CHAPTER 33: DALI-DALING HINATAK NI Spencer ang kamay ni Lindsay saka hinawakan sa beywang para mailabas mula sa sasakyan. Mabilis na sumunod si Greg at hahablutin sana si Lindsay pabalik ngunit hindi na niya na nagawa nang tampalin ni Spencer ang kamay ni Greg. “Anong ginawa niya sa ‘yo?” matapang, may halong galit na tanong ni Spencer kay Lindsay. “H-he. . . He attempted to r-rape me,” Lindsay said. “Ano? Anong rape ang sinasabi mo?!” gulat na tanong ni Greg. Spencer quickly grabbed Greg’s collar then pulled him out of the car. Gulat at halos masubsob si Greg dahil sa ginawa ni Spencer. “Tangina! Ano ba?!” pagrereklamo nito. “Halika.” Lindsay stepped back, hindi siya makakibo dahil hanggang ngayon ay nararamdaman pa rin niya ang panginginig at takot sa muntikan nang gawin sa kany