PROLOGUE:
"Smile, Clarisse." Pasunod na lang sa akin ni Mama, na naka tayo ito sa likuran ko.
Tinignan ko na lang ang repleksyon ko sa salamin, puno ng lungkot at wala man lang kabuhay-buhay ang mga iyon. Tears starts to form as I see myself wearing this expensive yet beautiful gown.
Naka ayos na rin ang buhok ko ng bridal at naka lagay doon ang mamahalin at kumikinang na palamuti na perlas, may konting laylay ng buhok sa gilid ng pisngi ko. Naka kikislapan rin ang mga palamuti kagaya ng singsing, kwentas at hikaw.
Napaka ganda ng ayos ko ngayon na simple lang ang make-up na suot na inayusan pa ako ng sikat na make-up artist despite all these glamorous make up di nito maikukubli ang lungkot ko.
Ayos na ayos na ang kanyang mga magulang at hinihintay na lang na mag simula ang seremonya. Pareho na rin ayos na ayos ang kanyang mga magulang at pasimple ko na lang tinignan si Papa na naka upo sa mamahalin na upuan sa isang tabi, naka busangot at halatang hindi na nga maganda ang mood nito.
Mariin akong lumunok ng laway at pinag lalaruan ko na lang ang kamay ko sa ilalim na hindi nila napansin.
Umipon ako ng lakas na ibuka ang aking bibig kahit sa loob-loob may takot na namumuo sa dibdib ko.
"Ma, Pa?" Mababa kong pag agaw pansin sakanilang dalawa.
Pakiramdam ko domoble pa lalo ang kalabog ng aking puso na animo'y hihinatayin na ako sa takot.
"I think, I can't do this. Ayaw ko pong mag pakasal sakanya, hindi ko p-po siya gusto." Sapat na ang hina ng boses ko na marinig ang sinabi ko.
Kaagad naman napa tigil ang aking mga magulang sa likuran ko, at alam kong ginalit ko na naman sila.
Nakita ko ang pag iba, ng timpla kaagad ng mustra ng mukha ni Papa sa likuran ko na para bang bulkan itong sasabog sa galit. Kong sakali man na naka tayo ako, panigurado kanina pa ako nag lupasay sa takot na makita ang nanlilisik na kanyang mga mata sa galit.
Parang naging slow-motion lamang ang pag tayo ni Papa sa kina-uupuan.
"Putangina! Matagal na natin itong pinag-usapan, Clarisse. Paulit-ulit na lang ba tayo?!" Umalingawngaw na lamang ang malakas na tinig ni Papa na mag bigay takot sa dibdib ko.
Pakiramdam ko kinurot ang puso ng marinig ang nakaka takot na boses ng kanyang Papa. Gusto ko ng umiyak ng sandaling iyon, pero hindi nya magawa dahil pagod na pagod na akong umiyak gabi-gabi.
Pagod na pagod na akong mag makaawa sakanila, na hindi man lang nila ako magawang pakinggan.
"Hon, maging mahinahon ka lang," saway naman ni Mama na mababang tinig para pakalmahin lamang si Papa, pero hindi niya ito naawat.
Bumaling naman ng tingin si Mama at nakita ko ang repleksyon niya sa salamin, maamo ang kanyang mukha subalit nakita kong naiinis na rin siya sa naging sagot ko.
"Clarisse stop this, okay? Napag usapan na natin ang bagay na ito, akala ko ba okay na ito sa'yo?" Panenermon ni Mama ng mababang tinig pero ramdam ko ang galit niya sa tono.
'Sainyo ayos lang, pero sa akin hindi, eh' gusto ko na sanang sabihin iyon sakanila pero ginawa ko na lang itikom ang bibig ko.
Pagod na pagod na akong makipag talo sakanila.
"Kailangan mong mag pakasal kay Travis Ross, para palitan sa posisyon ang Ate Elisse mo!"Galit na asik ni Papa.
Napa hawak na lang ako sa gown ng sobrang gigil na patuloy pinapakinggan ang sermon at galit ni Papa.
"Kailangan natin gawin ito, para maisalba ang nalulugi natin na negosyo at si Travis Ross lang ang makaka tulong sa atin.”
“Kong hindi lang tumakbo na lumayas ang Ate mo, hindi ka malalagay sa sitwasyon na iyan, Clarisse."
Kasalanan ko pa ngayon?
Ayaw kong makasal sakanya.
Hindi pa ako handa.
Pinikit ko na lang ng mariin ang mga mata ko.
Sa tuwing iniisip nya kong paano sya humantong sa bagay na ito, para akong pinapatay sa sakit.
Gusto kong takasan ang kapalaran ko pero wala akong magawa.
Nalulugi at baon-baon na sa utang ang mga magulang ko.
Si Travis Ross lang ang tumulong sa mga magulang ko sa pag kakalugi ng aming kompanya subalit lahat ng tulong na binigay niya sa pamilya ko, lahat ng iyon may kapalit.
Naka takdang mag pakasal ang Ate Erisse ko kay Travis, iyon ang isa sa kasunduan nila ng Papa ko.Naka ayos na lahat-lahat subalit isang linggo bago sumapit ang kanilang kasal, bigla na lang nawala si Ate Erisse.
Nagising na lang kami, nawala na siya at wala kaming alam kong saan siya pumunta.
Bigla na lang siyang nag laho.
Wala kaming alam, kong ano na ba ang nangyari sakanya.
Galit na galit si Papa, no'ng malaman niyang bigla na lang nawala si Ate, na halos isumpa niya ang lahat sa galit niya.
Kaya't bilang kapalit na pag kawala ni Ate Erisse, heto't mag papakasal ako kay Travis Ross.
Sa totoo lang talaga, totol naman ako sa desisyon at kagustuhan ni Papa, pero wala akong laban na ipag laban ang panig ko.
Nag makaawa at araw-araw kong kinukumbinsi ang Papa ko na ayaw kong mag pakasal sakanya, subalit tila ba binggi-binggihan lang siya sa mga paliwanag at hinaing ko.
Ayaw ko pang makasal.
Hindi ko siya gusto.
Hindi ko siya mahal.
"Ayaw ko talaga P- Pa eh."
Nanubig na ang mga mata ko at ayaw kong ipakita sakanya na mahina ako subalit, hindi ko kaya.
"Bakit hindi niyo ako magawang intindihin kahit ngayon lang? Mahal ko ang boyfriend kong si Luke, bakit pinag pipilitan niyong maikasal ako sakanya, ha?"
Medyo tumaas na ang boses ko at kasunod no'n ang pag patak ng luha na kanina ko pa pinipigilan.
Pakiramdam ko ang bigat bigat na ng dibdib ko, na hindi na ako maka hingga sa sakit at puot na nararamdaman ko.
Bakit kailangan pa kasing mangyari ang bagay na ito?
Bakit hindi nila maintindihan ang saloobin ko?
"No'ng bata ako, parati ko kayong sinusunod sa mga gusto niyo para s-sa akin pero bakit ganito? Isang beses lang naman ako humiling sa'yo P-Papa pero bakit hindi niyo ako mapag bigyan kahit ngayon lang?" Mapakla kong saad at buong tapang kong hinarap si Papa.
Labis akong nasasaktan ng husto, na tumitig sa walang emosyon niyang mga mata. Nanginig ang katawan niya na tila ba nag titimpi na mapag buhatan ako ng kamay.
"Hindi ako mag papakasal sakanya, buo na ang desisyon ko, Pa." Basag kong tinig at lalo pang dumilim ang aura ni Papa na mas nakaka takot na siya ngayon.
"Ayaw ko na. Kong gusto niyo, kayo na lang ang mag pakasal sakanya tutal naman kayo naman ang may gusto neto." Hindi ko alam kong saan ko hinugot ang lakas at tapang ko na sabihin lahat ng iyon.
Mabibigat ang yabag ng paa ni Papa na lumapat sa akin at hindi ako naging handa sa susunod niyang gagawin, na binigyan niya ako nang malakas at malutong na sampal.
"Wala kang utang na loob, na hayop ka!" Halis mabinggi na lang ako sa lakas nang impact ng pag kakasampal niya sa akin na mahilo ako
Domoble ang kirot ng puso ko na paulit-ulit akong pinapatay sa sakit ng puso ko na maramdaman ko pa rin ang kirot sa pisngi ko sa lakas ng pag kakasampal niya sa akin.
Tiniis ko na lang ang sakit.
Pakiramdam ko, sasabog na ang puso ko na hindi ko mailabas lahat ng bigat sa dibdib ko.
Nanatili pa rin naka tayo si Papa sa harapan ko, mabibigat ang pag hingga at wala akong lakas ng loob na tumitig sa mga mata niyang puno ng galit.
Akala ko, kakampi ko sila.
Akala ko, maiintindihan nila ang nararamdaman ko pero mali pala ako dahil sila pa mismo ang nag bigay sakit sa aking puso.
"Dominggo!" Malakas na sigaw na lamang ni Mama na gulat na gulat na lang sa nangyari.
Patuloy na lamang lumalandas ang luha sa aking pisngi at pilit na nag papakatatag sa bandang huli kahit durog na durog na ako nang husto.
"Lahat ginawa ko para sa'yo Clarisse, tapos ito lang ang isuskli mo saamin?! Kagaya ka lang ng Ate mo Erisse na walang kwenta!" Sa bawat salita na binibigkas ng kanyang Papa, lahat ng iyon tumarak sa puso at isipan ko.
"Mag papakasal ka sakanya sa ayaw mo, tandaan mo ito! Kong kailangan na ikulong at talian kita para hindi ka maka-alis, gagawin ko iyon!" Final na tinig niyang dinu-duro niya pa ako, tanging pag iyak lang ang nagawa kong isagot sakanya.
Pumatak na lang ang luha sa mga mata ko at walang pasabi na padabog na lang ng martsa si Papa palabas ng silid, kasunod ni Mama.
Rinig ko na lang ang pabalang na pag bukas-sara ng pintuan at doon na din nawasak ang puso ko ng paulit-ulit.
Nang hihina na lamang akong napa salampak na mapa upo sa malamig na tiles at napa takip na lang ako ng mukha ko at doon na lang napa hagolgol ng pag iyak.
Ayaw ko.
Bakit ginagawa niyo ito ginagawa sa akin?
Ano bang nagawa kong pag kakamali?