Chapter 9
CLARISSE'S POV
Kanina pa tulala at napaka lalim ang kanyang iniisip, naka upo sa malambot na kama at yakap-yakap ko ang aking tuhod.
Kanina pa ako gano'ng posisyon at kahit napaka taas na ang sinag ng araw sa labas, wala akong balak lumabas ng kwarto.
Sa tuwing pinipikit ko ang aking mga mata, bumabalik lang ang alaalang mag pabigat ng aking puso.
Ala-alang gusto ko ng burahin sa aking isipan.
Ala-ala kong paano ako pilitin ni Travis sa bagay na ayaw ko.
Hinawakan ko ang kaliwa kong pulsuhan, na kahit wala na ang kamay ni Travis na naka hawak roon ramdam ko pa rin ang higpit na pag kakahawak niya kahapon na nag iiwan ng marka sa aking balat.
Nararamdaman ko pa rin ang mainit na haplos niya sa katawan ko na nag bibigay kilabot sa aking buong pag katao.
Ang pag dampi ng mainit na halik sa aking balat, na nag bibigay takot sa aking puso.
Sinapo ko na lang ang mukha at bahagyang pinikit ang aking mga mata ng mariin. Nanatili ako ng gano'ng posisyon ng ilang segundo hanggang napukaw na lang ang atensyon ko na marinig ang pag bukas-sara ng pintuan palatandaan na pumasok.
Kasunod no'n ang mabigat na yabag ng paa na nag lalakad na mag bigay pangamba sa aking puso. Nag patuloy ang mabigat na yabag na paa na aking narinig hanggang kina-anggat ko naman ng mukha.
Mariin na lang akong napa lunok ng laway na makita ko si Travis, hindi na lang maipaliwanag ang kaba sa aking puso na sinundan ko siya ng tingin na pumunta sa walk-in closet.
Nag hintay lang ako hanggang bumalik ito.
Nanatili ako sa aking pwesto, tahimik ko siyang pinapanuod na tumigil ito sa kabilang bahagi ng kwarto na malaya ko naman siyang napapanuod.
Kalahati lang ng mukha niya ang nakikita ko ngunit hindi alintana sa akin na makita ang masungit at walang buhay niyang mukha.
Matikas at matangkad si Travis, kulay itim ang kanyang buhok at ang kanyang kutis kulay puti na kong titignan mo may lahi. Mayron siyang kulay kayumangging mga mata, matangos na ilong, medyo makapal na kilay. Perpektong panga na medyo tumubo na ang begote ngunit bagay naman sakanya.
Ang awra at presinsiya ngayon ni Travis, sobrang lamig at sungit na mag bigay tapang naman iyon sa kanyang pag katao. Sa likod ng kanyang masungit na emosyon na pinapakita, hindi ko maikakaila na guwapo at may itsura nga ito.
Para siyang Greek God na binaba sa kalupaan sa lakas ng kanyang s*x appeal na maraming mga kababaihan ang mag kakandarapa na mapansin ang isang kagaya niya. Para sa akin, hindi siya iyong klaseng tao na magugustuhan ko.
Oo guwapo si Travis, na nasakanya na ang lahat, pero para sa akin si Luke pa rin ang pinaka guwapo.
Bigla na lang ako nataranta na hinubad ni Travis ang suot niyang damit, tila ba'y napapaso na umiwas na lang ako ng tingin. Hindi maipaliwanag ang kaba sa aking puso na pag huhubad niya.
Shit.
Bakit siya mag huhubad?
Anong gagawin niya?
Huwag niyang sabihin na, gagawin na namin?
Gagawin na namin ang ginagawa ng mag asawa na mag sisiping?
Bumilis na lang ang kalabog ng aking dibdib, hindi maipaliwanag na nerbyos na lang ang nanalaytay sa katawan ko ng sandaling iyon. Bigla na lang nanlamig ang palad ko at sa gilid ng mata ko nakita ko pa rin ang presinsiya ni Travis na abala sa kanyang ginagawa.
Pinikit ko na lang ng mariin ang mata ko, aligaga at hindi alam ang gagawin lalo't bumalik na naman ang ala-ala sa isipan ko ang ginawa niya sa akin kahapon.
"Mabuti naman at gising kana." Ang malagong na tinig na lang ni Travis ang mag patigil na lang sa akin. Pakiramdam ko nanuyo na ang laway sa aking lalamunan na naka harap na ngayon si Travis at hawak na nito ang itim na longsleeve.
Napa kurap ako ng aking mata at hindi ko maipaliwanag kong bakit parang magnet na hinihigop na tumingin sa gawi niya. Nag tagpo ang mata namin at malamlam at walang buhay kong paano niya ako tignan, na hindi na lang ako sumagot pa.
Ang pag titig ko sakanya napunta na lang sa ibabang bahagi ng katawan niya, pasimpleng inoberbahan na maganda at malapad ang kanyang balikat na para siyang modelo.
Napunta naman ang mata ko sa maganda niyang dibdib pababa nang pababa hanggang mapa dako na lang iyon sa mala pandesal niyang six packs abs. Ang kanyang biceps at muscles napaka tigas at laki na sumasabay pa iyon sa pag kilos at galaw niya na mag bigay attraction na lang iyon sa akin na hindi ko maipaliwanag sa sarili ko kong bakit ako namamangha ng gano'n.
Napaka tikas at ganda ng katawan ni Travis na alagang-alaga niya iyon sa gym at sa kaliwa niyang dibdib nakita ko ang malaking tattoo na naka ukit sa dibdib ni Travis, na kahit ako hindi ko alam kong anong tawag at desinyo iyon na may guhit at medyo papunta saan-saan ang pag kakagawa ng tattoo ngunit napaka anggas ng dating. Nag kokonekta ang tattoo niya sa dibdib na kulay itim na covered ang kaliwa niyang braso hanggang pabab sa kanyang kamay.
Sinuot ni Travis ang itim na long-sleeve, tinakpan niya ang kaliwa niyang kamay na mayron na tattoo at pinapanuod ko pa rin siya na mag butones ng kanyang kasuotan. Ang kanyang kilos at paraan na galaw napaka mamahalin kong titignan, na hindi ko alam kong bakit hindi ko maalis-alis ang pag titig ko sakanya.
"Mag bihis at mag handa kana dahil aalis tayo." Patuloy niyang pag kausap sa akin na mapa hinto ako. Ha? Aalis kami? "And wear something nice and presentable, Clarisse. I'll wait for you downstairs." Bago pa man ako maka sagot, tinalikuran na ako ni Travis at dire-diretso lamang siyang nag lakad hanggang tuluyan na siyang maka labas ng silid.
Ilang segundo akong naka titig sa pintuan na nilabasan niya, nag tatalo ang aking isipan kong susunod ako o hindi sa kanyang sinabi pero kinalaunan bumaba na ako sa ibabaw ng kama para makapag handa na.
Pumunta na ako sa banyo para maka ligo, binabad ko ang aking katawan sa malamig na tubig ng ilang minuto at pag katapos natapos na rin ako. Pumili na ako ng damit na aking susuotin sa walk-in closet subalit napa ngiwi na lang ako na makita ang lahat ng mga kasuotan pawang mga sexy at daring na halos kita ang balat.
Seryoso ba talaga?
Lahat ng mga kasuotan, ganito?
Gusto ko sanang mag suot ng short shorts o kaya naman pantalon dahil doon ako mas komportable pero wala dito ang mga hinahanap ko.
Kina-launan pinili ko na lang suotin ang light pink floral dress na hanggang tuhod ang haba, na simple lang naman ang design.
Buti na siguro ito na suotin, kaysa naman doon sa mga sexy na mga kasuotan na halos kita na ang katawan.
Tinali ko na lang ang mahaba kong buhok at sinuot na rin ang flat shoes, na mag pabagay naman sa kasuotan ko ngayon para komportable akong maka kilos at galaw. Hindi kasi ako komportable na mag suot ng matataas na takong.
Simple lang na pulbo at tint sa labi ang nilagay ko, dahil hindi naman ako mahilig mag lagay ng anong kolorete sa mukha. Sa huling pag kakataon, umikot pa ako sa harapan ng salamin para tignan ang ayos ko ngayon.
Nang masiguro na maayos na nga ang lahat, napag pasyahan kong bumaba na dahil tiyak na kanina pa nag hihintay sa akin si Travis. Pag baba ko sa unang palapag, naabutan ko na lang ang mga katulong na abala sa kanilang ginagawa.
Palinga-linga lang ako sa paligid na animo'y may hinanap ngunit hindi ko makita si Travis.
Asan ba ang kumag na iyon?
Akala ko nandito lang siya?
Pasilip-silip ako sa kabuuang Mansyon ngunit hindi ko nakita ang presinsiya o kahit anino niya sa loob.
"Asan na ba kasi siy——" hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko na lumapit na sa akin ang isa mga tauhan ni Travis na naka itim.
"Halika na po Mam, at kanina pa nag hihintay si Sir Travis sa loob ng sasakyan."
"Ahh, sige." Alangan kong sagot. Nauna na ang lalaki mag lakad para ituro sa akin ang daan at kina sunod ko naman sakanya. Pag labas ko ng Mansyon, nakita ko na lang ang itim at mamahalin na sasakyan na naka parada sa labas, nag kalat rin ang mga tauhan niya sa loob at labas na nag babantay sa paligid.
Nag lakad na ako palapit sa sasakyan at bago pa ako maka lapit, kusa na akong pinag buksan ng pintuan sa backseat na kina pasok ko naman sa loob.
Pag lapat ng aking likod sa upuan ng sasakyan, sinarhan naman ng tauhan niya ang pintuan. Kina lingon ko naman sa tabi ko si Travis, tahimik lang ito na sobrang layo ng katawan namin na ayaw mag padikit sa isa't-isa.
Ilang sandali pa, naramdaman ko pa ang pag andar ng sasakyan at palabas na ito ng Mansyon.
Habang nasa byahe, namuhay ang katahimikan sa loob ng sasakyan na hindi kami nag kikibuan na dalawa na para bang hindi namin kilala ang isa't-isa.
Mabuti na siguro ang ganito ang ganito na hindi kaming nag papansinan na dalawa ni Travis dahil doon tahimik ang buhay ko.
Maya't-maya ko naman kina silip si Travis sa tabi ko, seryoso at hindi ko nababasa kong ano ang tumatakbo sa isipan niya ngayon.
Sa totoo lang talaga, hindi ko alam kong saan kami pupunta ngayon.
Hindi ko rin alam ang gagawin namin at kong bakit kailangan pa na ganito kaaga kami umalis.
Nilibang ko na lang ang sarili ko sa pag mamasid sa paligid, pinapanuod ko ang nag tataasang mga establishmento, kabahayan at mga taong nag daraan sa gilid ng kalsada.
Mahigit kwarenta minutos na byahe, tumigil na lang ang mamahalin na sasakyan ni Travis sa isang napaka gandang bahay. Tumingin ako sa labas para alamin kong asan kami at kumunot ang noo ko na mapag tanto kong asan kami ngayon.
Sandali, bakit kami nandito sa bahay namin?
Naguguluhan at nag tataka akong lumingon sa gawi ni Travis para huminggi ng kasagutan kong bakit kami narito.
Malamlam siyang tumingin sa akin at bago ko pa maibuka ang bibig ko, nauna na siyang lumabas ng sasakyan.
Aba, napaka bastos naman nito ah!
Iritable at nag mamadali akong lumabas ng sasakyan para habulin siya. Nakita ko na lang si Travis na napaka anggas na naka tayo sa isang tabi, pinag mamasdan ang napaka ganda at dalawang palapag na bahay sa harapan niya.
Hindi ako naka tiis, at nag mamadali na akong lumapit sa gawi niya.
"Travis, what are we doing here?" Mahina at kalmado kong tinig.
"Nothing." Kibit-balikat na sagot niya na naka lagay ang isa niyang kamay sa loob ng bulsa. Aba, kina anggas mo naman ang dating mo na iyan, ha?
"Anong wala?" Giit ko na asik.
"Visiting your parents?" Patanong na sagot niya na mapa buga na lang ako ng hangin. Aba, seryoso ba talaga ang gagong ito? Bakit, kuhang-kuha niya lagi ang inis ko?
"Huh?" Napa anggat na lang ako ng labi, nanunya sa sinabi niya. "Talagang galing pa talaga sa'yo. Just drop this nonsense Travis, and tell me why we're really here!" medyo pag tataas ko ng boses.
Alam kong may rason kong bakit nandito kami ngayon at iyon ang kina-iinis ko!
"Your Dad called me last night and invited us to have lunch with them." Parang wala lang sakanya ang sinabi niya, na mapa anggat ako ng labi. Ano? Inimbitahan kami ni Papa? Bakit ngayon ko pa lang nalaman ito? "It's a good thing and I don't have anything important to do in the company, kaya pinaboran ko na lang kong ano ang hiling nila."
"Tapos hindi mo man lang sinabi sa akin, na pupunta tayo dit——-" hindi ko natapos ang anumang sasabihin ko na humawak si Travis sa baywang ko at hinatak palapit sakanya kaya tumama ako sa matigas na katawan niya. May kong anong boltahe ng kuryente at init ang nanalaytay sa katawan ko sa simpleng pag hawak niya na napapaso ako. "A-Ano bang ginagawa mo?" Taranta kong tinig at buong talim ko siyang tinignan.
"Holding you?" pamimilosopo nito na uminit na lang ang mag kabila kong pisngi. Hindi sa kinikilig ako kundi kumukulo ang dugo ko sag alit. Iyon iyon!
"Bitawan mo ako, at kong hindi tatamaan ka sa akin." Banta ko na lang sakanya. Akmang aalis sa kanyang pag kakahawak subalit napa singhap na lang ako na hinapit niya pa ako palapit sakanya na dumikit pa lalo ang katawan namin sa isa't-isa.
Nag kakarerahan lang ang malakas na kalabog ng aking dibdib at kahit naka suot ako ng kasuotan naramdaman ko pa rin ang mainit niyang palad na naka hawak sa baywang ko na mag patolero ng aking isipan.
"What, what are you going to do? Sasaktan mo ako?" Nilapit pa ni Travis ang mukha niya sa akin, na manikip na lang ang aking pag hingga lalo't ilang dangkal na lang layo ng mukha namin at puno ng lagkit ang paraan na pag titig niya sa akin na hini-hypnotismo sa paraan na pag titig niya.
Nalalanghap ko ang mabango at mamahalin niyang pabango at sa ganun na posisyon doon naging klaro sa akin na lalo pa siyang gumwapo at lakas ng attraction.
"Aba, mas malala pa doon ang makukuha mo sa akin kong hindi mo ako bibitawan ngayon, Travis. Binabalaan kita." Banta ko na lang. Imbis matakot, isang nakaka lokong ngisi ang binitawan niya.
"Come on, Clarisse. Let's just pretend in front of them that we are happily married and we love each other. Ayaw mo naman sigurong magalit ang Papa mo kapag malaman niya hanggang ngayon na hindi pa tayo mag kasundo na dalawa." Bigla akong natigilan, sa sinabi niya kaya't nag laro pa lalo ang nakaka lokong plano sa kanyang isipan. Bwisit naman kasi eh! "Just play along with me sweetheart, para walang problema. What do you say?" Akmang pipisilin ang ibaba kong labi na kina-iwas ko naman na ayaw mag pahawak na mag patigil kay Travis.
Binalik ko ang tingin ko kay Travis at sa pag kakataon na ito kay talim at puno ng pag babanta iyon. "Siguraduhin mong hanggang diyan lang hawak mo sa akin Travis, kundi ako mismo ang papatay sa'yo!" Matinis kong asik na kina-lawak ng ngisi niya sa labi.
"Okay as you wish, sweetheart," nilihis ko na lang ang mata ko palayo sakanya. Nag simula na kaming mag lakad ni Travis papasok ng bahay na kaagad naman kami pinag buksan at sinalubong ni Manang Ester na matamis at masayang pag bati.
"Magandang umaga po Mam Clarisse at Sir Travis."bati na lang ni Manang, nag lalaro na ang kanyang eda sa singkwenta. "Kanina pa, hinihintay ni Mam Solidad ang pag dating niyo." Ginaya niya kami papunta sa malawak na sala na kina sunod naman namin sakanya.
"Si Mama, Manang?"
"Ahh, nasa loob ng kusina at may tinatapos lang, Mam Clarisse." Napa tango naman ako sa kanyang sinabi. "Sandali lang ho, at tatawagin ko ang iyong Mama at ipamalita na narito na kay——"
"Oh my Clarisse, Travis." Ang matinis at masayang tinig na bagong dating ang mag patigil na lang kay Manang. Nakita ko si Mama palapit sa gawi namin, bihis na bihis at abot langit na ang ngiti sa kanyang labi na makita kami.
Hindi na naputol ang tamis ng ngiti niya nang maka lapit sa gawi namin. "Masaya ako na maka rating kayong dalawa dito."
"Ma, asan po si Papa?" Tanong ko na lamang na hindi ko napansin ang presinsiya ni Papa sa kasulok-sulokan ng bahay.
"Ang iyong Papa, ayon may ig meet na niya ang importante client ngayon. Simula no'ng maging okay na ang business natin, sa tulong ng asawa mong si Travis, sobrang busy na niya." Alangan na lang akong napa ngiti sa sinabi niya at pinag dikit na lang ni Mama ang kanyang palad. "Hayaan niyo, maya-maya pauwi na rin ang iyong Papa para sabay-sabay na tayo mag salo ng hapunan."
Lumapit ang isang tauhan ni Travis, at may inabot na naka balot sa mamahalin na paper-bag kay Mama. "Oh my, what's this?" nag tatakang tinig ni Mama at kina silip niya ang laman at lumitaw na lang ang pag kagalak na makita niya ang laman no'n.
"It's a cheesecake, nalaman ko kasi na paborito niyo iyan ni Papa kaya naisip kong dalhan kayo." Casual na sambit ni Travis.
"Alam na alam mo talaga ang paborito naming mag asawa Travis, maraming salamat dito." Tinaas niya pa ang hawak na paper-bag at kina baling na lang ang tingin kay Manang na naka tayo lang sa isang tabi. "Manang Ester paki dala na ito sa kitchen at mamaya kakainin namin ito."
"Yes po Mam." Malugod naman na kinuha ni Manang ang paper-bag at nag lakad na ito paalis.
Pinag dikit na lang ni Mama ang kanyang palad, may kakaibang ningning at saya ang mata na pinapanuod kaming dalawa. "Ohh look at you two lovebirds, kapag nakita lang ni Dominggo kong gaano kayo ka sweet na dalawa tiyak na matutuwa iyon." Pag mamalaki na lang ni Mama na naka tingin sa aming dalawa ni Travis.
Alangan naman akong ngumiti bilang sagot sakanya at napa singhap na lang ako na hinatak ako ni Travis palapit sakanya na bumilis na lang ang kalabog ng aking puso. "Syempre naman po Mama, mahal na mahal ko itong si Clarisse, diba sweetheart?"
Wala sa sariling napa tingin na lang ako kay Travis, na ngayon abot langit na ang ngiti sa kanyang labi, na kahit ako hindi ko alam ang sasabihin at ire-react ko ng sandaling iyon sa bilis ng pangyayari. Kay tagkit at ibang pahiwatig kong paano ako tignan ni Travis, nararamdaman ko na ang pamumula ng aking mag kabilang pisngi na hindi ko maipaliwanag sa matamis at nakaka akit niyang ngiti.
Hindi ko alam bigla akong pinag initan na maramdaman ko ang bahagyang pag pisil-pisil niya sa baywang ko, na napapasong lumayo na lang ako sakanya.
"Sandali lang ho, pupunta lang ako sa wash r-room." Nauutal kong tinig. "Excuse me po." Hindi ko na hinintay pa ang kanilang magiging sagot na mabilis na akong kumilos para iwan sila.
Napaka laki na ang ginawaran kong hakbang ko palayo sakanilang dalawa at nararamdaman ko ang pag sunod nila ng tingin sa akin. Naging mabigat ang aking pag hingga at pinaypayan ko ang aking mukha gamit ang aking kamay na animo'y naiinitan na parang kamatis na ang mukha ko.
Shit!
Anong nangyayari sa'yo, Clarisse?
Umayos ka nga, umayos ka!
Pagalit ko na lang sa sarili ko at napapa mura na lang sa aking isipan.
STILL CLARISSES'S POV
Napa sapo na lang akong nag lalakad sa malawak na hallway papunta sa washroom, napa tigil na lang ako na mahagip ako ng mata ko ang pinaka dulo.
Hindi ko namalayan ang sarili ko na hinakbang ang aking paa palapit doon. Tumapat ako sa pintuan, hinawakan ang seradura at pinihit pabukas iyon.
Tinulak ko na lang ang pintuan at bumunggad sa akin nag familiar at napaka gandang silid.
Napakalaking silid na mag pabalik ng lungkot at sakit sa aking dibdib.
At ang silid na iyon, ang kwarto ni Ate Erisse.
Mala emosyonal na ang aking mga mata na inapak ang sarili ko papasok ng kwarto. Bumabalik ang masasayang ala-ala sa aking isipan, na ginala ko ang aking tingin sa kasulok-sulokan ng silid na mag pabigat ng aking nararamdaman na hanggang ngayon sa pag kawala ni Ate.
Hanggang ngayon, hindi namin alam kong asan siya at hanggang ngayon nalulugmok pa rin kami sa biglang pag kawala niya.
Tumigil na lang ako sa gilid ng kama at hinawakan ang maliit na stuffed toys bunny, gumuhit na lang ang kirot sa aking puso na mapako ang mata ko doon.
Asan kana, Ate?
Miss na miss na kita.
Umuwi kana.
Kailangan kita ngayon.
Uminit na lang ang sulok ng aking mga mata, at luhang gustong kumuwala.
"Mam, Clarisse?" Ang pag salita na lang sa likuran ko ang mag papukaw na lang sa akin.
Kaagad kong hinanap kong saan nag mumula ang tinig at nakita ko si Manang Ester na naka tayo sa pintuan na kanina pa siya doon.
"Manang Ester." Wika ko na lang na kina-balik ko ang stuffed toys sa ibabaw ng kam.
"Ano pong ginagawa niyo rito?" Nag tatakang tanong ni Manang, na makita niya ako sa loob.
"W-Wala po Manang, napa daan lang ako hehe." Kina-punas ko kaagad ang namuong luha sa aking mga mata para hindi niya mahalata at lumapit sakanya. Hindi ako naka ligtas sa pamanuring pag masid sa akin ni Manang.
"Alam kong na-miss mo ang Ate Erisse mo, kaya ka nandito." Alangan akong ngumiti kay Manang."Lahat ng tao rito sa bahay, nami-miss si Erisse. Nakaka lungkot na ng bahay na wala ng saya sa pag kawala ng Ate mo, tapos ngayon naman lalo pang lumungkot lalo't sa Mansyon kana ni Sir Travis naka tira. Namiss ko lalo kayo, lalong-lalo na ikaw,"
"Huwag kang malungkot Manang, lagi naman akong bibisita rito para hindi mo ako gaanong ma-miss. Gusto mo pa Manang sa tabi kita palagi."
"Ikaw talagang bata ka." Iniling na lang ni Manang ang kanyang ulo.
"Sa tingin mo kaya Manang, asan kaya ngayon si Ate?" malungkot kong tinig.
"Hindi ko rin alam Mam Clarisse, kahit ako ang nag alaga sainyong dalawa mag kapatid no'ng mga bata pa kayo, may mga bagay rin talaga na wala akong alam sainyong dalawa. Kilala mo naman siguro ang Ate mo, hindi siya iyong klaseng tipong pala kwento at nag sasabi ng kanyang tunay na nararamdaman na gusto niya parati sinasarili ang bagay-bagay." Anito at hinawakan niya ang aking kamay at bahagyang pinisil-pisil niya iyon. "Huwag kanang mag alala Clarisse, at kong asan man ngayon naroon ang Ate mo, tiyak nasa mabuting kalagayan lang siya." Pag papalakas-loob niya sa akin na ngumiti na lang ako.
"Sana nga Manang, sana nga po." Hindi ako nawawalan ng pag asa sa aking sarili na uuwi si Ate. Babalik siya sa amin. Napako ang mata ko sa kabuuang kwarto ni Ate. "Manang?"
"Bakit ho Mam?"
"May natutulog po ba sa kwarto ni Ate?" taka kong tinig dahil na rin naiba na rin ang arrangement ng ibang gamit ni Ate sa kwarto.
"Ahh iyon ho ba?" panimula ni Manang. "Madalas kong nakikita ang iyong Papa na namamalagi rito sa silid ng Ate mo at kung minsan dito siya natutulog. Labis na naapektuhan sa lahat ang iyong Papa sa pag kawala ng Ate mo kaya't ganun na lang ang lungkot na nadarama niya ngayon," tuloy na tinig ni Manang.
Hindi na ako nag tataka no'ng mga bata pa lang ako ramdam ko na, na hindi pantay ang pag mamahal ni Papa sa aming dalawa ni Ate Erisse, na siya ang paborito niyang anak dahil maganda, matalino at napaka rami niyang mga talento kaya't binibigay niya lahat ng mga gusto niya na walang kahirap-hirap kagaya ng bagong sasakyan, mga designer bags at clothes samantala naman ako suntok sa buwan ko pang makuha ang lahat ng iyon kay Papa, sasalubongin ko muna ang kanyang pag susungit at sermon niya sa akin bago ko pa makuha lahat ng gusto ko.
Kahit ganun naman hindi ako nag tanim ng sama ng loob at ingit kay Ate Erisse at kahit na rin sa mga magulang ko.
Napaka bait ni Ate Erisse,napaka busilak ang kanyang puso. Si Ate Erisse ang sandalan ko kapag malungkot, nahihirapan at hindi ko na alam ang gagawin ko kapag may problema. Si Ate Erisse nandiyan sa tuwing umiiyak at kailangan ko ng sandalan kaya't labis akong naapektuhan nang husto sa kanyang pag kawala.
Pakiramdam ko may isang parte ng katawan ko ang nawala na bigla na lang siyang nag laho at hindi ang pakita sa amin.
"Ganun po ba?" alangan kong sagot
"Siya, bababa na ako at marami pa akong tatapusin. Hindi ka ba sasama sa akin? Baka hanapin ka ng iyong Mama," iniling ko na lang ang aking ulo at nag pakawala ng matais na ngiti.
"Susunod na lang po ako Manang," isang tango na lang ang sinukli niya sa akin at bago siya nag lakad palabas ng kwarto. Naiwan na akong mag isa sa kwarto ni Ate Erisse ng ilang minuto, umupo ako sa malambot na kama at pinasadahan ng tingin ang mga naiwan na mga gamit ni Ate Erisse sa silid at gumuhit ang ngiti sa labi ko.
Nag pakawala na ako ng malalim na buntong-hiningga at tumayo para lumabas na sa kwarto na iyon na kaagad naman akong napa hinto na makita ko na lang ang bulto ng tao na naka tayo sa pintuan at kanina pa ako pinapanuod.
"Pa," iyan na lang ang aking nasambit na makita na lang si Papa at naka suot ng mamahalin na Americana na suit. Bihis na bihis siya at hindi ko man lang napansin ang pag dating niya. Wala pa ring reaksyon ang mukha ni Papa na naka tingin at malamlam niya akong tinignan. Hindi ko maipaliwang ang talim na pinukulan niya sa akin ng sandaling iyon na pinag sawalang bahala ko na lang. "Nandito na po pala kayo. Mano p———" hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko na binigyan niya ako nang malakas at malutong na sampal sa pisngi, na labis ko naman kina bigla.
Bigla akong nanigas sa aking kinatatayuan at may parang tumusok sa aking puso, na nanunuot sa laman ko ang lakas at kirot ng kanyang pag kakasampal. Lakas-loob akong tumingin kay Papa na ngayon puno ng galit at nanlilisik ang kanyang mga mata na animo'y naka gawa ako ng pag kakamali.
Bakit?
Anong ginawa ko?
Uminit na ang mga mata at sobrang bigat na ng aking puso na ngayon puno ng uyam at suklam kong paano niya ako tignan iyon. "B-Bakit po Pa?" kahit nahihirapan na ako, nagawa ko pa rin tanungin sakanya kong bakit.
Anong nagawa kong pag kakamali?
Bakit niya ako sinaktan?
"Tatanungin mo pa ako kong bakit?" dumaongdong at malakas niyang sigaw sa loob ng silid, na mag pasikip pa lalo ng aking nararamdaman. Lumapit pa lalo sa akin si Papa at dinuro-duro niya pa ako, na mag paiyak na lang sa akin. "Nalaman ko na tumakas kana naman Clarisse! Paulit-ulit na kitang pinag sasabihin pero napaka tigas talaga ng ulo mo.Kong ayaw mong mapag sabihan act, like a good daughter! You're such a disappointment and disgrace to this family!" inis siyang nag martsa palabas ng silid at kulang na lang mapa lundag ako sa takot na pabalang niyang sinarhan ang pintuan na maka gawa iyon ng malakas at nakaka hindik na tunog na mag padurog pa lalo ng aking puso.
Kasunod no'n ang pag buhos ng luha sa aking mga mata.