(BRANT POV)
“WALA ba talaga kayong magagawang paraan para mahanap siya? Ilang buwan ko nang pinapatrabaho sa inyo ‘yan, hindi ba? Hanggang ngayon ba wala pa ring resulta?” sunud-sunod na tanong at sermon ni Brant sa kausap sa kabilang linya.
“We’re doing our best, boss,” sagot naman ng tauhan niya. “Nakailang balik na rin ang mga tao natin sa mga dating tinirhan ni Miss dela Cruz, pero wala pa ring makapagsabi sa mga dating kapitbahay niya kung saan na siya lumipat.”
“Kahit kaunting bakas lang sana, Chris. Kung kailangang isa-isahin n’yong puntahan ang lahat ng Iris dela Cruz sa buong Pilipinas, gawin n’yo. Keep digging. Hindi kayo pwedeng tumigil hangga’t hindi n’yo siya nahahanap.”
“Okay, boss.”
He ended the call and put his cellphone inside his pocket. He exhaled. Hindi siya pwedeng mawalan ng pag-asa. He needed to find her. Gusto niyang malaman kung ano nang kalagayan ngayon ng dating kababata. Fifteen years had passed and he never had forgotten about her. She’s his first love. She treated him as family. Si Iris ang dahilan kaya naging makulay at makabuluhan ang ilang taong pagtira niya noon sa isang bahay-ampunan.
“Hi, there!”
Naistorbo ang pagmumuni-muni ni Brant nang marinig ang malambing na pagbati ng isang babae. He was sure it’s for him. Nag-iisa siya sa balcony. Sanay na rin siya sa mga babaeng lumalapit na lang basta sa kaniya.
Naramdaman niya ang pagtayo ng babae sa kaniyang tabi. He could smell the sweet and seductive scent of her perfume. Patamad na lumingon si Brant upang matigilan lang sa nakitang mukha. His brows slightly creased.
“I didn’t know you’re here. Kaya pala hindi kita makita sa ibaba.”
Hindi siya agad nakasagot. Pinagmasdan niya pang mabuti ang mukha ng babae. Isang bagay ang rumehistro sa memorya niya. Ito ang babae na hiningian niya ng tulong noong nakaraang gabi.
“Why is that look? Is there something wrong with my face?” bahagyang nakangiting tanong nito.
“Nothing,” matipid na sagot niya. He tried to analyze the woman. Sigurado siyang hindi siya nakilala nito dahil nakamaskara siya noong gabing iyon. But why did she seem comfortable with him? Wala lang ba itong makausap kaya siya nilapitan?
“Bakit ka nag-iisa rito?”
He shrugged. “Wala naman. May iniisip lang.”
She laughed softly. “You know what I learned? Dalawang bagay lang daw ang pwedeng dahilan kapag nag-iisip nang malalim ang isang lalake- it's either tungkol sa negosyo o tungkol sa babae.” She was looking directly to his eyes while saying that.
Palihim na umismid si Brant. “Really?”
“Yeah. And I think I could guess what's on your mind right now."
Umangat ang mga kilay ni Brant. "Hmm? Sige nga."
"Kapag tama ang hula ko, ano namang reward ko?"
"Reward?" Nagusot nang bahagya ang noo niya. "Oh. What kind of reward?"
Marahan na namang natawa ang babae. And he noticed how she slightly blushed. "I'll think about it later. Don't worry. Sigurado naman akong madali lang para sa'yo ang hihingin kong premyo."
Brant was amused, but he was still thinking twice accepting the small challenge. Baka mamaya ay kung anong hingin nito. Baka mamaya ay may iba pang pakay ito. And he couldn't trust anyone easily.
"Game?" Naghahamon na ulit ang tono ng babae.
He shrugged. Ayaw niyang lumabas na duwag kahit pa iyon ang tingin sa kaniya ng sariling ama at kapatid. "Alright. Go ahead."
"Negosyo ang iniisip mo."
Brant couldn't help, but chuckled. She guessed it wrong, pero ayaw muna niyang i-disappoint ito.
"Tama ako? Of course! Bakit ka naman magsasayang ng oras na isipin ang isa lang babae kung marami ka namang... options?" wika nito at tahasang ibinaba ang tingin sa bibig niya kasabay ng pag-awang ng mapupulang labi.
Hindi naman alam ni Brant kung anong isasagot. The woman is very pretty, but too confident for his likes. She’s not good for his ego. Mas gusto niya ang babaeng simple at medyo mahiyain. Mas gusto niya na siya ang naghahabol at nagpapakita ng motibo.
“Has anyone told you that you have a pair of beautiful eyes?” tanong nito gamit ang mas pinalambing na boses.
Tumaas nang bahagya ang mga kilay ni Brant bago sumagot. “I’ve lost count of them, actually.” He was only telling the truth.
“I’m sure,” sagot nito at malagkit siyang tiningnan sa buong mukha. “King.”
Nagsalubong ang mga kilay ni Brant. Mahina lang ang pagkakabigkas sa pangalan, pero hindi nakaligtas sa pandinig niya. Hindi rin niya naiwasang kabahan nang bahagya. “W-what did you say?”
The woman chuckled sexily. “That’s the name of the hero in my favorite romantic novel. King.”
Natigilan siya sandali bago marahang nagbuga ng hangin. Of course. Sino bang nakakakilala kay King ng Black Knight Family? Sino bang nakakaalam ng iba pang pagkatao niya? Even his own family didn’t know his true identity.
“You want to hear their story?” she asked.
“Well…”
Hindi na nito hinintay ang sagot niya. The woman started to tell the summary of the story and Brant just pretended to be interested. Sinamantala niya na lang ang pagkakataon para aralin ang mukha nito. It’s just amazing that she really looked like her. Pero sa ipinakikita ngayon ng babae ay malabong ito nga ang kababata niya.
“I always feel jealous of their love story. Imagine how it all began. A complicated situation- King as a wealthy and married man, and Helena being his poor servant. I admire the courage of the heroine, and I fell in love with King protecting Helena from all the people. Ilang beses ko na ‘yong binasa, pero iisa pa rin ang pakiramdam ko pagkakatapos kong basahin.”
“Hmm… ” tanging sagot ni Brant. Interesting, but he never heard about the book. Baril ang libangan niya at hindi libro.
"And you know what? I always imagine what the hero looks like if he's real. Ilang taon ko na siyang hinahanap sa mga lalakeng nakilala ko, pero wala akong makitang kagaya niya.”
“But tonight, it is different,” The woman continued as she raised her hand and her fingers began touching her neck. “May palagay akong nagkaroon na ng mukha ang dating imahinasyon ko lang. I think I found the real King," saad pa nito sa namumungay na mga mata.
"Oh, really?" Umangat ulit ang mga kilay ni Brant.
Hindi sumagot ang babae. She enclosed the space between them. Itinaas nito ang kamay sa dibdib niya at inilapat doon. She found his eyes again. “This night is really getting boring. What do you think?”
He met her gazes. Ayaw niya sa mga ganoong tipo ng babae, pero aminado siyang nagagandahan dito. “Well...”
“Do you think it’s better if we can go somewhere… more private?” suhestiyon nito kasabay ng paglalandas ng mga daliri sa dibdib niya pababa. Natigilan nang bahagya si Brant. Maya-maya ay lumipat ang kamay nito sa kaniyang braso.
Hindi nakapagsalita si Brant. He was now torn between frustration and annoyance. Memoryado na ni Brant ang klase ng galaw ng babae. Why, a gold-digger just spotted her, making him the target. Would he play along? Tutal ay pera lang naman ang gusto nito.
The woman started touching his hand. Nakayuko ito at hindi niya masyadong nakikita ang mukha. But he was surprised when she suddenly withdrew. Binitiwan siya nito at daig pa ang napaso.
“What’s wrong?” he managed to ask, kahit naiinis siya sa kagarapalan nito.
Tumingala sa kaniya ang babae at nakita niya ang bahagyang pamimilog ng mga mata nito. She also looked confused.
“Iris?”
Nagusot ang noo ni Brant nang marinig ang pangalang binanggit. Lumingon ang babae sa nagsalita. At nakita niyang mas nagulat ito nang magtapuan ang asawa ng kakambal niyang si Rui.
“E-Eva?” she uttered.
“Iris, what are you doing here with Brant?” kunot-noong tanong ni Eva habang palapit sa kanila.
Lumipad ang tingin sa kaniya ang babae at kaagad na dumistansiya. Pero hindi ang reaksiyon nito ang ipinagtaka ni Brant kundi ang pangalang sinasambit ni Eva.
Iris? Siya ba talaga si Iris? Ibig sabihin ay hindi siya nagkamali.
“O-oh, I- uhm… I felt dizzy while I was walking. Naparami kasi ang ininom kong wine kaya… nagpahangin ako sandali,” paliwanag nito at saka siya nilingon. Palihim na umismid si Brant.
“I see. By the way, have you met Brant, Rui’s twin brother?” tanong ni Eva sabay turo sa kaniya. “And Brant, please meet Iris Devoma, my distant cousin.”
“Hi, Iris!” Maagap si Brant na inabot agad ang isang palad dito. He pretended to be cool although something was becoming clear to him now. Napagkamalan siya nito na si Rui kaya siya nilapitan. But why the flirting?
“H-hello, Brant. Nice to meet you.” She grinned at him as she shook his hand. Bakas sa mukha nito ang pagkadismaya.
He narrowed his eyes. Mukhang target talaga nito ay ang kaniyang kakambal, pero nagkamali ng nilapitan. Siguradong nakakita ito ng oportunidad dahil mapera at maimpluwensiya si Rui na siyang tumatayong CEO ng family business nila. Disgusting. A real gold-digger. How did Iris turn into this low?
“We’ll go ahead, Brant. Ihahatid ko pa si Iris sa hotel niya,” paalam ni Eva.
He smirked. “Sure.”
Nilingon naman ni Iris si Eva. “I need to go to the rest room. Can we just meet me at the entrance?”
“Sure.” Seryoso ang mukha na tumango si Eva at lumingon sandali sa kaniya bago tumalikod.
Hindi naman nakaligtas kay Brant ang bahagyang pagsimangot ni Iris nang makaalis na ang asawa ng kakambal niya. He chuckled. Mission failed, Iris?
“What’s funny?” biglang tanong ni Iris na nahuli pala siya.
He wasn’t bothered. Tumuwid siya ng tayo at humarap dito. "Iris Devoma. Eva's distant cousin."
"Yes, that's right. And why is that tone?"
Ngumiti siya. Kasabay ng panghihinayang, hindi rin niya naitago ang inis para sa kakambal. Bakit lahat na lang ng tao ay si Rui ang gusto? As if he was not existing.
"Wala naman. Napansin ko lang na wala kayong similarities ni Eva. But of course, as distant cousins, that’s no wonder. Anyway, it’s also nice meeting you."
Ngumisi ito. "Thanks. And by the way, gusto ko lang sabihin na walang ibang kahulugan ang mga kilos ko kanina. Gaya ng narinig mo, masyado akong maraming nainom na wine. I have a tendency to become too friendly kapag napapasobra ng inom. I hope it’s clear to you."
He scoffed. "I'm not quite sure. Considering na wala lang sa akin ang mga paghawak-hawak mo kanina, baka ikaw lang ang nag-iisip na binigyan ko 'yon ng kahulugan."
Nabura nang tuluyan ang katiting na ngiti sa mukha ni Iris. "I must be going.”
Tinalikuran siya nito at tuluyan na ngang umalis. Nang matiyak na nakababa na ulit ito ay kinuha ni Brant ang cellphone at tumawag sa assistant. Sinagot naman siya agad ng lalake.
"I need you to find everything about Iris Devoma."
"Iris Devoma?” ulit ng nasa kabilang linya. “Is this a different person from Iris dela Cruz.”
“No, Chris. Iisang tao lang sila. Apparently nagpalit ng apelyido si Iris kaya tayo nahihirapang hanapin siya. Do a background check on her. I’ll send you the details later.”