Chapter 9: New Position

1854 Words
Chapter 9 KAGAT ang labing hinintay ni Tristan ang pagbukas ng gate ng headquarters ng Alleanza Oscura dito sa Palawan. Nakailang tap na siya ng finger niya sa scanner— ito muna ang way niya para makapasok dahil wala siyang card, pero ayaw tanggapin. Sinasabi ng screen na access denied at hindi siya authorized na pumasok. Sa tingin niya, naka-block siya. Kaya nakailang ulit siya kanina para puntahan siya ng security, subalit nauwi lang sa wala. Mahigit isang oras pa bago bumukas iyon. Si Tres ang lumabas kaya napangiti siya. “Hey. Can you help— ” Hindi na niya natuloy nang makita ang kasama nito na lumabas din. Si Supremo. “Speak. 1 minute.” “Supremo naman. 1 minute? Kulang naman po ‘yan,” reklamo niya. Tumingin ito sa relo nito. “Alright, 30 seconds,” Medyo nainis na siya kaya tumalikod na siya. Akmang hahakbang siya nang magsalita ito. “That’s it? Tatalikuran mo ako?” Napapikit siya, pero bumaling din siya rito na puno nang respeto. “I’m in a hurry, Supremo. Sarah needs me, that’s why I’m desperately seeking AO’s help. Pero kung hindi ako makahingi nang tulong now, wala na akong magagawa. It’s okay with me. I have my own ways pa naman. Hindi ako pwedeng magtagal dito kaya ako tumalikod. I have to call my assistant ” Napatitig si Supremo sa kanya. Siguro ngayon lang siya nito nakitang ganoon. Simula’t sapul, hindi siya sumasagot rito. Nonchalant nga. Nakikinig at sunod lang siya nang sunod rito noon. “Okay. Get in.” Sabay talikod nito. Ngumiti sa kanya si Tres. “Teni-testing ka lang niya. Kilala mo naman ‘yan.” “I know. At alam mo ring ayaw niyang tinatalikuran siya agad kaya ginawa ko.” Sabay ngiti niya sa kaibigan. “So, what’s up? Sino ba itong Sarah na ito, huh? Tell me.” Sabay siko nito sa kanya. Kakaiba din ang ngiti nito kaya inilingan niya lang. “Mukhang special, huh? Nag-call a friend ka, e,” pang-aasar. Hindi siya sumagot. Hindi rin naman niya kasi talaga alam ang sasabihin. Umiling na lang siya ulit sa kaibigan. Hindi talaga siya ang tipo ng taong vocal. Gusto man niya sa hindi. “Hindi mo ako madadala sa iling. Sino nga? Bakit kailangang iligtas mo siya? Huh?” Inunahan niya si Tres. “Hoy! Dali na, o!” Nilingon niya ang kaibigan. “A friend. Okay na?” May ngiti sa labi niya noon. First time niya kasi itong pilitin tapos di pa niya alam ang rason. Dapat hindi siya ngumiti, ano? “Whoa! Friend, huh? Pero ang ngiti, kakaiba. Sige na nga, kunwari hindi ko nakita.” Natigilan sila pareho nang bumaling si Supremo. Nagmadali tuloy sila ni Dana— este ni Tres nang balingan sila ni Supremo. Malapit nang sumara kasi ang elevator. “You have to face the punishment after this,” pumuno ang boses ni Supremo sa loob ng elevator nang sumara iyon. Hindi niya maiwasang mapataas ng kilay. Akala niya ba ‘yon na ang punishement niya? Muntik na siyang mamatay kaya! Sumang-ayon na lang siya dahil kailangan niya talaga ang suporta ng AO ngayon. Ito ang pinakamalapit kaya no choice siya. Ang layo ng Metro Manila para sa tulong mula sa Markesa if ever. Marami namang available na tauhan ang ama niya pero hindi na niya kayang patagalin. Saka last choice na talaga niya ang ama kaya sa Alleanza siya humingi nang tulong. Ayaw niyang magkaroon nang utang na loob si Sarah sa ama niya if ever. Kilala niya ang ama niya kaya dito na lang. Pagkatapos nang pag-uusap nila ni Supremo ay agad na naghanda siya pagbalik. Gabi na nang makabalik siya. “Mukhang ginabi ka na, Dennis,” ani ni Mang Nardo. May mga dala siyang groceries na kinuha lang niya sa pantry ng AO. Sabi niya utang lang muna dahil wala siyang pera na hawak. Nawala ang wallet niya— lahat kaya wala siyang pera ni piso man. Nagkapera lang siya dahil sa sinahod mula sa pagtatrabaho sa kulungang iyon ni Sarah. Lahat ng mga gagamitin niya ay ibaba na lang mamayang gabi malapit sa bahaging tinatalunan ni Sarah. Wala namang camera doon dahil ilang beses na niyang tsinek doon. At sa pamamagitan ng submersible watercraft na bagong purchase lang ni Supremo iyon madadala. “Opo. Hinintay ko pa po kasi ang kapatid ko. Nagpadala po kasi ako pang-allowance niya, saka bumili din po ako ng grocery para dito.” Tinaas niya ang mga dala. Bagong sahod naman talaga kasi sila kahapon kaya iyon ang dinahilan niya. “Kaya naman pala. O siya kumain ka na. Mamaya pa iyon si Guadalupe kasi.” “Ho? Bakit po?” “Hindi yata pinapauwi ni Ma’am.” Tumango siya rito. Kahit papaano ay nakahinga siya nang maluwag. May nagbabantay sa dalaga. Pero bakit naman kaya? Hindi kaya dahil na naman sa gamot? “Hindi po siya tumalon ngayon?” “Hindi naman. Parang napipigilan na ni Ma’am ang pagtalon dahil hindi na niya bukambibig sabi ni Guadalupe.” Mukhang hindi na ito nakakainom ng gamot na iyon pero bago siya umalis nakaraan ay may iba na naman. Kaya baka iyon na naman ang hinaharap nitong problema. Hinintay ni Tristan na dumating ang matanda, pero wala pa rin ito. Kaya nagpaalam siya sa asawa nito na pupunta sa malaking bahay. Nasa kalagitnaan pa lang siya nang matanaw ang matanda. Nagmadali siyang lapitan ito. “Late na po yata kayo nakauwi, Manang?” tanong niya rito. “Hinintay ko pa kasi ang pinadalang gamot para kay Ma’am.” “Huh? May bagong gamot na naman po si Miss Sarah?” “Oo.” Napatingin si Dennis sa malaking bahay. Napaisip siya kung ano na namang gamot iyon. Nagpaalam ang matanda sa kanya mayamaya. Hindi siya sumama bumalik, nagpaalam siya rito na magpapahangin lang. Pero ang totoo niya na, inabangan niya ang mga darating na mga gamit niya. Laptop, cellphone, mobile router at baril at kung ano-ano pa. Ilang minuto lang siya sa tagong bahaging iyon nang makuha iyon. Dinala niya ang iba sa likod ng malaking bahay kung saan pwede siyang magtrabaho. May ginawa siyang pwedeng pagtaguan doon. Doon siya pwedeng tumambay at magiging daan niya kapag gusto niyang makapasok sa malaking bahay. Dahil alam niya ang password ng wifi sa malaking bahay agad nilang napasok ang network ng mga ito. Naka-forward na rin sa AO kaya hindi lang siya ang may access. Una niyang binisita ang surveillance na malapit sa silid ni Sarah. Dahil walang camera sa loob ng silid nito ay hindi niya malaman ang nangyayari doon. Kailangan niyang malagyan ng surveilance din sa loob para makita niya ang lahat ng galaw ng mga tao kapag pumapasok ang mga ito. Napatingin si Dennis sa screen nang may mag-popup na red notice. Agad niyang pinindot iyon. May motion na na-detect malapit sa daan papunta sa kinaroroonan niya kaya mabilis niyang tiniklop ang laptop at binalik sa tinataguan nito. Mabuti na lang at trinabaho na niya ito. May square container siyang pinaglagyan at tinago lang ang laptop para iwas basa kung sakaling maulanan. Binalik niya rin ang mga dahon. Ang linya ng kuryente na nakakonekta sa malaking bahay din ay maingat niyang tinakpan din dahil nahila niya kanina at nawala sa ayos. Nakakonekta din siya ng kuryente sa malaking bahay. May nakita siyang linya ng kuryente sa may banyo na maari niyang pagkonektahan. Sinemento pa niya nang dumaan sa pader at nakapaloob naman sa tubo at tinakpan niya ng lupa. Walang ibang nakakaalam no’n. Siya lang. Napatago siya sa may puno dahil papalapit sa kanya. Natigilan siya nang makilala ito. Ito ang pinakalider na sinusunod nila. Si Emiliano. Ang boss na tinatawag nila dito. What if mawala kaya ito sa landas niya? Napangiti siya sa naisip. Hinayaan niya lang na lumapit ito sa kinaroroonan niya. Dahil malaki ang puno ay umikot siya at walang kahirap-hirap na pinatulog niya si Emiliano na noo’y iihi lang sana. Agad niyang tinawagan ang may dala ng mga kinailangan niya kung nasa malapit pa. Nang sabihin ng mga ito na kakaalis lang ay pinabalik niya at pinadala ang walang malay na si Emiliano. Mabuti na lang at gabi. Bumalik siya sa bahay ng mag-asawa na parang wala lang. Pero hindi napansin ng mga ito ang oras ng pagbalik niya dahil himbing na sa pagtulog sa kabilanv kwarto. Pipikit pa lang sana si Dennis nang makarinig nang sunod-sunod na katok. Ginulo pa niya ang buhok at papungas-pungas na kunwari na nagbukas. Guard ng malaking bahay ang kumatok. “Oh, sir,” aniya. “May kailangan ho kayo?” “Pinapatawag ka sa malaking bahay, dumating si Boss Chano.” “Ho? Bakit daw ho? Saka sino si Boss Chano?” “Kanang kamay ni Boss Jericho sa kabilang isla.” Napa-ah siya. Alam na ba ng mga ito na nawawala si Emiliano? Lumunok muna siya bago tumango. “Sandali, sir. Bihis lang po ako.” Nagbihis nga siya pero may dala siyang patalim na inilagay lang sa sapatos. Pagdating sa malaking bahay ay nag-iipon-ipon ang mga tauhan ng mga ito. Hindi niya pa nakita ang Chano na sinasabi. Biglang palit daw ng tauhan dahil umano sa tip na natanggap na traydor si Emiliano. “Ito na boss ang pamangkin ni Mang Nardo,” ani ng gwardya sa kanya. Hinagod siya nito nang tingin kaya napababa siya. “Anong pangalan mo?” “D-Dennis ho,” nauutal kunyari na sagot niya, sabay yuko. Nabigla siya nang tampalin ni Chano ang dibdib niya. “Bawal dito ang mahina ang loob!” anito. “Angat nang tingin,” utos pa niya. Kaya naman taas ang noo niya nang mag-angat ulit. “Very good. Dahil simula sa araw na ito ikaw na ang papalit kay Emiliano.” “Ho? Bakit po? Nasaan si boss?” “Wag mo nang hanapin ang traydor na iyon!” Pinanlakihan pa siya nito ng mata. “S-sorry, Boss,” aniya na lang. “Sumunod ka sa akin.” Sabay talikod nito. Papunta ito sa gawi ng silid ni Sarah. Pagpasok nila ay nakahiga si “Simula ngayong gabi, kayong dalawa na ni Guadalupe ang mag-aasikaso kay Ma’am. Dahil may asawa ang matanda na inaasikaso sa gabi, ikaw lang ang maiiwan dito magdamag. Maliwanag ba?” Nagdiwang ang kalooban niya. Hindi ganito ang outcome na nabuo sa isipan niya. Labas-masok sa bahay na ito, sapat na sa kanya. Hindi niya akalaing papalitan ng mga nasa itaas ang mga bantay, sa takot na makawala ang dalaga. Masasabi niyang tama ang mga ito ng desisyon! Tumingin siya sa dalagang himbing na himbing sa pagtulog. Mapoprotektahan na niya ito dahil siya mismo ang magpapainom ng gamot dito. Well, meron na siya. Iba’t-ibang klase na kamukha lang ng mga gamot na pinapainom ng mga ito sa dalaga. Paglabas nila ng silid ay sinabi nito sa kanya ang lahat ng mga gawain ni Emiliano. Nakailang habilin din ito sa kanya na ‘wag daw magiging malambot at magpapaniwala kapag may nag-alok ng pera sa kanya para itakas si Heidi— este si Sarah. Isipin niya raw ang mag-asawang Nardo at Guadalupe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD