Chapter 11

2660 Words
Chapter 11 CLARISSE'S POV "Good morning Mam." Pag baba ko sinalubong na lang ako ng matamis na pag bati ng katulong na naka tayo sa harapnj ko. Inayos ko na ang pag kakasabit ng bag sa aking balikat at ayos na ayos na ako suot ang uniforme. "Halina na po Mam, at naka handa na po ang agahan sa dining area." Pinakita niya na lang ang matamis na ngiti sa labi at nauna na siyang mag lakad. Naka sunod lang ako sa kanyang hanggang dinala niya ako sa malawak na dining area. Pinag buksan niya ako ng pinto na maka rating kami doon at hinatid niya lang ako hanggang maka pasok. Ang malawak na dining area na kaagad ang sumalubong sa akin, na pinag patuloy ko ang pag lalakad ko papasok. Nag paagaw rin ng pansin sa akin ang mga makukulay na mga bulaklak sa harden, sa napaka laking glass window na kitang-kita mo kaagad ang napaka gandang tanawin mula sa labas. Sakro rin ang pumapasok na sinag ng araw sa silid at ang kalangitan naman kulay asul. Saktong tumapat na ako sa gilid ng table, nag paagaw pansin muli sa akin ang hapag kainan. Naka set up na roon ang silverware at flatwares, laman ng masarap na agahan. Pinili na akong maupo sa bakanteng silya at namangha pa lalo ako sa malapitan na masaksihan ang masarap na agahan. Mayron na dalawang sunny side up egg, sausages, baked mushroom, ilang pieces ng bacon at bread. Hindi rin nawawala sa side dishes ang fresh tomato at ilang dahon-dahon na naka lagay roon na hindi ko alam kong ano ang tawag. "Ano pong gusto niyo Mam?" Pinakita na lang ng katulong ang matamis na ngiti sa labi. Hawak niya ang babasagin na white na parang pitcher. "Hot choco or juice po?" Umanggat na lang ako ng tingin at natigilan na lang ako na makita ang katulong. Sandali, Siya iyon, Siya iyong katulong na maka bunggo ko no'ng unang araw ko pa lang dito. Ano nga ang pangalan niya? Oo nga pala, hindi ko pala alam. Lahat naman ng katulong at serbidor dito sa Mansyon, hindi ko kilala ang pangalan na sa mukha ko lang sila kilala. At tyaka, hindi naman ako interesado na malaman o kaya naman alamin kong ano ang pangalan nila. "Hot choco na lang." Alangan kong sagot. Lumapit pa ang katulong, mainggat na sinalinan ang bakanteng cup sa lamesa. Lumingon ako sa kaliwa't-kanan ko at puno ng katahimikan na lang ang sumalubong sa akin. Bakit napaka tahimik ata? Bakit wala ang kumag na Travis na iyon, at isang pinggan lang ang naka lagay rito sa dining? Huwag niyo na akong tanungin, kong bakit bigla ko hinahanap ang kumag na iyon. Hindi ko na nami-miss ang presinsiya at kahit anino niya, sadya lang talaga nag tataka ako ngayon kong bakit hindi kami mag kasabay na kumain. Tuwing umaga, parati ko siyang nakakasabay na kumain na walang palya simula no'ng dumating ako rito sa Mansyon na labis kong pinag tataka ngayon kong bakit wala siya rito. "Kong hinahanap niyo po Mam si Sir Travis, wala po siya." Ang salita na lang ng katulong sa tabi ko ang mag patigil sa akin. "Huh?" Wala sa sariling napa tingin na lang ako sa katulong, binigyan niya ako ng maka hulugan na titig. "Maaga pong umalis si Sir kaninang madaling araw." Wika niya na lang. "Rinig ko sa Mayordoma na aalis raw po si Sir ng ilang araw at may pupuntahan." Umalis na si Travis? Sandali, pumunta na siya sa France? Bakit napaka aga naman ata? Hindi ko naman inaasahan na ganun siya kaaga aalis. "Ako nga po pala si Lina, Mam." Pag papakilala niya sa akin na puno ng sigla. Ilang segundo naka pako ang tingin ko sa dalaga, kina yuko naman ng ulo nito na animo'y nahihiya. "Pasensiya na po Mam sa pagiging madaldal ko, ipag paumanhin niyo po kong kinakausap ko po kay———" hindi na natapos ng katulong ang anumang sasabihin niya na pareho na lang kami matigilan na dalawa. "Anong ginagawa mo riyan?" Ang malagong at nakaka takot na boses na lang ang gumuhit sa loob ng silid. Kaagad ko naman nakita si Marita, ang Mayordoma na palapit sa gawin naming dalawa hindi na maganda ang mustra ng kanyang mukha. Mabibigat ang yabag ng kanyang paa, kusa kana lang talaga matitigilan na tumitig sa masungit niyang mga mata na dapat mo siyang sundin. "Balik sa kusina!" Sita niya na lang kay Lina kaya't bigla na lang itong mataranta. "Opo," magalang na sagot na lang ng katulong at humarap sa akin at yumuko bilang tanda ng pag galang. "Excuse me po Mam." Paalam niya sa akin at bago pa ako makapag salita na kinilos niya na ang sarili niya paalis ng silid. Sakto naman na huminto si Marita sa gilid, taas-kilay na sinusundan ng tingin si Lira hanggang tuluyan na itong maka alis. "Hmmp!" Patuloy na pag susungit ni Marita, at inayos ang kanyang tindig na humarap sa akin. Hindi rin ako naka ligtas sa masungit niyang pag titig kong paano niya ako tignan ngayon. Tumikhim siya bahagya bago siya nag salita. "Gusto ko lang sabihin na umalis si Sir Travis at ilang araw siyang mawawala rito." Pag sisimula nito na inikot ko na lang ang mata ko bilang pag tataray, na kina balik ang atensyon ko sa pinggan. Hinawakan ko na ang tinidor, simulang kumain ng tahimik at hindi pinapansin ang presinsiya niya sa tabi ko. Ewan ko, hindi talaga siya gusto. Parang si Travis lang, pinapakulo niya rin ang dugo ko. "Oo, alam ko na." Walang buhay na salita ko. Alam ko na iyan. Lalo pang sumunggit ang mustra ng mukha ni Lira na hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. "Baka hindi mo pa alam, na habang wala si Sir inatasan niya ako na ako lahat ang incharge sa pamamahala dito sa Mansyon at lalong-lalo na rin 'sa'yo'!" Pinag diinan niya pa talagang sabihin ang salitang 'sa'yo' na kusa na lang akong mapa hinto sa pag kain. Umanggat na lang ako ng tingin sakanya na ngayon lalo pang lumawak ang ngisi sa kanyang labi na animo'y nanadya. "Kagaya nang dati, hatid-sunduin ka ng driver kagaya ng naka saad sa oras ng klase mo. Dalawa ng tauhan ang mag babantay at susunod sa'yo parati kong saan ka pupunta including hanggang mag punta ka sa comfort room sasamahan ka rin nila para masiguro na hindi ka gagawa ng anumang kalokohan." Tangina. Seryoso ba ito? Hindi ko alam kong bakit bigla na lang akong nainis sa sinabi nito. Seryoso ba ito? Talaga bang gusto nilang paliitin ang mundo ko na hanggang pag banyo, naka sunod pa rin sila sa akin? Nag papatawa ba sila? "Pinag bilin rin na bawal kang lumabas at pumunta kong saan-saan, and i'll make it an exception kong pupunta ka sa mga magulang mo! Siguro naman nakuha mo lahat ng mga sinabi ko." Binawi ko na lang ang aking tingin, hindi na namalayan na sobrang higpit na ang pag kakahawak ko sa tinidor. "Mam Clarisse?" Lalo pang tumaas na parang bundok ang kanyang kilay, hinihintay ang anumang sasabihin ko. Nag pakawala na lang ako ng malalim na buntong-hiningga. "Oo na." Lumabas lang lahat ng hangin sa ilong ko ng sinabi ko. "Good. Bilisan mo na sa pag kain at mahuhuli ka pa sa iyong klase." Pinag dikit niya ang kanyang palad at walang kaamor-amor kong pano niya ako tignan ngayon. Akmang aalis na sana, ngunit kaagad naman itong napa hinto muli. Tumingin muli sa akin si Marita at masungit ang kanyang mga mata. "Kong ako sa'yo tigilan mo na kong ano man ang binabalak mong pag takas. Simula no'ng dumating ka rito sa Mansyon, hindi na nag karoon ng katahimikan ang bahay na ito." Iniling niya ang kanyang ulo at hindi niya na ako hinintay pang mag salita na hinakbang ang paa para iwan ako. Inis ko na lang na tinusok ang tinidor sa sausage, at inis na sinalampak sa bibig ko ang pag kain na kay talim kong pinukulan ng titig ito hanggang tuluyan na itong mawala sa paningin ko. Kainis naman oh. STILL CLARISSE'S POV Mariin na lang akong napa pikit ng aking mata na kina lingon ko na makita ko na lang sa likuran ang dalawang tauhan ni Travis na naka sunod sa akin. Sobrang higpit na ang pag kakahawak ko sa strap ng bag na tinatahak ko ang malawak na hallway sa Campus. Pansin ko rin ang ilang estudyante, na maka salubong ko at iyong iba naman naka tayo sa gilid at hindi maalis ang pahiwatig at malagkit na pag tingin nila sa akin. Ang ilan pa sakanila nag bubulongan at rinig ko pa ang munti nilang tawanan na naka pako ang mata sa dalawang tauhan na naka sunod sa akin. Gusto ko na lang talaga mag pag palamon sa kinatatayuan ko, na bahagya ko na lang ang ulo ko at hindi maitago ang hiya na aking naramdaman. Kailan ba nila ako titigilan? Kailan ba ako mag kakaroon ng normal na buhay? Mariin ko na lang pinikit ang aking mata at nilakihan ko pa ang hakbang ng aking paa para sa ganun, para maka alis na sa lugar na ito. "Clarisse, Clarisse." Ang familiar na tinig na lang ang mag patigil sa akin. Nakita ko naman ang kaibigan kong si Faye patakbo na papunta sa direksyon ko. Mabilis siyang tumakbo at tumigil siya sa harapan ko, na ngayon hinahabol niya ang kanyang pag hingga. "Oh, bakit Faye?" Taka kong tinig na naka hawak na siya sa kanyang tuhod, na bibabalik ang kanyang lakas. Mariin siyang luminok ng laway at umayos ng tindig at pansin ko na ang pamumuong pawis sa kanyang noo na tinakbo niya pa talaga para puntahan ako. "Si Luke." Hindi ko alan kong may anong impact sa aking dibdib sa katagang binitawan ni Faye. Bigla na lang akong kinabahan at hindi maipaliwanag sa aking dibdib na binanggit niya ang pangalan ng nobyo ko. Humingga muna si Faye ng malalim, na tumitig na lang sa akin na may ibang kislap ng mata nito. "Si Luke, nandito na sa Campus." Ang salita niya na lang ang mag pagimbal sa aking dibdib. Hindi ko alam kong bakit ako biglang pinalambutan ng aking tuhod at saya sa aking puso na marinig ang sinabi niya. Ano? Nandito na si Luke? "L-Luke." Wala sa sarili kong tinig, na naging blangko na ang isipan ko. "Oo, nandito na siya Clariss——" hindi ko na pinatapos pa nang sasabihin si Faye, na tumakbo na ako nang mabilis. "Sandali lang, Clarisse. Clarisse." Rinig ko na lang ang pag tawag niya sa akin na hindi ko na siya kina-lingon pa. Mabibilis ang ginawaran kong pag takbo sa malawak na hallway at hindi ko na kina pansin pa na may maka bangga at maka salubong ako sa pag takbo ko, basta ang gusto ko puntahan lang si Luke. Gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang maka usap. Naririnig ko na mismo ang malakas na kalabog ng aking puso at hindi maipaliwanag ang saya na malaman ngayon narito na siya. Makikita ko na siya. Makakasama ko na siya. Hindi na maitago ang pag kasabik sa aking puso na tinatahak ko na ang daan papunta sa kanyang silid, na hindi na alintana sa akin na may mamuong pawis sa aking leeg sa pag takbo lamang. Binilisan ko pa lalo ang aking pag takbo na papunta sa kabilang building kong saan siya naroon at hinihinggal na akong tumigil sa tapat mismo ng kanyang silid. Aligaga at hindi mandaugaga na tumingin ako bintana at bahagya kong sumilip sa bintana para tignan kong naroon siya sa loob. Pinag halong kaba at nerbyos na lang ang nanaig sa aking puso na ginala ko ang mata ko sa loob ng silid at nakita ko na lang ang ilang estudyante na naroon. May babae at mayron rin na mga lalaki na abala sa kanilang ginagawa, iyong iba naman masayang nag uusap at nag tatawanan. Sa bawat segundong lumipas lalo lamang bumigat ang aking pakiramdam lalo't hindi ko mahagip ang presinsiya ni Luke doon. Asan kana ba Luke? Hindi na maipaliwanag ang takot na lang sa aking dibdib na hindi ko siya makita. Nanginginig na ang aking kamay, emosyonal na tumingin muli sa silid at pangalawang pag kakataon hinahanap ko pa rin si Luke sa ilang estudyante na naroon ngunit wala talaga. Napansin ko na lang ang dalawang lalaki palabas ng silid kaya't wala na akong pinalampas na pag kakataon na nilapitan iyon. "Excuse me, nakita niyo ba si Luke?" Sapat na ang hina ng boses ko na marinig nila ang sinabi ko. Umaasa ako na alam nila kong asan si Luke. Huminto na lang ang dalawang lalaki at nag katinginan silang dalawa. "Ahh si Luke ba? Parang nakita ko siyang dumaan pa lang doon kani-kanina lang." Turo naman ng lalaki sa kabilang parte ng hallway, na kina sunod ko naman ng tingin kong saan ito naka turo. "Sige maraming salamat." Hindi ko na sila hinintay pang makapag salita na tumakbo ulit ako ng mabilis kong saan dumaan si Luke. Lalo ko pang binilisan ang aking pag takbo para lang maabutan siya. Dumaan lang ako sa malawak na hallway ng Campus na maka salubong ko ang ilang estudyante rin na dumaraan at lumiko ako. Takbo lang ako nang takbo at taimtim na nag darasal na maabutan ko siya. Binilisan ko pa lalo ang aking pag takbo at pag liko ko na lang muli na may mahagip akong bulto ng tao na nag lalakad, na ilang hakbang ang layo sa akin. Nanikip na lang aking puso na kahit naka talikod siya, alam ko sa sarili kong si Luke iyon. Ang nobyo ko iyon. Maluha-luha na lang ang aking mga mata na pinapanuod si Luke na mag isang nag lalakad, naka talikod siya sa akin kaya’t hindi niya napansin ang presinsiya ko. “Luke!” Malakas kong tawag sakanya kaya kusa na lang siyang napa hinto. Parang slow-motion lang siya humarap sa akin na kulang na lang mapa iyak ako na makita ko ulit ang nobyo ko. Mariin na lang akong napa lunok ng laway at hindi na ako nag sayang pa ng pag kakataon, tumakbo na ako nang mabilis palapit sakanya at binigyan siya nang mahigpit na yakap. “L-Luke.” Basag ko na lang na tinig at ramdam ko naman ang paninigas ng katawan niya sa bigla ng pag yakap ko sakanya. Lahat ng pangamba at takot sa aking puso bigla na lang na napawi na maramdaman na lang ang mainit niyang katawan sa akin. Nawala na lang ang mabigat na bagay na naka patong sa aking dibdib ngayon nakompirma kong buhay siya at walang nangyaring masama sakanya. Hinigpitan ko pa lalo ang pag kakayakap kay Luke, at hindi ko mapigilan ang pag agos ng luha sa aking mga mata na kanina ko pa pinipigilan. Nanatili lamang si Luke na naka tayo at wala akong narinig na anumang salita na lumabas sakanya, nilabas ko lahat ng puot sa aking dibdib sa pangungulila sakanya. Ako na ang kumalas sa pag kakayakap namin at maluha-luhang tumitig sakanya. Malamlam lamang na tumitig sa akin si Luke at tinitignan niya lamang ako. May daplis na nang luha ang mga mata at may ibang ningning na saya iyon sa pag babalik niya. “Bakit ngayon ka lang, Luke? Labis akong nag alala na hindi mo sinasagot ang tawag at text ko sa’yo. Pinuntahan rin kita sainyo, pero wala ka.” Aniya ko at nag patuloy lang ang pagiging tahimik niya. “Ilang araw kana rin pumapasok kaya’t labis talaga akong nabahala, pero ngayon okay lang dahil nandito kan———“ akmang hahawakan ko ang kamay ni Luke ngunit may anong kirot sa aking puso na kusa niya na iyon nilayo sa akin, na parang nakaka hawang sakit na ayaw mag pahawak. Bigla na lang nanikip ang aking puso, na maluha-luhang tumitig sakanya na ngayon puno ng lamig kong paano niya ako tignan ngayon. Bakit? Bakit parang may mali?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD