Chapter 73 ERISSE'S POV Kanina pa siya naka tayo sa living room, pinag mamasdan ang malaking portrait na nakalagay sa kanyang harapan. Hindi lamang isang simpleng imahe ng mga sikat na mamahalin ang naturang portrait kundi larawan ng dalawang tao. Dalawang tao, na nag papakirot ng kanyang dibdib. Tumitig siya sa larawan kung saan naroon si Travis katabi ang kanyang kapatid na si Clarise. Inoobserbahan niya ang naturang portrait, na kuha na naka suot sila pareho ng wedding attire, na pasadya na kinuha lamang iyon sa isang studio na magkatabi at sweet na sweet pa sila kung paano kinuha ang litrato. Naka poker face lang si Travis, seryosong-seryoso sa harapan ng camera subalit lumilitaw naman ang angas niyang dating, sa suot na Black American suit. Sa litrato hindi maitatago na napaka g

