CHAPTER 34: KAAGAD NA INAWAT ng mga pulis si Spencer bago pa man mas malaking damage ang magawa niya. Nakailang suntok din siya kay Greg na naging dahilan para dumugo ang ilong nito. Greg wants to put him in jail but Lindsay told him not to. If he pushed to file a case against Spencer, she would file attempted rape case as well. “Ano ba kasing nasa isip mo? Bakit ayaw mo siyang ipakulong?” naiiritang tanong ni Spencer matapos humigop ng kape sa paper cup. Lindsay sighed while looking at the cup of coffee she was holding. “Wala akong laban, he has a lot of money. He can pay for a good lawyer while I can’t. Hindi na ako magsasayang pa ng oras at pagod para pumunta sa hearing.” “Paano kung after fifteen days, bumalik siya at ganoon na naman ang gawin niya sa ‘yo?” “I know Greg, he wouldn