Chapter 72 CLARISSE'S POV Kasalukuyan akong naroon sa kusina, sadya pa talaga akong gumising ng maaga para lamang ipag handa si Travis ng kanyang babaunin dahil netong nagdaang mga araw abala siya sa mga maya’t-maya na mga meetings at gawain sa kompaniya kaya’t hindi niya na nagagawang kumain sa tamang oras. Pang apat na araw ko itong ginagawa kong pag papabaon ng masarap na mga pagkain sa kanya at natutuwa naman ako sa ginagawa ko. Dalawa lang klase ang hinanda ko isang adobo na aking specialty at isang ulam na paborito niya. Naglagay rin ako na side dishes, kagaya ng prutas at vegetable salad at hinanda ko na ang lalagyan. “Hmm, napaka bango naman po ng niluto Mam Clarisse, bigla po akong nagutom.” lumapit ang katulong sa akin, bahagyang sinilip ang ginagawa kong pag hahanda. Nag kor
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


