Chapter 82 ERISSE’S POV Tumigil ang sasakyan niya sa isang malaki at kilalang store. Lumingon siya sa bintana, bahagyang napa-ngisi na makompirma niyang narito na nga siya Lumabas ang driver niya, umikot bahagya sa sasakyan at kusa siyang pinag buksan ng pinto na para bang napaka-importante niyang tao. Una niyang inapak ang mataas na takong, na suot niyang mahal na stilettos sa kanyang pag labas. Napaka sexy niya sa suot na tube black na isa sa mga branded niyang top at sa parte ng likod naka tali iyon na korting ribbon, lumilitaw ang maputi at magandang hubog ng kanyang katawan. Sa pang ibaba naman ang itim na high waisted shorts, binagay niya rin sa itim na sling bag, na louis vuitton. Ang lakas ng dating at aura niya pinag titinginan talaga siya nang mga taong napapadaan. Siguro, h

