Fourteen
Fourteen.
Tulad ng inaasahan ay makalipas lang ng dalawang araw ay nakalaya na si Tito mar. Mistulan nga siyang nag bakasyon dahil ng mahuli siya ay wala siyang pera, ngunit ngayon..marami siyang pera. Nakupo sa aking maliit na sofa, nakasuot ng kulay puting sando at pantalon. Binibilang pa niya sa harap ni Poleng ang makapal na tag iisang libo na nakatali sa gomang dilaw.
Hindi ko mapigilan ang mapailing habang nagluluto ng aming hapunan. Kakauwi ko lang t siya na agad ang sumalubong sa akin. Dalawang araw akong walang stress sa katawan, pero nung nakita ko siya umangat sa level 69 ang stress ko. Napalingon ako kay mama na nasa kwarto nila, nakabukas ang pintuan habang naglilinis siya. Bumili kasi ng bagong foam yung lalaki at iyon daw ang gusto niyang higaan ngayon. Manipis lang kasi ang foam na anibigay ko sa kanila. At si Poleng ay sa akin na rin natutulog. Bumalik ako sa niluluto ko na syarsyadong tilapia. Ewan ko ba, hindi ko alam kung tama pa ba itong ginagawa ko o ano. Like..itong pagpapatira ko kina mama rito sa apartment ko. Hindi ko alam kung tama pa ba na mag tiis ako dito at isaalang alang ang health ko. Ang toxic na kasi. Kung sana lang tahimik siyang adik e, well.. masama pa din naman 'yon, pero kung sana lang hindi siya pakielamero at feeling boss kay mama.
"Hindi pa ba luto ang ulam? Nagugutom na ako, ang tagal naman niyan!"
Mabilis akong lumingon ng marinig ko ang sinabi niya. Ano daw? Ang kapal ha! Nakita kong hindi na magkandaugaga si mama sa paglabas ng kwarto.
"Kanina pa ako ngugutom, wala man lang nag aasikaso sa akin!" dagdag pa nung lalaki at tumayo. Nakaipit sa kilikili ang brown envelope na tiyak na nandoon ang perang binibilang niya kanina.
Tumaas ang kilay ko sa narinig. Palamunin na nga, mainipin pa?
"Nak, matagal pa ba 'yan?" tingin ni mama sa niluluto ko.
"Opo. Matagal pa 'yan, dahil hindi pa kumukulo, kakasalang ko lang nito ma." sagot ko kay mama.
"May prito pa ba na natira? Diba nagpiprito ka kanina?" aligagang tanong ni mama sa akin habang binubuksan ang mga nakatakip sa lamesa. Nakita kong lumapit si tito mar kaya tumalikod na ako.
"Wala na po." sagot ko kay mama at nilakasan na lang ang apoy ng niluluto ko para mabilis na kumulo. Ayaw ko na ng gulo, pagod ako at ang ayokong sayangin ang oras ko sa pakikipag away kay tito mar.
"Wala pa daw Mar," rinig kong malambing na sabi ni mama. "kakaluto lan-"
"Putang ina! Nagugutom na ako kanina pa! Edi sana maaga kayong nag luto!" hiyaw ni Tito mar. Tumigil ako sa pag halo at pumikit saglit para kalmahin ng aking sarili. Hindi ko na iistressin ang sarili ko sa kanya.
"Pasenysa ka na Mar.. hindi ko kasi alam na maaga kang makakuwi-"
"Tumahimik ka na Gloria!" hiyaw niya. "Ikaw na babae ka, bakit ang tagal ng lintek na niluluto mo!"
Ako ba ang kinkausap niya? Nilingon ko siya at nakumpirma kong ako ang kinakausap niya dahil sa akin siya nakatingin.
"Alam mo bang gutom na gutom na ako? Tapos matagal pang lutuin ang niluto mo! Nanadya ka ba?!" hiyaw niya at lumapit pa ng kaunti sa akin. Mabilis naman siyang niyakap ni mama sa braso. "Alam mo ba kung anong oras na? Alas otso na! Dapat ay natutulog na ako ngayon dahil pagod ako!"
"Oh wow, talaga?" hindi nakapagpigil na sagot ko sa kanya. Napansin kong umiling si mama sa akin. Na ang ibig sabihin ay huwag ko ng patulan. Napansin ko rin na medyo namumula ang kanyang mata.
Humugot ako ulit ng malalim na hininga at sinubukang kalmahin ang sarili ko. Tama si mama. Hindi ko na dapat pang patulan ang mga katulad ni Tito mar.
Tumalikod na ako at pinatay na ang apoy. Matutulog na lang ako. Hindi ko siya kayang harapin ngayon. Ilang minuto pa lang pero quota na agad ako sa stress galing sa kanya lahat. Naglakad na ako patungo sa kwarto ko ngunit nag salita pa ulit siyan
"Ito ba ang pinagmamalaki mong anak, Gloria?" natatawang sabi niya.
Tumigil ako at hinarap siya.
"Kiwi pumasok ka na sa kwarto mo." ani ni mama habang nakayap pa rin kay Tito mar. Pinipigilan na makalapit sa akin ang lalaki. Pero nabigla ako ng bigla niyang itulak si mama palayo at halos sumobsob na si mama sa sahig. Mabilis akong lumapit aky mama ngunit, mabilis niyang naitayo ang sarili niya at lumapit muli kay tito mar ngunit mabilis na akong nahawakan ni tito mar sa may braso.
"Aminin mo na Kiwi na pokpok ka! Na ang trabaho mo ay nagpapagamit sa iba't-ibang lalaki!" hiyaw niya sa aking mukha.
Mabilis akong nakaramdam ng takot sa kanya. Ialng minuto akong nakatitig lamang sa kanya.
"At ginagago mo lang ang mama mo! Anong opis opis?!"
Nang nakabawi ako ay buong lakas ko siyang itinulak at sinampal ng mabilis.
"Ang kapal ng mukha mo!" hiyaw ko.
"Kiwi!" si mama na ako na ang niyakap. "Pumasok ka na sa kwarto mo anak.."
"Yan! Ang galing! Nag kampihan ang dalawang pokpok!" nangingising sabi pa niya.
Ang bilis na ang kabog ng dibdib ko dahil sa galit. "Ang kapal ng mukha mong adik ka!"
Napatigil siya sa pag sandok ng pagkain. "Anong sinabi mo?"
"Na adik ka." ulit ko. "Adik na nga, kriminal pa."
"Ano?!" galit na hiyaw niya at ihahagis sana sa akin ng platong hawak ngunit nasangga ni mama 'yon ng braso niya kaya nabasag.
"Mar tumigil ka na!" naiiyak na sabi ni Mama. "Mali ka ng iniisip mo, hindi pokpok ang anak ko!"
"Anong hindi? Gabi na umuuwi 'yan hindi ba?" sagot nung lalaki.
Ang kapal talaga ng mukha nito. "Palamunin ka na nga, reklamador ka pa!" hiyaw ko. "Lumayas ka sa bahay ko!"
Bigla akong nangilabaot ng mag umpisa siyang tumawa ng malakas. Tawang hindi pang normal.
"Ang yabang mo, pinagmamalaki mo itong bulok mong apartment? Pwe!" dumura pa siya. "Bulok na 'to, parang kayong mag ina, mga bulok!" hiyaw niya tsaka nag martsa palabas ng pinto.
Mabilis kong niyakap si mama. Umiiyak siya. Ako man ay naiiyak na ngunit hindi pwede. Kung iiyak ako, sino na lang ang yayakap kay mama?
Hindi naman sinasadyang npaatingin ako sa gilid ng ref. Nandoon si Poleng. Nakaupo at nakatakip ang dalawang tenga habang nakapikit.
"Poleng.." tawag ko sa kanya. Agad siyang tumingin sa akin. "Lapit ka kay ate." dahan dahan siyang tumayo, ngunot bago pa makalapit sa akin ay lumuhod na si mama at sinalubong na ng yakap ang aking bunsong kapatid.
"Sorry anak... Sorry.." paulit ulit na bulong ni mama kay Poleng. Iniwas ko ang aking tingin. Hindi ko na kakayanin pang titigin sila. Baka bumigay na ako.
Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi kakaisip sa nangyari, ngunit nagising na lamang ako ng may humalik sa aking noo ng paulit-ulit.
Mabilis kong binuksan ang mata ko at nakitang si mama ang nasa harap ko.
"Ma.." namamaos na sabi ko. Nahuli kong pinunasan niya ang kanyang pisngi ngunit pagka dilat ko pa lang ay nakita ko na ang kanyang mga luha. Kahit hindi niya sabihin alam kong ang dahilan ng pag iyak niya ay yung nangyari kagabi. Alam kong nag alala siya para sa akin, sa amin ni Poleng.
Alam kong mahal kami ni mama, at alam ko rin na kaya hindi niya maiwan si Tito mar ay may matindi siyang dahilan, at iginagalang ko 'yon. Naiintindihan ko ang rason niya kung anoman 'yon. At bilang anak, igagalang at iingatan ko si mama sa kung ano man ang ginagawa niya.
Hinaplos ko ang kanyang kamay, nahuli ko ang pagpatak ng luha sa kaliwang pisngi ni mama. Pinahid ko 'yon at hinalikan din siya sa kanyang noo. "I love you mama.." marahang sabi ko. "Hindi po ako galit sa'yo ma, i love you so much po.."
"Patawad kung kailangan mo pang pakisamahan si Mar," sabi mama na kakatigil lang sa pag-iyak. Kanina pa siya sabi ng sabi ng sorry sa akin habang umiiyak, ako naman ay panay ang sagot ng mahal ko siya. Nakaupo na siua ngayon sa ibabaw ng kama ko at magkaharap na nag uusap. Alam kong mabigat ang pinagdadaanan ngayon ni mama, kaya gustuhin ko man sabihin sa kanya ang isang salita ay pinili kong huwag na lang. Sa estado ni mama, kailangan niya lang ng kausap at hindi ng sermon.
"Gustuhin ko man na iwan na siya, pero anak, nakatali na ako sa kanya.. hin.di ko alam kung paano siya mapapaalis aa buhay natin.." ani pa ni mama.
Hinaplos ko ang pisngi niya. "Mahal mo pa ba siya, ma?" marahang tanong ko.
"Hindi ko na siya mahal, nak." mabilis na iling ni mama sa akin. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. "Matagal ko na siyang gustong iwan, ngunit hindi pwede dahil, kukunin niya si Poleng sa atin,"
Nanliit ang mata ko sa sinabi ni mama. "Anong..."
"Hindi siya papayag na hindi niya mukukuha si Poleng.. Nung min-san ay umalis sila ni Poleng, asinabi sa akin ng kapatid mo na dinala daw siya ng papa niya sa building na maraming pera, anak! Alam mo ba ibig sabihin nun? Dinala siya sa masamang lugar! Anak, ayaw kong matulad ang kapatid mo sa tatay niya!"
"Ma, hindi.." mabilis ko siyang kinulong sa yakap. "Hindi niya mukukuha sa atin si Poleng." pag aasure ko sa kanya. Mahal na mahal namin ang kapatid kong 'yon. At kung may pinaplano si Mar sa kanya, kailangan na talaga namin na ipakulong siya ng totoohanan na.
"Nga pala nak, maagang umalis si Tito mar mo," sabi niya habang hinahaplos ang pisngi ko. "Hindi ko nasabi pero, nandiyan si Shiela, kaibigan mo 'yon hindi ba?"
Tumango ako. "Opo ma,"
Lumabas na si Mama at ako naman ay nag pasya munang maligo. Ilang saglit lang din ay nakita ko na si Shiela na kausap si Poleng sa hapag kainan kasama si Mama.
."Goodmorning ate." ani ni Poleng pagkakita sa akin. Nginitian ko siya at hinalikan sa noo. "Goodmorning din be, i love you."
"Ay,nga pala nak, nagpapaalam itong si Shiela, birthday pala niya ngayon," si mama na kumakain na rin. "Sumama ka sa party nila,"
Tymingin ako kay Shiela. Nag usap na kami kagabi tungkol dito, kaya hindi ko inaasahan na puounta pa siya rito para lang doon. Umupo ako sa tabi ni Poleng. Lumungon ako sa paligid, wala nga si Tito mar.
"Nag usap na po kami tungkol diyan ma, hindi ako pupunta." sabi ko. Nakita ko sa gilid ko na nakatingin sa akin si Shiela. Pero hindi ko na pianansin.
"Pero nak bakit? Masay 'yon siguro, dapat pumunta ka!" si mama.
"Wala po kayong kasama ni Poleng, baka mamaya kung ano na naman ang gawin nung lalaking 'yon sa inyo."
"Wala siya dito, dalawang araw siyang mamamalagi sa cavite, isa pa, isang araw lang naman ang party ni Shiela. kaya mag punta ka na, huwag mo kaming masyadong isipin ni Poleng, pupunta na lang kaming sm bukas para mamasyal."
Humugot ako ng malalim na hininga. Ayoko talagang umalis. Ayokong iwan sila mama na kasama ang lalaking 'yon, lalo pa dahil sa nangyari kagabi. Mahirap iwanan sila mama baka mamaya kung ano pa ang pumasok sa isip nung adik na 'yon at mapahamak sila mama. Pasimple kong tinignan si Shiela.
Pero kung totoo nga na wala dito si Tito mar, maaari. Ngunit..hindi pa rin ako mapapalagay.
"Pupunta ako, pero uuwi rin ako kaagad." sabi ko kay Shiela ng nasa sasakyan na kami papuntang trabaho. Nilingon ko siya habang nasa passenger seat ako at siya'y nag dadrive.
"Oo na." sabi niya. "Pasensya hindi ko naman kasi alam na may nangyari palang gulo sa inyo kagabi. Kung alam ko lng hindi na sana ako nag pumilit."
"Ayos na 'yon." sabi ko at tumutok na lang sa kalsada.
At katulad nga ng naplano, pagkatapos ng trabaho ay dumiretso kami sa reasort ni Jervy. Doon gaganapin ang birthday ni Shiela, sabi naman niya mga kakilala lang daw namin ang imbitado kaya okay na din. Isa pa, sandali lang naman ako rito, enjoyin ko na lang din.
Pagdating namin doon ni Shiela ay naroon na si Lei, isa siya sa mga sumalubong kay Shiela. Habang ako naman ay pasimple nang pumunta ng gilid para ibigay kay Shiela ang kanyang spotlight. Nang matagumpay na makapunta sa gilid ay marahan kong inayos ang aking little black flowy dress. Medyo humangin kasi kaya bahagya itong umangat. Hinaplos ko ang tangkay ng aking maliit na bag pack. Saglit ko ulit nilingon sila Shiela, kinakantahan na nila ito ng happy birhday habang si Lei ang may hawak ng cake. Nagtaka naman ako, nasaan si Jervy?
Ilang lakad pa ang ginawa ko at nkapunta ako sa space na wala masyadong tao at tanaw pa rin sila Shiela, kaya doon ako umupo sa kulay brown na sun bathing bed, hindi ko alam ng tawag doon. Nilapag ko ang aking bag para kunin ang aking cellphone. Itetext ko sila mama kung kumusta na sila. At hindi naman nag tagal ay nag reply ito nang tulog na daw sila, at sa kwarto ko sila nakahiga. Napangiti ako, napalagay kahit papaano. Atleast, makakatulog sila mama ng walang gulo, dahil wala si tito mar ngayon.
Kaya nga kailangan ko ng gumawa ng-
"Hi, Babe." mabilis akong lumingon sa pamilyar na boses. Nanlaki ang mata ko sa gulat.
Shet?
Nakatayo siya sa harap ko, habang ako ay gulat na gulat pa rin. Shet?
"Kumusta ka na?" aniya ilang sandali at umupo na sa tabi ko. Agad kong naamoy ang mabangong halimuyak niya. Ang kanyang longsleeve na itim na nakatupi hanggang siko ang dahilan kung bakit nakikita kong kumikislap ang kanyang kulay gintong relos.
Sa pagkabigla ay hindi ko agad nakapag salita. Shet? Isa pa, bakit parang sobrang affected naman ako sa pagkikita namin? Hello, iisa lang kami ng mundong ginagalawan, posible talaga na magkita kami ulit.
"O..okay naman." ang tanging nasabi ko at nag iwas na ng tingin. Itinago ko nang muli ang aking cellphone.
"Yun lang? Ask me how am i." sabi niya at utos. Nag uutos ang tono.
"Okay. Kumusta ka na, Loey?" tanong ko na din at matagumpay ng naikalma ang sarili.
"Not fine." sagot niya. Napatango ako at wala ng masabi. "Because i miss you, Kiwi."
"Hhmm?" ano daw sabi niya?
Sa lapit naming ito ay hidni pa siya nakuntento at lumapit pa siya lalo hanggang sa nag dikit na ang hita niya at sa akin. At habang naka focus ako sa aming magkadikit na hita ay mabilis ang kanyang galaw na ninakawan ako ng halik.
Sa ginawa niyang 'yon ay hindi na ako nabigla. Ewan ko, siguro ay lutang ako? O kasi gusto ko rin.
"You want to go to somewhere else?" tanong niya na nagpakibot na naman sa aking kalamamnan.
Saglit kong nilingon si Shiela. "Pero..hahanapin ako ni Shiela.."
"Akong bahala." aniya sabay hawak sa kamay ko at sabay kaming tumayo papunta kay Shiela na ngayo'y kayakap si Jervy.
"Shiela," tawag ni Loey pagka lapit namin sa kina Shiela.
"Tito..." sabay na sabi ng mag nobyo. Tumayo pa nga si Jervy at sandaling tinignan ang magkahawak naming kamay ni Loey.
"Aalis na kami ni Kiwi," ani Loey.
"Pero bakit? Kakaumpisa pa lang ng party, Kiwi.." si Shiela.
Bigla naman akong naawa sa kaibigan ko. Samantalang nag effort pa siya mag paalam kay mama, tapos hindi pala ako tatagal ng 20 minutes sa party niya. "Shiela kas..."
"Pag uusapan namin ang kaso ng papa niya, don't worry ako na ang mag hahatid sa kanya." si Loey ulit na dieretso mag sinungaling. Really? Mag uusap, pakiramdam ko ibng usap naman ang gagawin namin.
Wait. Papayag ba ako?
"Hahawakan mo yung case, Tito?" gulat na tanong ni Jervy.
"Yes. Kaya kailangan namin mag- usap, happy birthday again Shiela." si Loey na hinalikan ang pisngi ng kaibigan ko. Ako naman ay ganoon dim ang ginawa bago ako tangayin muli ni Loey papunta sa kung saan.