NAUPO si Soffie sa gilid ng kaniyang kama. Malalim siyang napabuntong hininga. Lumabas si Nick saglit at nagpaalam na may gagawin. Samantala naiwan siya sa kaniyang silid at inip na inip. Ss tuwing sisilip siya sa balkunahe ng kaniyang silid ay makikita sa baba ang mga tauhan ni Nick. Hanggang paglabas niya ng silid ay nakahilera rin ang mga ito sa hallway. Napakamot siya sa kaniyang batok. Hindi niya alam kung ano bang gagawin niya upang abalahin ang sarili sa loob ng silid. Napapaisip din siya kung ano ang gagawin ni Nick at sinama nanaman nito si Luke. Magkasunod na katok ang narinig niya mula sa pintuan. “Ms. Soffie.” Kaagad siyang tumayo at pinagbuksan ang isang kasambahay. Kumunot ang kaniyang noo nang makita ang hawak nitong palumpon ng mga rosas. “Ano po ‘yan?” “Pinadala raw

