CAMILLA Ang laki ng kama pero tiniis kong matulog ng mag-isa. Sinabi ko kay Jared na kung ayaw niya sa sahig matulog doon siya sa kabilang silid tutal marami namang bakanteng kwarto na hindi ginagamit gaya ng guest room pero ayaw niya. Pinili niya ang matulog sa lapag kasama ako dito sa silid. May bahagi ng puso ko ang na-gu-guilty lalo na at kan'ya ang kwarto na ito kaya lang hindi ako pwedeng maging mahina sa ngayon kaya tiniis ko. Hindi naman ako masamang tao at mahirap maging matigas pero gagawin ko ito para sa sarili ko. Mariin na pumikit na lang ako at sinubukang matulog. Alam kong gising pa si Jared pero hindi siya nagtangkang kulitin ako. Ito ang isa sa mga ugali niya na alam kong nagustuhan ko. Ang haba ng pasensya ng lalaking ito at kahit alam kong ayaw niya ay pinagbigyan