"Ayan sige! Away pa more!" Sabi ko habang ginagamot ang pumutok na labi ni Troy. "Aray naman, chill ka lang. Masakit kasi eh," Reklamo ni Troy. Napatawa naman ako at saka idinahan-dahan ang pagdampi ng bulak sa labi niya. "Kasi naman, pwede mo naman akong halikan eh," Napa-irap ako at saka diniinan ulit ang bulak na may gamot sa labi niya. "Ikaw, kung wala ka namang magandang sasabihin. Shup up ka nalang!" Nandito kami ni Troy sa bahay nila. Dito na agad kami dumiretso dahil gusto niya daw akong masolo. Gusto ko pa nga sanang manuod ng sine kasama siya, pero hindi na naman pwede dahil pumutok nga ang labi nila dahil sa suntukan nila ni Vince kanina sa Mall. Muling napa-taas ang kilay ko nang ngumisi si Troy, "Ano ngayon ang maipagmamayabang ng gagong Vince na 'yon ah?" Sabi ni Troy