Chapter 84 CLARISSE’S POV Araw iyon ng linggo at day-off niya sa trabaho. Kinuha niya ang plato laman ng ginawa niyang egg sandwich at tinimplang juice para sa anak niya. Dinala niya iyon sa maliit nilang sala kung saan abalang-abala ang anak niya na mag drawing at mag kulay sa coloring book nito. Naka labas rin ang iba niyang gamit kagaya ng crayola, lapis at notebook. Tutok na tutok ang anak niya, mainggat niyang nilagay sa katamtaman na table ang ginawa niyang snacks at tumabi rito. May inuupuan si Tahlia na maliit na pillow sa sahig at mukhang hindi mag papaabala sa kanyang ginagawa. “Anong ginagawa mo, anak? Patingin nga si Mommy?” “Maganda ba Mommy?” Pag mamalaki sa na pinakita sakanya ang drinawing nitong muli na mga doodle na mga tao na meron na iba’t-ibang mga kulay. “O

