Graduation. Ito ang pinakahihintay na araw ko sa lahat, ang makatapak sa stage bitbit ang diploma ko. Apat na taon rin akong naburyo sa pag-aaral para lang maka-graduate, and at the moment masaya kong winagayway sa magulang kong nanunuod sa ibaba ng stage ang hawak kong diploma. And now, finally, isa na rin akong business management graduate! "Congratulations Anak! We're so proud of you!" Yakap-yakap ako ni Mama habang si Papa naman ay nakangiti g kumukuha sa amin ng litrato, habang ang Kuya ko ay masaya rin akong binati. Galing sa business meeting ang magulang ko at masayang-masaya ako dahil nandito ngayon ang buong pamilya ko. "Pwede ka nang magtrabaho sa Company na'tin! Pwede ka sa Chief accounting office, or kung gusto ko 'doon ka sa Barcelona, o kaya naman sa Maldives, sa branch