Thirteen

1244 Words
Thirteen. Kinaumagahan ay pinilit ko na maaga umalis para hindi ko makita si Tito mar. Dahil hanggang ngayon ay hindi talaga mawala sa loob ko ang galit at pikon tuwing makikita ko siya. Pero kahot pinilit kong umiwas ay walang silbi. Paglabas ko pa lang ng kwarto ay siya agad ang nakita ko. Nakaupo sa kusina kumakain habang si mama ay nagtitimpla ng kape, hindi ko na inalam pa kungpara kanino ang kape. "Alis na po ako." paalam ko pa rin kay mama kahit kanina ko pa gustong umalis. "Nag luto na ako ng almusal nak, kumain ka muna." si mama na nilapitan pa ako. Sinundan siya ng tingin nung lalaki niya, at nang bumaling ito sa akin ay nakangisi pa. Nakakakulo ng dugo, umagang umaga! "May tocino doon sa lamesa," bulong ni mama sa akin. Biglang natunaw ang inis ko sa sinabi ni mama. Paborito ko ang tocino, kaya... masaya ako na alam ni mama yung gusto kong pagkain, hindi pa rin niya nalilimutan. "Kumain ka muna bago mag trabaho, lika na. Malinis iyon, ako ang nag luto." dagdag pa niya. Alam na siguro ni mama na hindi ko kumpirtable kasama ang lalaking 'yon. At nababahala rin ang loob ko dahil baka mamaya marumi ang ipakain sa akin, lalo pa at may adik kaming kasama rito. Malay ko ba kung lagyan niya na lang bigla ng droga ang pagkain namin. Ngumiti ako kay mama at sumama palakad sa mesa. Pero wala pa man din at hindi pa kami nakakarating sa mesa ay nakita ko na agad ng paa ni tito mar na nakapatong sa mesa. Hawak din pati niya ang plato na may lamang mga tocino at doon kumakain, pinapapak. Agad na lumapit si Mama sa mesa. "Mar, bakit mo naman kinain lahat? Para kay Kiwi, 'yan." ani ni mama na akmang kukuhanin ang plato sa lalaki pero agad napahinto ng tignan ng masama ni Tito mar. "Ano bang ginagawa sa pagkain? Bakit anak mo lang ba ang may tiyan at nagugutom?!" bastos na sagot nang lalaki. Lumapit ako sa likod ni mama at hinawakan siya sa braso. Ayaw ko ng makipag away pa si mama sa lalaking 'to. Sayang lang ang energy. "Hindi naman sa ganoon." ani ni Mama. "Pero papasok kasi sa trabaho si Kiwi, walang laman ang tiyan niya." Binulungan ko si mama. "Ayos lang ma, sa office na lang ako kakain." "Nag aalala ka diyan sa anak mo? Paniguradong may lalaking nagbibigay ng pagkain diyan, may nobyo naman 'yan!" hiyaw nung lalaking walang kwenta. Kumunot ang noo ko. At saan naman kaya niya nasagap ang tsismis na 'yon? "Buti ka pa alam mong may nobyo ako, ako wala man lang ideya kung sino siya." pairap na sabi ko. Bigla akong nilingon ni mama. At hinawakan sa kamay, nilakad niya ako papunta sa may pinto. Wala akong ideya sa sinasabi ni tito, palibhasa puno na ng hangin utak kaya kung ano anao ang naiimagine. Nang maisara ni mama ang pinto ay hinarap niya ako. Matikas ang mukhang naniningkit sa akin. "May boyfriend ka na?" tanong niya. "Naniniwala ka doon sa adik na 'yon, ma?" balik na tanong ko sa kanya. "At isa pa ma, kung may boyfriend man ako, wala na siyang pakielam don!" nilingon ko pa ang nakasaradong pintuan at iyon ang inirapan ko. "Ako ba?" Napatigil ako sa tanong ni mama. "May karapatan pa ba akong makielaman anak?" malumanay na sabi niya, oero hindi ko alam kung bakit ako nasaktan sa tono niya. Pinagmasdan ko ang mukha ni mama. 48 years old pa lang si mama pero medyo kulubot na ang mukha niya. Payat at lubog ang mga mata. Ibang mama na ngayon ang nakikita ko kumpara sa mama nung bata ako. Parehas lamang ang hitsura ngunit napakalaki ng itinanda ni mama. Napaka sakit makita si mama na ganito. Hinaplos ko siya sa pisngi. "Ikaw ang mama ko.." tanging nasabi ko bago siya niyakap ng napa higpit. Yakap ng pagmamahal ko sa kanya. At yakap na kahit ano man ang mangyari, hinding hindi ko siya iiwanan. Magkasama kami dito at kahit saan pa. "Bad mood?" tanong ni Shiela na biglang umupo sa harap ko. Kasalukuyan akong nasa cafe sa baba ng office kakatapos lang ng duty ko at nag aya si Lei dito. Inilapit niya sa akin ang kape na inorder ko. "Ang toxic sa bahay." sabi ko at umiling. Huminga ako ng malalim at nag isip na naman kung paano mapapaalis si Tito mar sa bahay ng hidni kasama si Mama. "Oo nga pala, nai-kwento sa akin ni Lei." sabi niua. "Pwede mo naman siyang paalisin sa apartment mo, Kiwi. Sa'yo naman 'yon." Tinignan ko siya. "Alam ko naman 'yon. Pero kasi.. ngayon, kapag pinaalis ko siya, alam kong sasama sa kaniya si mama." mabigat man sabihin 'yon, alam ko na ganoon nga ang mangyayari. Mahal ni mama si tito mar at alam kong hinding hindi makikinig sa akin kapag sasabihin ko sa kanyang iwanan na niya yung lalaking 'yon. Ilang ko na siyang kinausap tungkol doon pero eto..nandito pa rin kami sa problemang 'to. "Kausapin mo si mama mo," si Shiela. Napangiti ako. "Ilang beses na kaming nag usap ni mama pero wala namang nangyayari." "Ipaaresto mo na lang siya? Im sure, fresh pa yung mga drugs sa katawan niya kapag ti-nest siya." "Paniguradong walang mangyayari. Makukulong lang siya ng ilang araw, tapos non, makakalaya na ulit siya. Ilang beses nang ganoon parati ang nangyayari." "Tsk." iling niya. Mukhang mas namomoblema pa si Shiela sa nangyayari sa akin. "Pwede ka namang tumira sa apartment namin ni Lei,-" "Ayoko namang iwan sila mama." sagot ko. Ilang beses ko na rin naisip na umalis doon para makaiwas sa stress pero hindi ko magawa tuwing naiisip ko si mama. Si mama lang talaga naiisip ko at si Poleng. "Eh paano ka? Masama ang stress sa katawan, Kiwi." nag aalala niyang sabi. "You need to do something about him. Huwag mong hayaan siraan niya yung peace mo," Wala akong nasabi kung hindi ang mangiti na lang. Wala akong magawa sa ngayon. Alas otso na siguro 'yon ng makarating ako sa street namin. Pero wala pa man din ako sa apartment ay sinalubong na agad ako ng isa kong kakilala na doon din nakatira. "May pulis sa unit mo kanina." ani ni Sara. Mabilis akong kinabahan pagkasabi pa lang niya kaya agad akong kumaripas ng takbo at hindi na siya pinatapos pa. Pagkarating ko sa apartment ko ay naabutan ko si mama at poleng na kumakain sa lamesa. Tumingin sa akin si mama at ngumiti. Mabilis akong lumapit sa kanila. "Ma, anong nangyari?" hinihingal na tanong ko. "Wala naman. Nahuli si tito mar mo kanina noong mga pulis," sagot niya. "Umupo ka na diyan at kumain." Nanliit ang mga mata ko. Bakit parang wala lang sa kanya na nahuli si Tito mar? Para bang normal lang sa kanya na mangyari ang ganoon. Sobrang relax lang ng pag sagot niya. "Okay ka lang, ma?" naninigurong tanong ko. Dahil hindi naman normal na relax ka lang matapos mahuli ang kinakasama mo. Huminto siya sa paglagay ng kanin sa plato ko. "Oo naman." sagot niya at nilagyan ako ng tocino sa plato ko. "Kung inaalala mo ag tito mar mo, huwag." dagdag pa niya. "Makakalabas din 'yon pagtapos ng dalawang araw, kaya sige na kain na." Bigla akong natauhan sa pag aalala tungkol kay mama. Naklimutan kong kada mahuhuli si tito mar ay nakakalaya pa rin ito pagtapos ng dalawang araw. Oo nga pala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD