Kabanata 2
Binagsak ko ang patang katawan sa malambot na kama, pagod at antok na antok pa ako dahil ilang oras palang talaga ang tulog ko.
Nang muli akong napadilat dahil sa sunod-sunod na katok sa pinto. Umikot ang mata ko bago bumangon at tinungo ang pinto para buksan.
Si Megan ang nabungaran ko..
"Laurene, matutulog ka naba?" Agad na tanong nito.
"Oo sana Megan, may kailangan kaba?" Bahagyang nag taas ito nang kilay sa tanong ko.
"Diba ngayon ka mag lalaba? Pakisama mo na din itong bagong damit ko. Pwede paki ayos lang ang kusot baka masira mahal pa naman ang bili ko diyan." Naka taas parin ang kilay na sabi nito saka hinagis sa akin ang damit..
"Sige Megan iaayos ko ang laba, may kailangan ka paba?" Tanong ko pa sa kaniya.
"Hmm..wala na" Saka ito nag lakad palayo..
Sinara ko ang pinto, matapos ay nahigang muli sa kama, hanggang sa hilahin na ako ng antok..
"Mama?"
Nakita ko itong naglalakad saakin palayo. Lumingon ito at nakita kong ngumiti saakin pero hindi ko ma mukaan.
Tumakbo ako palapit sa kaniya, ngunit habang hinahabol ko siya ay mas lalo lamang itong lumalayo..
Kahit tagaktak ang pawis ay pinilit ko parin siyang hinahabol hanggang sa mawala ito sa paningin ko.
"Mama!" Pawisan akong bumangon, habang hinihingal, nag unahan namang pumatak ang luha ko sa pag aakalang totoo iyon lahat. Ilang araw ko nang napapanaginipan ang aking Ina na tila may gusto ipahiwatig.
"Mama" bulong ko ulit habang nagpupunas ng luha, nang may tumawag sakin mula sa labas ng kwarto..
"Erene? ano bang nangyayare dyan?!" Malakas na katok ni Tiyang sa pinto.
"Ah wala po Tiyang" Sagot ko naman sa mababang boses.
"Kung ganon eh, umpisahan mo nang mag laba at aalis na kami nitong si Megan mag luto ka din ng tanghalian at baka umuwe ng maaga si Leo, magagalit nanaman ang walang hiyang iyon pag nadatnang walang pagkain sa lamesa.." Mahabang nitong sabi.
"Opo."
"Sige, ikaw na bahala sa bahay,maglinis ka nadin at amoy alak nanaman dito sa bahay, lintek na Leo yan!"
Araw-araw kasi kung uminom si kuya Leo at di ito nakukuntento habang di pa siya solve.
"Sige po tiyang, mag-iingat po kayo!" Agad ko namang sabi..
Lumabas na ako ng kwarto at inumpisahan ang gawaing bahay, Nasanay na din ako, dahil halos araw-araw sa loob ng isang linggo ko gawin ang mga bagay na ito..
Di naman ako reklamador, dahil masaya akong gawin ang gawaing bahay. Halos ubosin ko na nga ang buong araw ko sa pag aasikaso lang sa kanila.
Kahit ang tingin nila saakin ay hamak na palamunin lang, ay wala silang naririnig mula saakin.
Maliksi kong tinapos ang mga gawain ko, nakapag laba na ako at nakapag luto, katatapos ko lang din maglinis, nang dumating si kuya Leo.
"Erene!" Sigaw nito saakin mula sa pinto..
"Kuya Leo nandyan kana pala, kumain ka na, nakapag luto na ako ng tangahalian." Sinulyapan ko ito mula sa kusina.
"Gutom na nga ako" Pabalibag nitong inihagis ang sapatos sa sala, saka naupo at humarap sa lamesa..
Tahimik ko s'yang pinaghain, hindi ko magawang tumingin sa kanya dahil alam kong nakatitig s'ya sa akin..
Nang biglang hinawakan nito ang kamay ko, nabigla naman ako sa ginawa niya at hinila ko ang kamay ko pero mahigpit ang pag kaka hawak nya doon.
"Kuya Leo nasasaktan ako." Naka ngiwi kong sabi sa kanya..
Naka ngiti lang ito at naka titig sa akin. Nilapit pa niya ang muka sa bandang leeg ko at inaamoy amoy iyon.
"Hmm.. ang bango mo talaga Insan" Sabi nito na nilabas pa ang dila saka tumawa ng malakas. Nanlalaki ang mata ko sa mga tinuran nya, para naman akong na tulos sa aking kinatatayuan..
"Alam mo Laurene maganda ka sana kaso, losyang ka, tignan mo yang suot mo? wala ka bang ibang damit kundi puro iyan?"
Di parin ako makapag salita sa sobrang gulat.
"Lage mo nalang suot yang lumang duster ni Inay, kaya ka na lolosyang" iiling iling ito saka inumpisahan na ang pag kain.
"Oh ano pa ginagawa mo d'yan? pwede ka nang umalis nakakawalang gana ka tsupi!" Na minuwestra pa ang kamay para itaboy ako..
Bigla naman akong nahimasmasan at agad na umalis at tumungo sa aking silid. Dali-dali ko itong ni lock at sumandal sa likod ng Pinto..
Di ko mapigilang maiyak dahil sa nanyare kanina.. Ngayon lang ginawa sa akin iyon ni kuya Leo at iyon ang nagpakaba nang husto saakin.
Matapos maligo ay naupo ako sa sala para manuod ng T.V lumabas naman sa kanyang silid si kuya Leo at tumabi sa akin sa panonood.
Medyo na asiwa ako sa tingin niya saakin kaya umusod ako ng kaunti..
"Hmm.. Ang bango ha, pag ganyan palage ang ayos mo gaganahan akong mapirmes dito sa bahay." Na hinagod pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Inirapan ko lang siya at nagpatuloy sa panunuod..
"Umuwe na pala yung masugid mong manliligaw kanina." Na nag de kwatro nang upo sa tabi ko.
"Oo nga daw sabi ni Aling patring" Sagot ko na di inaalis ang tingin sa telebisyon.
"Kung ako sayo sagutin mo na iyon habang maaga pa, para naman kahit papano'y lage may nag papainom saakin." Na tumatawa pa.
Di ako umimik sa sinabi niya kahit pa di ako sang ayon doon.
"Hoy wag kang choosy, sa panahon ngayon Utak na ang dapat paganahin di na puso" Saka ako dinuro duro sa sintido.
"Aray ko kuya!" Sabi ko na naiirita na.
"Mamaya nga aayain ko iyon dito para makatikim naman ng katas Tate" Tatawa tawa pa ito, saka humarap sa TV.
Wala akong nasabi sa tinuran niyang iyon. dahil bigla ang kabang naramdaman ko sa isiping mag kikita kami ni Tristan mamaya.