Chapter 2
Nagising na lang ako sa walang kadahilanan, dahan-dahan ko na lang minulat ang mga mata ko at una kaagad na bumunggad sa akin ang hindi familiar na lugar.
Napa pikit na lang ako ng maka ramdam ng matinding pag kahilo at pananakit ng aking ulo kaya't na mapa ungol na lang ako ng mahina.
Minulat ko na lang muli ang mata ko at tahimik na ginala ang tingin ko sa paligid, parang batang nawawala sa kanyang magulang na hindi alam ang gagawin.
Tumingin na lang ako sa kaliwa't-kanan malayang sinusuri ang paligid, na sapat na sa akin na makita ang paligid dahil lamang sa konting liwanag at ilaw sa kwartong iyon kaya't nakita ko ang marangya at mamahalin na mga gamitan. Ilang bahagi ng kwarto tuluyan na ngang nilamon ng dilim na alam ko sa sarili kong hindi ko silid ito.
Sandali, anong nangyari?
Asan ako?
Bakit ako nandito?
Maraming mga katanungan ang sumagi sa isipan ko ng sandaling iyon at nabahiran lamang ng takot at pangamba ang aking puso na unti-unting bumalik sa aking isipan ang pangyayari kaina.
Pangyayaring nag bigay kilabot sa puso't-isipan ko na maalala kong paano ako nadakip ng mga tauhan ni Travis.
Hindi.
Kailangan kong maka alis dito.
Kailangan kong maka takas.
Aligaga at malilikot na ang mata ko sa labis na takot lamang, akmang kikilos na sana ako paalis sa pag kakahiga sa kama subalit kaagad naman akong natigilan na hindi ako maka alis.
Sandali, bakit?
Anong nangyari?
Yumakap na lang ang malamig na pawis sa buong katawan ko na mapag tanto lamang na naka gapos na ang dalawa kong kamay sa kama gamit ang isang matibay na lubid.
Ano, ito?
Bakit may ganito?
Bakit naka gapos ako?
Naragdagan lamang ang takot sa puso ko na pilit na nag pupumiglas at hinihila na lamang ang tali para maka wala ako subalit sobrang napaka higpit at tibay no'n sa aking pulsuhan kaya't hindi ako makawala-wala.
Sa bawat segundong lumilipas, kinakain lamang ng takot at pinag hihinaan na lang ako dahil kailangan kong mag madali.
Kailangan kong maka alis dito sa lalong-madaling panahon.
"Ano ba!"
Himutok ko na lamang na mahina, na naging determinado na lamang akong maka alis sa pamamagitan lamang ng pag hatak ng tali sa mag kabila kong pulsuhan. Dumaplis na ang malamig na pawis sa aking leeg at noo na malakas na hinahatak ang tali at hinihila iyon ng buong pwersa at lakas ko.
"Kainis naman e——-ugh." Napa ungol na lamang ako ng mahina na malakas kong nahatak ang tali kaya't humigpit na napa diin iyon sa aking balat na gumuhit na lang ang kirot sa aking mukha.
Lumingon na lang ako sa kaliwa't-kanan ko, nanuot na lang sa laman ko ang lamig na nag mumula sa aircon sa silid na iyon. Doon ko lamang napag tanto na naka suot na pala ako ng manipis at sexy na silk night gown, na kitang-kita na ang hubog ng aking katawan at lumitaw ang makinis at maputi kong balat sa suot ko.
Ano ito?
Bakit ganito lang ang suot ko?
Kanina, naka suot lang ako ng wedding gown.
Sino nag palit sa akin?
Marami ng mga katanungan ang sumagi sa isipan ko ng sandaling iyon subalit pinag sawalang bahala ko na lang dahil nanaig pa rin sa puso ko ang maka takas sa lalong madaling panahon.
Kinagat ko na lang ng mariin ang ibaba kong labi at kay lakas ng pwersang hinatak muli ang lubid at maka wala sa pag kakatali subalit, wala pa rin. Inipon ko na lang ang natitirang lakas sa na hilain iyon sa pangalawang pag kakataon subalit sobrang higpit no'n sa pulsuhan ko na hindi sapat ang lakas at pwersa kong makawala-wala lamang.
"Nakaka inis naman. Bakit ayaw matanggal? Ugh." Himutok ko na lamang. "Bwisit naman o———"
"Huwag mo ng subukan, lalo mo lang pinapahirapan ang sarili mo."
Nanalaytay na lamang ang kilabot sa buong katawan ko na marinig na lang ang malagong at nakaka takot na boses, na mag panuot na lang ng hilakbot sa buong pag katao ko. Mariin na lang akong napa lunok ng laway at lumingon ako sa kaliwa't—kanan para hanapin kong saan nag mumula ang boses na narinig ko subalit wala akong makita.
Sumalubong lamang sa akin ang kadiliman at kahimikan ng silid na maging kabado pa ako.
Naging intense at mabigat na lang ang pag hingga ko, hanggang lumitaw na lang mula sa madilim na parte ng silid ang mala demonyo at nakaka takot n- pigura ng isang lalaki, na naka tayo at kanina pa ako pinapanuod.
Nakita ko na lang ang maitim na hugis ng kanyang katawan sa kabilang bahagi ng silid at nakita ko roon ang puno ng lamig at nakaka takot niyang mga mata na pag pawisan pa lalo ako ng malala.
Travis?
Lumabas na lang siya mula sa kadiliman at nakita ko na lang ang nakaka kilabot niyang itsura at mata't nitong puno ng lamig at lamlam.
Hinakbang niya ng dahan-dahan ang kanyang paa, sa bawat hakbang no'n palapit sa akin nanalaytay lamang ang kilabot at nerbyos sa buong katawan ko lalo't sa kakaiba niyang presinsiya.
Palapit nang palapit siya sa akin kaya't takot na takot na siniksik ko na lamang ang sarili ko sa headboard ng kama, palatandaan kong gaano ako natatakot sakanya.
"Huwag kang lalapit, d-diyan ka lang." banta ko na lamang subalit imbes sumunod siya sa akin, pinag patuloy niya pa rin ang pag lalakad na animo'y hindi niya ako narinig na mag palakas pa lalo ng kalabog ng dibdib ko.
"Ang s-sabi ko, diyan ka lang. Huwag kang lalapit sa akin." Nanginginig na ang katawan ko na takot na takot na tumitig sakanya, na patuloy pa rin nag lalakad.
Tumigil na lang ang yabag ng kanyang paa sa gilid ng kama kong saan ako naka higa at sumilay na lang ang nakaka kilabot na ngisi sa labi nito.
Maanggas siyang tumindig at ang isa niyang kamay naka lagay sa loob ng kanyang bulsa. Walang kaamor-amor ang dating kong paano niya ako tignan ng sandaling iyon.
Mariin na lang akong tumitig sa masungit na mukha ni Travis.
"Asan ako? Pakawalan mo ako, Travis!" Asik ko na lamang sabay pag pupumiglas na hinatak ang tali sa pulsuhan ko.
"Pakawalan mo ako dito! Pakawalan mo ako!" Tumaas na lang ang tono ng boses ko, at wala akong pakialam kong marinig man nila ako.
"Pinapagod mo lang ang sarili mo sweetheart, kahit anong gawin mo hindi ka makaka alis diyan." Umanggat na lang ang gilid ng kanyang labi, na mapa kurap na lang ako ng mata ko.
Anong ibig niyang sabihin doon?
"Tangina mo talaga, huwag mo akong tawagin na sweetheart dahil nakaka suka ka!" Asik ko na lang na kinilabitan na lang ako sa paraan ng pag tawag niya sa akin.
"Hindi mo ako pag mamay-ari kaya't pakawalan mo ako!" Ramdam ko na lang ang pangangamatis ng buong mukha ko sa labis na asik at galit kong paano ko siya tignan ngayon.
Naiinis ako sakanya.
Nagagalit ako sakanya, sa ginawa niya sa akin ngayon kaya't hindi ko siya mapapatawad.
"Pag- aari na kita, Clarisses." Parang galing sa kina-ilalaliman ng lupa ang kanyang tinig na mapa kurap na lang ako ng mata ko.
"N-No, hindi." Nag tagis na lang ang aking ngipin at tinignan ko siya ng kay sama lamang na hindi man lang siya nasindak sa paraan ng pag titig ko. Bwisit siya.
"Hindi mo ako pag mamay-ari Travis, hindi tayo kasal kaya't pakawalan mo na ako, ano ba! Hindi mo ako papakawalan dito? Kundi matatamaan ka talaga sa akin!" Hinatak ko na lang ng kay lakas ang tali ng kay lakas subalit wala pa rin.
Hindi ako titigil hangga't hindi niya ako pinapakawalan.
Imbes na sumagot, hinakbang na lang ni Travis ang kanyang paa palapit sa drawer kong saan ako naka gapos.
"Aba'y punyeta ka. Huwag mo akong talikuran. Kinakausap pa kita Travis. Hindi mo ako narinig? Ang sabi ko, pakawalan mo na ako dito!" Matinis ko na lamang na asik na maging determinado na pinag hahatak lamang ng kay lakas ang tali sa pulsuhan ko kaya't maririnig mo na lang ang kakaibang tunog sa bawat pag hila ko doon.
Parang naging slow-motion lamang ang kanyang pag galaw, na kina-sunod ko naman ng tingin ang kanyang pag kilos hanggang may kinuha siya doon sa ibabaw.
Sobrang bigat na ng dibdib ko ng sandaling iyon, na hindi inaalis ang mata sakana hanggang may hawak na siyang kapirasong papel na hindi ko malaman-laman kong ano nga ba talaga iyon. Humarap muli si Travis sa akin at sa puntong ito napaka lamig ang pinapakita niyang emosyon sa akin.
Ano bang palabas ito?
Pinakita niya sa akin ang papel na hawak niya, na para bang binuhusan ako ng malamig na yelo sa buong katawan ko na mapako na lang ang mata ko doon.
Tuluyan nang nag hina ang katawan ko, nanginginig na mapag tanto lamang kong ano ang laman no'n.
Hindi.
Hindi maari.
Sabihin niyo sa akin, na hindi ito totoo.
Sabihin niyo sa akin, na nananaginip lang ako.
Hindi totoo ang lahat ng ito.
Lalong bumigat pa lalo ang aking dibdib habang hindi inaalis ang mata ko sa marriage certificate na hawak ngayon ni Travis, at may anong kirot sa aking puso..
Nilayo ni Travis sa mukha ko ang marriage certificate na hawak nito.
"You're all mine sweetheart. Alam ko naman na hindi ka mag papakasal sa akin, but your family already sold you from me. Sila na mismo ang pumirma ng marriage certificate na hindi mo, magawa-gawang gawin!" Namilog na lang ang aking mata sa aking mga narinig at para akong pinag sukluban ng langit at lupa't sa mga nalaman ko.
No.
Hindi.
Hindi ito, magagawa ng mga magulang ko sa akin.
"H-Hindi, hindi totoo ang sinasabi mo." Giit ko na lamang at pilit sinasabi sa sarili ko na hindi totoo ang lahat ng ito.
Pilit kong pinapaniwala ang sarili kong, pinag loloko niya lang ako.
Ayaw kong paniwalaan ang sarili kong posible ngang totoo ang sinabi ni Travis.
Ayaw kong isipin na magagawang pag taksilan ako ng mga magulang ko pero sa bawat segundong lumilipas kinakain ng takot ang puso ko na posible ngang binenta na nga nila ako sakanya.
Uminit na lamang ang mag kabilang sulok ng mata at nag babandyang luha na namuo. Napaka bigat na ng dibdib ko na hindi na ako maka hingga sa sakit na magagawa ito ng mga magulang ko sa akin.
Bakit?
Bakit nila ito ginawa sa akin?
Anak ba talaga nito ako?
Bakit nila ako pinapahirapan ng ganito?
"Sinunggaling! S-Sinunggaling ka hindi magagawa sa akin iyan ng mga magulang ko Travis." Umalingawngaw na lang ang malakas kong sigaw at hindi ko na makayanan ang sarili kong umagos na lang ang luha na kanina ko pa pinipigilan.
Sobrang sakit na.
Sobrang bigat na ng puso ko.
Parang gripo na lamang na lumalandas ang luha sa mga mata kong patuloy pa rin iyon na bumubuhos.
"Napaka sinunggaling mong hayop k-ka. Pakawalan mo na ako Travis, pakawalan mo na ako." hikbi ko na lamang na pag iyak na halos manlabo na ang mata ko sa walang humpay na pag iyak.
Wala akong pakialam kong maging kaawa-awa man ako sa kanyang paningin, ang gusto ko lang ang pakawalan niya na ako dito.
Gusto kong maka alis na.
"Tanggapin mo na kasi Clarisse ang kapalaran mo. Pag mamay-ari na kita, sa ayaw at sa gusto mo!" Ngumisi na lang siya sa akin, kasabay no'n ang pag patak ng luha sa pisngi ko.
Iniling na lang ni Travis ang kanyang ulo at sinimulan na akong talikuran. Hinakbang niya na ang paa niya paalis sa naturang silid na iyon, na hindi paman siya nakaka tatlong hakbang na mag paiwan muli ako ng sasabihin.
"Napaka hayop mo talaga Travis!" Asik ko na lamang.
"Hindi kita mapapatawad! Babalikan ako ng boyfriend ko, ililigtas niya ako. Mag handa ka Travis, sa oras na nahanap ka niya ako, ilalayo niya ako sa sa'yo at sa impyernong bahay na ito!" Asik ko na lamang at yumakap na lang sa akin ang katahimikan.
Imbes masindak, pinakita na lamang ni Travis ang nakaka kilabot na ngisi sa labi niya na makita ko sa kalahati ng kanyang mukha.
"Really? You're making jokes now, sweetheart." Napa iling nitong tinig.
"Hindi na mangyayari ang sinasabi mo, baka sa oras na ito, hindi na sinisikan ng araw ang boyfriend na sinasabi mo." Maka hulugang nitong tinig na mag bigay takot na lang sa puso't-isipan ko sa katagang binigkas niya.
Ano?
Si Luke?
"Anong i-ibig mong sabihin?" Garalgal kong tinig na humihinggi ng kasagutan mula sakanya at pilit kong pinapaniwala ang sarili ko na mali ang iniisip ko, na wala siyang gagawin na masama dito.
"Anong ginawa mo kay Luke? Anong ginawa mo sakanyang, hayop ka!?" Patuloy kong pag pupumiglas na maka wala sa pag kakatali, na naging porsigedo lalo ako ngayon.
Hindi ako naging handa sa susunod na gagawin ni Travis, na mabilis siyang naka lapit sa gawi ko. Napa lunok na lang ako ng mariin na ilang pulgada na lang ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa na dumadapo sa balat ko ang mainit niyang hiningga, na nag bigay pangamba pa llo sa sarili ko na makita kong paano umaapoy ang mata nito sa galit.
"Travis." Basag kong tinig at dumaloy ang luha sa pisngi ko.
"Anong ginawa mo kay Luke? Anong ginawa mo, sa boyfriend k———"
"Nilagay ko na siya sa lugar kong saan siya nararapat. Let's call it a paradise, sweetheart." Sumilay na lang ang mala demonyong ngisi sa kanyang labi, na parang tinusok ang dibdib ko sa sakit.
Nanginginig na ang kalamnan ko, sa galit at pag titimpi na gusto ko siyang saktan at gantihan subalit wala akong lakas dahil naka gapos pa rin ako.
Hindi na ako nakapag timpi pa, na dinuraan ko na lang sa mukha si Travis kaya't napa pikit na lang ito ng mata.
"Napaka putangina mo! Asan si Luke? Anong ginawa mo sakanya huh?!" Sigaw ko na lang na hindi matapos-tapos ang pag buhos ang luha ko.
"Huwag mong siyang sasaktan dahil sa oras na sinaktan mo siya, ako ako ang makaka bangga mo. Hayop! Hayop!" Malakas kong sigaw at kasunod ang pag palahaw ko ng pag iyak.
Uyam na lang pinunasan ni Travis ang dura nito sa kanyang mukha at parang naging slow-motion lamang ang kanyang kilos. Uyam na pinagalaw na lang nito ang kanyang panga at kinain ng takot ang dibdib ko na lalo pang dumilim ang mukha nito na animo'y sinapian ng demonyo.
"Napaka hayop mo talaga Travis, hinding-hindi kita mapapatawa——-" hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko na tinutok na lang ni Travis ang baril sa leeg ko, na hindi na ako maka kilos at galaw.
Mariin na lang ako napa lunok ng laway ko, takot na takot na nilapat niya pa lalo sa laman ko ang malamig n baril, na panginigan pa lalo ako.
Napa singhap na lang ako na marahas na hinawakan ni Travis ang buhok ko at nilapit pa lalo sakanya. Napa ungol na lang ako ng mahina, na tiniis ko na lang ang sakit at kirot na animo'y may natanggal na buhok sa anit ko sa rahas ng pag kakahawak niya doon.
Lumitaw pa lalo ang nakaka takot na itsura ngayon ni Travis, at sa puntong ito sumiklab na ang panlilisik ng mata nito na animo'y ibang tao ang nasa harapan ko ngayon.
"Don't try me, Clarisse!" Lalo pang diniinan ni Travis ang pag kakatutok ng baril sa leeg ko kaya't napa pikit na lang ako lalo. Tahimik na humihikbi na umiiyak sa takot lamang na kalabitin niya ang baril sa leeg ko.
"I can get whatever I want and desire too. You're all mine sweetheart, pag mamay-ari na kita. Hindi kana makaka-alis pa sa impyernong ito!"
A devilvicious smile built on his lips and my tears keep falling.
Jusko!
Tulungan niyo ako.