KABANATA 3

687 Words
Kakauwe lang nila Tiya Carmen galing Parlor nakaluto na ako ng hapunan, habang si Kuya Leo naman ay umalis at may pupuntahan daw. "Tiya, Megan nakahain na po ang hapunan!" Tawag ko sakanila. "Hmm.. Ang bango naman, ano ba iyang niluto mo?" tanong ni Megan na naupo na sa hapag. "Afritadang manok 'yan, sige kain na." Nakangiti kong sabi. Tumingin muna s'ya sa akin saka umismid." Pakikuha mo nga ako ng tubig." Utos nito habang nagsasandok ng kanin.. "Ah, sige teka lang ha." Agad naman akong lumapit sa refrigerator at naglabas ng Isang pitsel ng tubig. "Oh eto na." Binaba ko sa lamesa ang pitsel at tangka na sanang uupo sa silyang para sa akin nang pigilan ako ni Megan. "Opps, teka pwede mamaya kana sumabay? Kasi may bisita akong darating. Actually padating na s'ya, kaya mamaya ka nalang kumain pwede?" Sinipat pa nito ang itsura ko na suot ang lumang bistida ni Tiyang. Nagulat man sa kaniyang tinuran ay hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya. "Sige sa kwarto muna ako, pag may kailangan kayo tawagin n'yo lang ako." Mahina kong sinabi. Kahit kalam na kalam na ang sikmura ko sa gutom ay nakuha ko pa ring ngumiti dito. "Sino kaya ang bisita ni Megan?" Kunot ang noong tanong ko sa sarili. "Tristan!" Malakas na sigaw ni Megan ang naulinigan ko kaya agad namang kumabog ng malakas ang dibdib ko sa narinig. Gustohin ko mang lumabas ay hindi ko ginawa baka kasi magalit sa akin ang huli kaya minabuti kong maupo sa aking papag na higaan. "Oh, Tristan, lalo ka atang gumwapo ngayon, ha?" Rinig ko pa ang boses ni Tiyang Carmen sa labas. "Naku, hindi naman po." Dumagundong ang puso ko nang marinig ang malaki n'yang boses. It's him. Hindi ako pwedeng magkamali, si Tristan nga ang dumating. "Sige,!kain na at shot-shot tayo pagka yari," ani Kuya Leo Nagmamadali akong humarap sa salamin para sana mag-ayos ng sarili, ngunit para lang madismaya sa huli dahil sa suot kong duster na pinaglumaan ni Tiya. May butas pa ito sa bandang tiyan at halatang may tahi na sa ibang parte pa niyon. Kulang nalang ay hubarin ko ito at gawing basahan dahil sa sobrang luma ilang tagpi sa damit.! Napabuntong hininga ako sa isiping wala akong magandang damit na maisusuot. Hindi ko tuloy maiwasang maawa sa sarili kahit matinong damit kasi ay 'di ako makabili. Puro pinaglumaan nalang nila ang napupunta sa akin. "Ahh.. si Laurenne po Aling Carmen? nand'yan po ba sya? Inimbitahan kasi siya ni Inay kanina pero hindi siya nakarating." "Naku, baka natutulog na iyon, maaga pa kasi kami mamaya sa palengke baka kaya nakatulog na." Nabubulol na saad ni Tiya. Bigla akong nalungkot sa narinig, alam ko namang gusto ni Tiyang Carmen si Tristan para kay Megan at halata namang may gusto rin si Megan dito, kaya kahit anong gawin ligaw sa akin ng huli e, hindi ko ito magawang sagotin, dahil baka magalit lang sa akin ang mag-ina at baka palayasin lang ako sa bahay, bagay na ayokong mangyari. Wala akong nagawa kundi hintaying maka alis si Tristan, pero mukang mag-iinom pa sila nila Kuya Leo kaya baka hanggang mamaya pa ako makakain. Gutom na gutom na ako, naririnig kong kumukulo na ang tiyan ko dahil hindi naman ako nakakain ng maayos kaninang tanghali dahil kay Kuya Leo. Nang mapatuwid ang upo ko nang marinig ang mahihinang katok mula sa labas. "Laurene." mahinang boses na tawag ni Megan sa kabilang pinto. Agad ko iyong binuksan. Bumaba ang tingin ko sa dala nitong tray ng pagkain. "Ssshh, wag ka maingay, kumain ka na diyan at wag mo masubok-subokan lumabas at malilintikan ka saakin." Nanlalaki ang matang sabi nito. "Salamat sa pagkain" Matabang kong sagot sa kanya. "Galit ka?" Mataray na tanong nito na nakapamewang na ngayon sa akin. "Ako? Naku, hindi ah, natutuwa nga ako at dinalhan mo pa ako nang hapunan dito sa kwarto ko." Ngiting ngiti kong sagot sa kanya. Umirap lang ito sa akin saka ako tinalikuran at pabalang na isinara ang pinto. Tahimik akong kumain, naririnig ko pang nagtatawanan sila Tristan at Megan na nagpapasikip ng dibdib ko dahil sa ngitngit. Mabilis kong tinapos ang pagkain at nag pasya nalang matulog. Nakakahinayang na hindi ko man lang nakita si Tristan pero may ibang araw pa naman bulong ko sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD