PANANAKIT ng puson ang gumising kay Sarah. Sunod-sunod iyon kaya napadaing siya. Ito ang unang beses na nangyari ito sa kanya kaya wala siyang ginawa kung hindi ang dumaing at umiyak. Ilang sandali lang ay narinig niya ang pagbukas ng pintuan, marahil narinig ng mga ito ang iyak niya sa pintuan.
“Help! I’m in pain,” aniya, sabay sapo sa tiyan.
Hindi niya alam kung sino ang pumasok, wala kasi siyang narinig na salita mula rito.
Lumubog ang bahaging kaliwa niya kaya alam niyang doon umupo ang pumasok. Sa pakiramdam niya kanina, isang tao lang ang pumasok.
“Bandang puson ba ang masakit?”
Natigilan si Sarah nang mapagtanto kung kaninong boses iyon. Walang iba kung hindi kay Dennis.
“O-oo,” tipid niyang sagot.
Hangga’t maaari ay ayaw na niyang magtiwala rito. Sinungaling si Dennis.
“Dinatnan ka na ba?”
Gustong tumaas ng kilay ni Sarah, subalit ‘di niya nagawa dahil malamang na nakatingin ito sa kanya. Pero paano nito nalaman ang bagay na iyon? Sa girlfriend ba nito? O baka sa asawa?
Hindi sumasakit ang puson niya kapag dinadatnan, ngayon lang. May hinala na siya kanina pero sabi niya sa sarili hindi naman siya nagkaka-menstrual cramps.
“H-hindi ko na alam kung kailan ang huli ko, kaya hindi ko rin alam kung kailan ba dapat ako dadatnan. P-pero first time itong mangyari sa akin.”
“Okay. May gamot ka ba para sa dysmenorrhea?”
“W-wala.”
Mukhang tumayo ito dahil bumalik sa dati ang kama. Hindi na siya lubog.
“Sandali, mag-improvise na lang ako pang-warm compress mo.” Kasunod niyon ang patakbong mga yabag.
Alam na alam ni Dennis talaga. Mukhang sanay na sanay ito sa ganitong problema.
Muling sumakit ang puson niya kaya napasapo na naman siya doon.
Ilang minuto lang ang nakalipas nang bumalik si Dennis. Nakakapagtaka dahil ito lang ang labas pasok ngayon. Nasaan ang mga guard?
“Itapat mo sa puson mo para mabawasan ang sakit,” anito.
Sinunod niya ito. Bahagyang nababawasan naman kaya naipagpasalamat niya. Mabuti na lang at nasa labas lang ito.
“How’s your feeling?”
“Feeling better,” aniya.
“Thank God.”
Wow. Banal, huh. So, concern siya talaga o ekspresyon lang?
“Paano mo nalaman ang ganitong remedy? Sa girlfriend o sa asawa mo?” tanong niya mayamaya.
“Hindi dahil sa girlfriend o asawa ko kaya may alam ako. Sa mga kaibigan ko na babae ko nalaman.”
“Ah.” Hindi na niya alam ang sasabihin. Baka nagsisinunaling lang ito.
Pero sa kabilang banda ng kanyang puso, natutuwa siya.
Ilang sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan nila.
“G-galit ka ba sa akin?” anito na ikinatigil ni Sarah.
“Bakit mo natanong?”
“Hindi mo na kasi ako pinansin nakaraan.”
Hindi umimik si Sarah.
“Sarah,” untag nito.
“Ayoko nang magtiwala sa kung sino man, pati sa ’yo.”
“Why? May nagawa ba akong mali? Tell me.”
Napapitlag si Sarah nang hawakan nito ang kamay niya.
“H-hindi mo ako binalikan…” Ewan. Parang may bumara sa dibdib ni Sarah nang sabihin niya iyon.
Bigla niyang binawi ang kamay nang marinig ang mahihinang tawa nito. Nakakatawa ba ang sinabi niya? Bakit ito natatawa?
“I knew it.” Muling naramdaman ni Sarah ang kamay nito.
“Hindi ako nakabalik dahil humigpit ang security mo sa labas. Ayos na rin ang mga cctv malapit sa balcony mo. Takot akong mahuli dahil baka madamay ka.”
Maniniwala ba siya nang ganoon kadali?
Pero totoo, parang ang daming nagbago nakaraan pati ngayon.
“Narinig mo ba ako, Sarah?”
Hindi siya sumagot. Dinama lang niya ang maiinit na hatid ng kamay nito. Hinahaplos kasi ni Dennis.
“A-anong ginagawa mo pala dito? Paano ka nakapasok? Umaga na ba?” aniya, para maiba ang usapan.
“Nandito ako para bantayan ka.”
“What?” Hindi niya maintindihan ang ibig nitong sabihin.
“Ako na ang bagong bantay mo. Wala na si Emiliano.”
Kumunot ang noo niya. “So, ikaw na ang magpapainom sa akin?” Medyo tumaas ang boses niya.
“Yes.”
Sasagot sana siya nang may binong ito.
“Iinom ka ng gamot pero hindi iyong galing sa kanila,” bulong nito.
“Huh? Paano?”
“Just trust me again, Sarah. Please?” Hindi nito inaalis ang mukha sa mukha niya. Ramdam niya ang hininga nito. “Kapag binigay ko sa ‘yo, inumin mo na kasi vitamins lang naman iyon. Believe me.”
“O-okay.”
Nanlaki ang mata niya nang biglang may dumampi na mainit na labi sa kanya.
Teka, labi nga ba iyon? Bakit siya nito hinalikan?
“Good girl,” anito.
Lunok lang ang tanging nagawa ni Sarah dahil sa ginawa nito. Nagdulot kasi iyon ng kaguluhan sa kanyang laman.
“Why did you kiss me?”
“Oh. No! Hindi, a. Baka kamay ko lang iyon,” anito.
So, hindi iyon labi? Ah! Bakit parang nanghinayang siya?
“Sa labas lang ako. Kapag okay na ang pakiramdam mo, call me para maibaba ko ang warm compress na ginawa ko.”
“S-sige.”
Dinig niya ang mga hakbang nito dahil sa sapatos nito. Bigla iyong huminto kaya iniisip niyang nilingon siya nito.
Ano kaya ang itsura ni Dennis? Naroon ang matinding kagustuhan sa kanya na gusto niya itong makita. Kaya sana makatakas siya at makapag pagamot ng mata. Alam niyang hindi siya bulag. Minsan, may naaninag siya kapag bigla siyang bumangon, kaya baka may pag-asa pa siyang makakita.
“Gusto mo ba talagang makaalis dito?” Sabi na nga ba, may sasabihin ito.
“Oo. Gusto ko, Dennis!” excited niyang sambit. “Gusto ko ring malaman kung sino ang nasa likod nito.”
“One of these days, Sarah, mangyayari ito. Ayusin ko lang ang mga dapat ayusin. Just trust me. Okay?”
“I-I trust you, Dennis.”
“Love to hear that, Sarah.”
Muli niyang narinig ang yabag nito papalayo. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nasabi niyang may tiwala siya rito. Dapat hindi niya muna sinabi. Dapat patunayan mismo nito.
Lahat ng pinapainom sa kanya ni Dennis ay ininom niya. Nasabi na niyang may tiwala siya kaya pinanindigan niya. So far, hindi siya nakaramdam ng kung ano-ano sa loob ng tatlong araw, ang problema lang, ang malakas na ungol mula sa TV, tatlumpong minuto pagkainom niya ng gamot. Naiirita siya.
Hindi maintindihan ni Sarah kung bakit kailangang mag-play ng ganoong kalaswa. Dahil pinapainom siya ng ecstasy, baka may plano ang mga ito sa kanya. Mabuti na lang at pinalitan ni Dennis ang mga gamot. Pansin ni Aling Guadalupe, malaki ang pagbabago sa akin. Pero ang akala nito, dahil sa bagong gamot, hindi nito alam na iba ang iniinom niya, mula kay Dennis.
MAHIGIT kalahating oras na pero walang marinig na pagtawag si Dennis mula kay Sarah. Kaya naman pumasok siya para i-check ang dalaga. Napangiti siya nang makitang nakatulugan nito ang pag-warm compress sa puson. Nakaupo pa ito kaya inayos niya ang dalaga, pinahiga niya ito.
Naalala na naman niya ang ginawa kanina. Basta na lang niyang hinalikan sa labi ang dalaga. Hindi niya maintindihan kasi kanina ang sarili, para bang may tumutulak sa kanya para gawin iyon. Pero nahiya siya nang tanungin siya nito kung hinalikan ba niya. Hindi pa nga niya nakukuha nang buo ang tiwala nito, pinagsamantalahan na niya.
Baka kaka-titig niya sa labi nito habang nagsasalita ito kanina kaya nagawa niyang halikan.
Pero gusto niya ang ginawa. Hindi niya pinagsisihan iyon. Ito ang unang beses niyang ginawa ito sa isang babae, ang halikan nang walang paalam. Saka hindi siya humahalik basta-basta, unless nasa misyon siya.
Pagkaayos ng kumot sa dalaga ay lumabas din siya kaagad, pagakatapos ay nag-send ng signal sa headquarters na ibalik na sa ayos ang pagkaka-loop ng camera sa bahaging iyon.
Kung noon nasa labas ang bantay ni Sarah, ngayon dito na sa mismong pintuan. Para raw hindi lumabas basta-basta ang dalaga. Talagang iba na nga ang namamalakad ngayon dito.
Konting oras pa, malalaman na niya kung sino ang may gawa nito kay Sarah. Hinihintay na niya ang report mula sa headquarters. Maging ang pag-save nila sa dalawang matanda.
Naging masigla si Sarah ng mga sumunod na araw. Lagi na siyang kinakausap nito sa gabi. Parang komportable na ito sa kanya.
Dahil siya lang ang bantay, nagagawa niyang makapasok nang matagal sa silid nito para makapag-usap. Minsan naman, nag-uusap silang bukas ang pinto. Ganoon na sila kalapit sa isa't-isa. Nakakangiti na rin ito nang matamis. Lalo tuloy itong gumanda sa kanyang paningin.