nakuha. Araw-araw akong pumupunta sa room niya, nag babakasali na mag kikita kami ngunit walang bakas maski anino niya. Sinubukan kong mag tanong sa kanyang mga kaklase at malalapit niyang kaibigan ngunit wala rin silang balita kay Luke. Hindi rin nila alam kong asan ito kaya’t lalo akong nag aalala nang husto. Gustuhin ko man na puntahan siya ngayon sa kanilang bahay para alamin ang kalagayan niya ngunit wala akong magawa lalo’t naka bantay sarado sa akin ang mga tauhan ni Travis at hindi ako maka alis-alis. Sa bawat oras at araw na nag daan, lalo lamang akong kinakain ng matinding pag aalala at pangamba sa aking puso na hanggang ngayon wala pa rin akong balita pa sakanya. Hindi na ako maka tulog ng maayos at kakaisip kong ano na ba ang nangyari sakanya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. “Hindi ko na alam ang gagawin ko Faye, hanggang ngayon wala pa rin akong balita kay Luke. Hindi niya sinasagot ang mga tawag ko s-sakanya.” Nag simulang uminit na lang ang sulok ng mata ko, hindi maitago ang sakit sa aking puso dahil wala pa rin akong nakukuhang balita sakanya kong ano na ang nangyari sakanya. “Natatakot ako Faye, na b-baka posibleng sinaktan na siya ni Travis.” sinapo ko na ang aking mukha, lalo pang tumindi ang takot sa aking puso na maalala na lang ang huling sinabi ni Travis ng gabing iyon. Ayaw kong isipin na baka may kinalaman si Travis sa pag kawala ni Luke. Ayaw kong isipin na may ginawa niyang masama sa nobyo ko at baka hindi ko na alam ang gagawin ko. Nanikip na lang ang aking dibdib sa nerbyos at takot sa aking mukha ng sandaling iyon. Asan kana Luke? Huwag no naman ako pag alalahanin ng ganito oh. Mag pakita kana sa akin. “Maging mahinahon ka, Clarisse.” Pag papakalma sa akin ni Faye at hinawakan niya ang kamay kong naka sapo pa rin sa mukha ko, na kahit papaano mag pakalma naman sa akin ng konti. “Hindi naman siguro magagawang saktan ni Travis si Luke, at baka may rason naman siya kaya’t hanggang ngayon hindi pa rin siya nag papakita sa’y——“ “Paano kong oo, Faye?” Pag tatapos ko ng kanyang sasabihin na nabakasan na ng luha ang aking mga mata na tumitig na lang sakanya. Bigla na lang nanahimik si Faye at mag tagpo ang mata namin sabay pakawala na lang ng malalim na buntong-hiningga. Umayos ako ng pag kakaupo sa upuan at humigpit na lang ang pag kakahawak ko sa kamay niyang hawak pa rin ang kamay ko. “Faye, tulungan m-mo ako.” Basag kong tinig na mag kasalubong na lang ang kilay niya, halatang nabigla sa sinabi ko. Ito na lang ang naisip kong paraan. Ang hanapin siya dahil hindi rin ako mapapanatag. “Huh?” Maluha-luha ang mata kong tumitig na lang sa kaibigan ko at nangingiusap ang aking mga mata. “Tulungan mo ako Faye, gusto kong puntahan si Luke, please.” Mababa kong tinig na mabahiran ng bakas ng luha ang aking mga mata, na hindi na siya umimik pa. STILL CLARISSE POV “Kailangan mo ba talagang gawin ito, Clarisse?” Ang salita na lang ni Faye ang mag patigil na lang sa akin sa pag aayos. Tinapunan ko si Faye ng tingin na ngayo’y hawak ang kanyang kamay, hindi mag padaundugaga sa kinatatayuan na hindi mapakali. Malilikot na ang kanyang mata at pansin ko na ang pag kabalisa, na ngayo’y nabahiran ng pawis ang noo nito. Panaka-naka siyang pasilip-silip sa labas na animo’y may pinag tataguan doon. Nilapag ko na lang sa ibabaw ng sink ang bag ko at dali-dali akong lumapit kay Faye at kinuha ang kanyang kamay na ngayo’y nanlalamig na iyon sa nerbyos. Kasalukuyan kaming dalawa mag kasama sa loob ng Comfort room at may ilan rin kaming estudyante na kasabayan na nag aayos. Tantya ko, apat lang kami sa loob at hindi na gaanong matao dahil pasado alas dos pasado na iyon ng hapon kaya’t kokonti na lang ang studyante ang pumapasok roon at ang iba nasa kani-kanilang klase na. “Huwag mo na kaya, itong ituloy? Ako kasi ang natatakot Clarisse.” Mababa niyang tinig, na sa aming dalawa siya ang natatakot sa aming gagawin. “Huwag kang mag alala kay Faye, mabilis lang naman ako.” Paalala ko na lang sakanya, na mamuhay pa lalo ang takot sa kanyang dibdib sa aking pina-plano. Pina-planong umalis. Pina-planong tumakas. Ito na lang ang naisip kong paraan, para mahanap si Luke iyon ang hanapin at alamin ang kalagayan niya. Alam kong hindi rin naman ako mapapanatag at mapapakali hangga’t hindi ko siya nakikita kaya ako na lang ang gagawa ng paraan. At iyon ang pupuntahan ko siya sakanila. Iyon na lang ang huling alas ko. “Paano kong mahuli ka nila?” Tumindi pa lalo ang panlilikot ng kanyang kamay, at medyo pawisan na ang palad niya na ngayon putlang-putla na ang kaibigan ko. Kina silip niya muli ang nag babantay na mga tauhan ni Travis sa labas ng Comfort room at hinihintay ang pag labas namin. “Kaya ko na ito Faye, huwag kanang mag alala sa akin, hindi ako mag papahuli.” Pag papalakas loob ko na lang sakanya ngunit parang hindi naman siya nadala roon. Humigpit na lang ang pag kakahawak ko sa kamay naming mag kahawak pa rin at nag tagpo ang mata namin. “Kailangan kong gawin na ito. Kong hindi ko hahanapin si Luke, kaylan pa gagawin?” “Clarisse.” Mababa niyang tawag sa pangalan ko, kinukumbinsi sa kanyang mga mata na huwag kong ituloy ang binabalak ko ngunit buo na ang desisyon ko. Gagawin ko na ito ngayon. “Gusto kong makita at maka usap si Luke. Iyon lang ang gusto ko Faye, gustong malaman na nasa mabuting kalagayan lang si Luke at doon ako mapapanatag.” Marahan kong minasahe ang kanyang at binitawan ang kanyang kamay. Inayos ko na lang ang suot ko ngayon na itim na sumbrero, sumukli lang ako ng matamis na ngiti kay Faye na tinunggo ang pintuan. Binuksan ko na ang pintuan ng comfort room, bahagyang sumilip sa labas at nakita ko pa rin ang dalawang tauhan ni Travis sa labas, nag hihintay pa rin. Kinagat ko na lang nang mariin ang ibaba kong labi lalo’t bantay-sarado sila nang husto. Tumago na lang ako sa bandang gilid, panaka-nakang sinisilip na hindi nila mapansin ang presinsiya ko na ngayo’y tahimik lanh silang nag hihintay sa labas. Ilang segundo akong naka tayo roon at nag hahanap ng tyempo, nang mapansin kong hindi naman sila naka tingin at dali-dali na akong kumilos na umalis at tinalikuran na sila. Lakad-takbo lang ang aking ginawa at humawak pa ako sa sumbrero para itago ang aking mukha, na hindi nila makilala. Nag danak na lang ang malamig na pawis sa buong katawan ko lalo’t palayo na ako nang palayo na ako sakanila. Napaka lakas na ang kalabog ng aking dibdib, nag darasal na hindi nila ako mapansin at makita. Lumiko na ako kaagad sa pasilyo, at doon na ako tumakbo ng mabilis para matakasan na sila. Takbo lang ako nang takbo na patingin-tingin ako sa kaliwa’t-kanan ko, na may naka salubong man akong ilang estudyante na nag lalakad sa hallway. Takbo lang ako nang mabilis, hindi ko na kinapansin ang ilang estudyante na maka salubong ko sa hallway, na ilan pa sakanila nakaka bangga ko na sa pag mamadali ko lamang. Pinikit ko na lang ang mata ko, nabahiran ng bakas ng luha iyon na tumatakbo pa rin. Luke, papunta na ako diyan. Hintayin mo ako. ***** Hindi ko na mapigilan mag pakawala ng malalim na buntong-hiningga na ngayon naka sakay ako sa loob ng taxi. Pinapanuod ko na lang ang nag tataasan na mga establishmento, mga bahay at mga taong nag daraan sa kalsada. Mga iba’t-ibang mga sasakyan rin na nag daraan na ang iba pa roon mga kasabayan namin. Hinawakan ko na lang ng mariin ang aking palad, hindi na maitago ang konting pag asa at kaba sa aking puso na ilang sandali na lang mag kikita na kaming dalawa ni Luke. Tinuon ko na lang sa huling pag kakataon ang aking mata sa labas ng bintana para libangin ang aking sarili hanggang pumasok na lang iyon sa isang subdivision. Doon nakita ko ang napaka ganda at garang mga bahay sa kaliwa’t-kanan ko, napaka tahimik at payapa ng paligid. “Miss, nandito na po tayo.” Ang pag salita na lang ng driver ang pag patigil na lang sa akin. “Huh?” Dumungaw na lang ako sa labas ng bintana para silipin at nakita ko na kaagad ang familiar na lugar, na alam kong nandito na nga ako. Bumuntong-hiningga na lang ako ng malalim at binalik ko ang mata ko sa driver. “Sige, salamat po.” Tipid ko na lang na sagot at inabot ko na sakanya ang bayad bago lumabas ng sasakyan. Humampas na lang sa akin ang malamig na simo’y ng hangin pag baba ko. Bumungad na lang sa akin ang napaka laking bahay na mayron na dalawang palapag. Hindi lamang simpleng bahay iyon kundi napaka gara, na napapalibutan iyon ng malaki at nag tataasang pader na gawa sa sementado na kahit na sa iba napaka hirap na pasukin dahil na rin sa napaka higpit ng securidad. Lumapit na ako sa mismong bahay ng mga magulang ni Luke at lumingon lamang ako sa paligid na wala akong makitang ibang tao nag daraan sa daan. Malimit lamang na magawi sa area na iyon ang mga sasakyan, kaya’t mabibinggi kana lang sa katahimikan. Lumapit pa lalo ako sa mismong gate, panaka-nakang sumilip sa loob, para alamin kong mayron bang tao. Mula sa maliit na siwang mula sa mismong gate, dinungaw ko pa lalo para silipin ang napaka gandang bahay ngunit wala akong makitang ibang tao doon. Naka sarado rin ang mga bintana at kahit na rin ang pintuan, na labis ko na lang na pinag tataka nang husto subalit hindi ko na lang kina pansin. Nag asseum na lang ako na baka ganun nga talaga. Lumunok na lang ako ng mariin ng laway at pinindot na ang mismong doorbell, nag hintay pa ako ng ilang segundo na lumabas na tao mula sa loob ngunit wala talaga. Walang lumabas, Kahit na ang katulong o kaya naman si Luke. Pinindot ko pa ang doorbell mula nang sunod-sunod at hindi mapakaling sumilip muli sa napaka laking gate, inaabangan na may lumabas roon pero wala talaga. Namuhay na lang ang matinding kaba sa aking puso at hindi na ako mapakali sa aking kinatatayuan na halos mag dadalawang minuto na akong naka tayo roon, walang nag pakitang Luke sa akin. “Luke.” Tawag ko na lang sa pangalan ng aking nobyo,baka sa pag kakataon na ito lalabas siya. Baka sa pag kakataon na ito mag papakita na siya sa akin “Luke, nandito ka ba? Luke?” Lumakas ng konti ang aking boses, hindi na mapakali na pasilip-silip sa napaka laking gate. Hindi na ako mandaugaga ng sandaling iyon, na mamuhay lalo ang kaba at takot sa aking sarili na tumatakbo ang segundo at minuto. “Luke, nandiyan ka ba? Luke!” Malakas ko na lang na pag tawag sakanya na mabahiran ng bakas ng luha ang mga mata ko. “Luke, ako ito si Clarisse.” Tinig ko na lang na paulit-ulit na pinipindot ang doorbell. Humingga na ako ng malalim at natigilan na lang ako na marinig ang mabigat na pares ng paa na tumigil na lang sa likuran ko. Mabigat na pares ng paa na pinapanuod ako. Nanatili lamang ako sa aking kinatatayuan, na maramdaman ko ang presinsiya niya sa likuran kong naka tayo pa rin. Hindi na maitago ang labis na pag kasabik at saya sa aking puso na siya na iyon. Si Luke na iyon. Alam kong hindi niya rin ako matitiis. Mag papakita siya sa akin. “Luke, mabuti naman at nakita na kit———“ hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko na mag tagpo na lang ang mata namin. Malamig na pares ng mata na mag pawala na lang ng matamis na ngiti sa aking labi at unti-unti iyon napalitan ng matinding pangamba sa aking puso. Hindi. Hindi maari ito. Umakyat na ang kilabot sa aking katawan na makita na lang ang madilim na aura ng isang lalaki naka tayo sa harapan ko at ang kanyang mata’y nakaka takot. Bigla akong nanigas. Hindi ako maka galaw. At wala nang mailabas na boses sa aking bibig, na hindi inaalis ang aking mata sa nakaka takot na nilalang sa harapan ko. “T-Travis.” Iyan na lang ang naibigkas ko at naririnig ko na mismo ang malakas na kalabog ng aking puso. Hindi. Hindi maari. Hindi maari ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD