Chapter 83 CLARISSE'S POV Tahimik lang na nilagay ang mga maruruming sheets. Malaki ang espasyo ng laundry area at naroon ang apat na malalaking automatic washing machine. Kahit nakatalikod siya ramdam ang malamig na titig mula sa likuran niya, kung saan gumagapang sa batok niya. Nilingon niya si Damian, hindi pa rin naalis ang seryoso at magka- salubong na kilay kung paano siya tignan. Hindi niya alam kung masaya o galit ba iyon, na pare-pareho lang ang emosyon na pinapakita. Prosturang-prostura ito sa suot sa black linen shirt, bahagyang naka- tanggal ang butones sa parte ng colar at pang ibaba naman ang well-fitted beige tailored trouser. Suot niya rin ang brown leather loafers, mamahalin na pabango at rolex na relo. Kung pagmasdan mo lang si Damian, napaka tapang ng aura, na hin

