NAKAHINGA si Soffie nang maluwag nang marinig niya ang dalawang security guard. Malakas siyang sumigaw upang makita ng mga ito. Kaagad naman lumapit ang dalawa at inalalayan siyang tumayo. Nagdurugo ang sugat sa kaniyang tuhod, bahagyang napunit ang damit sa kaniyang balikat at nagdurugo rin maging ang mga siko. Maigi na lamang at hindi tumama ang kaniyang mukha, kundi ay siguradong nabasag ito. Malalim siyang napabuntong hininga nang mailagay ang huling bandage sa kaniyang siko. Nananakit ang kaniyang katawan. Naalala niya ang unang pagtatangka sa kaniya ng isang sasakyan noon. Tila naulit ang pangyayari ngunit sa pagkakataong ito ay mag-isa lamang siya at hindi niya kasama si Nick. “Soffie! Goddammit!” Lumapit ang nag-aalalang si nobyo sa kaniya. Pagkatapos ibalita ng isa sa mga empleya

