NINONG SENATOR 2

1882 Words
Lorna's POV Kararating ko lang kaya pinagmamasdan ko muna ang malawak na hardin ng kumbento. Tanging huni ng mga ibon at marahang pag-ihip ng hangin ang pumupuno sa katahimikan dito. Sa susunod ito na ang tahanan ko. Masaya naman ako dahil ito naman talaga ang pangarap ko. Gusto kong maging madre. Hindi ko akalaing darating ang araw na babalik ako rito hindi bilang isang anak ng scholarship benefactor. Napabuntong-hininga ako nang marinig ang marahang yabag sa likuran ko. "Lorna." Napalingon ako. Nakita ko si Sister Agnes. Nakangiti ito ng banayad sa akin habang hawak ang isang rosaryo. "Mother Superior wants to see you," mahinahon niyang sabi. Balang araw masusuot ko na rin ang kasuotan nila. Handang-handa na akong maglingkod sa Diyos. Excited na ako. Nilapitan ko si Sister Agnes. Sabay kaming naglakad. Pagpasok namin sa opisina ng Mother Superior, agad akong sinalubong ng matamis nitong ngiti. "Come in." Lumapit ako at maingat na umupo sa bakanteng upuang nasa tapat niya. "Nabalitaan ko ang nangyari sa pamilya mo." Bahagya akong napayuko. "Bankrupt na po ang negosyo nina Mama at Papa." Ilang sandali siyang natahimik bago muling nagsalita. Nalulungkot rin ang kaniyang mukha. "I know this is difficult for you. Nalulungkot ako sa nangyayari, my child. Hindi namin makakalimutan na isa sa mga tumulong ng kumbento ay ang mga magulang mo." "Plano sana nilang suportahan ang pag-aaral ko rito hanggang sa makapagtapos ako. Pero... wala na po silang kakayahan ngayon, Mother superior." Ramdam kong bumigat ang dibdib ko habang binibigkas ang mga salitang iyon. Hindi ko inakalang ang mga magulang kong dating kilalang negosyante ay mawawalan ng lahat sa loob lamang ng ilang buwan. Marahan niyang inabot ang kamay ko. "Your parents came here yesterday." Napatingin ako sa kaniya. "They asked if we could continue guiding you. Sinabi nila... gusto pa rin nilang matupad ang pangarap mong maglingkod sa Diyos." Hindi ko napigilang mapayuko habang unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko. "Pero wala na po silang maibabayad pa sa pag-aaral ko." "Hindi lahat ng bagay ay nadadaan sa pera, iha." Nag-angat ako ng tingin. "Napagdesisyunan ng kumbento na tanggapin ka bilang resident trainee. Dito ka na titira habang ipinagpapatuloy mo ang iyong formation at pag-aaral." Hindi ako agad nakapagsalita. Akala ko kasi hindi na ako makakapag-aral pa. Expectation kong maglilingkod na lang ako rito ngunit ito makakapag-aral pa rin pala ako. "Tomorrow, lumipat ka na rito at ipagpatuloy mo ang pag-aaral mo." Napasinghap ako. Napatayo sa sobrang tuwa. "S-salamat po." "Ihahanda na namin ang silid mo. Magiging bahagi ka na ng aming komunidad. Kasabay ng pag-aaral mo, matututo ka rin ng disiplina at paglilingkod sa Diyos." Sa sobrang tuwa ko ay niyakap ko si Mother superior. "Iha, nasasakal ako." napaubo siya. Kumalas naman agad ako sa kaniya. "Sorry po, Mother superior. Salamat po ulit. Excited na po akong tumira dito at makasama kayo. Sigurado akong marami pa po akong matutunan dito." "Kami rin, iha." ---- Ang lapad ng ngiti kong nilisan ang kumbento. Hindi na talaga ako makapaghintay. Sobrang excited na akong makilala kung sino man ang makakasama ko doon. Kung puwede nga lang umaga na para makaalis na ako ng bahay. Palagi na lang kasi nag-aaway sila Mama at Papa. Walang araw na hindi sila nagtatalo dahil sa nangyayari sa buhay namin ngayon. Naghihirap kami dahil sa pagbagsak ng aming kompanya. Hindi ko nga alam kung pinagbigyan ba si Papa ni Ninong na pahiramin ito ng pera. Kanina lang ng umalis ako ng bahay nagtatalo sila kaya sigurado akong hindi nakahiram ng pera si Papa sa ninong ko. Napakalaki naman kasi ng hinihiram niya. Nandito na ako sa labas ng gate. Sumakay na ako ng taxi dahil kanina puno lahat ng jeep na dumadaan sa akin. Yung allowance ko nagastos ko pa tuloy. Pero ayos lang. Kapag nasa kumbento na ako hindi ko na kailangan 'yon. Huminga akong malalim bago tuluyang pumasok sa loob. Hindi ko lang sana madadatnan ang Mama at Papa kong nag-aaway. Pakiramdam ko kasi tuwing nag-aaway sila nagdadala ito ng malas sa bahay. Kapapasok ko lang ng pintuan ng marinig ko ang boses ni Mama. Sabi ko na nga ba nag-aaway na naman sila. "Lucio! Hindi mo puwedeng ipadala ang anak natin sa ninong niya! Gusto niya sa kumbento kaya hayaan na lamang natin siya!" sigaw ni Mama. Napatakip ako ng bibig. Ano? Balak ni Papa na ipadala ako sa ninong ko. Akala ko ba, pumapayag na siyang doon ako sa kumbento. Iyon ang pangarap ko. Ayokong pumunta sa ninong ko. "Claudia! Mas mapapabuti ang anak natin sa ninong niya. Doon pag-aaralin siya sa kolehiyo. Magiging spoiled ang anak natin sa ninong niya. Ibibigay lahat ng ninong niya ang lahat ng kaniyang gusto." Napailing si Mama habang ako naiiyak na nakikinig sa kanila. Napag-usapan na namin ang lahat. Pumayag silang pareho na sa kumbento ako pero bakit biglang nagbago ang isip ni Papa? "Hindi ako pumapayag, Lucio! Malayo 'yon. Hindi natin madadalaw ang anak natin palagi." "Malaki na ang anak mo, Claudia. Kaya niya na ang sarili niya. Ang isipin natin ngayon kung paano natin masasalba ang kompanya na nalulugi na." napabuntong hininga si Papa. "Pinahiram ako ni Leandro ng pera ngunit ang kapalit ay si Lorna." mahinang bitaw ni Papa. Muli akong napatakip ng bibig. Akala ko mabait ang ninong kong 'yon. Pero bakit may kapalit. Masama pala siyang tao. Bakit kailangang may kapalit? Anong mapapala niya sa akin? Mabibigatan pa siya sa gastusin. Bukod sa ipahihiram niyang pera kay Papa mapapagastos pa siya sa akin sa kolehiyo. "Tama ba ang narinig ko, Papa?" naiiyak na tanong ko. Hindi ko na napigilan pa na lumabas sa pinagtataguan ko. Sabay silang napalingon sa akin. "Lorna..." sambit ni Mama habang si Papa ay nakatingin lang sa akin. Nasapo rin nito ang noo. "Papa, akala ko ba pumapayag na kayong doon ako sa kumbento? Pangarap ko po 'yon Papa ayaw ko doon sa Ninong ko. Please...Papa payagan niyo ako." tumulo na ang luha ko. Kanina lang kasi ay excited ako pero ngayon sa mga narinig ko. Biglang nawala ang excitement ko. Lalo na ipadadala pala nila ako sa ninong ko. Hindi ko pa nga nakikita 'yon sa personal. Ngayon ko lang siya nakita. Sa TV at video call pa. "Iha, hindi ako papayag na ipapadala ka ng Papa mo sa ninong mo. Sige na, umakyat ka na sa kwarto at ayusin ang mga gamit mo. Bukas na bukas din ay aalis ka at pupunta ka sa kumbento. You have my full support, iha." Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Mama. Mabuti na lang nandiyan si Mama na hindi kinukonsenti ang gusto ni Papa. Hindi na rin naman nakapagsalita pa si Papa kaya sinubukan ko na silang talikuran. Umakyat ako ng hagdan. Nang makalayo ako ay narinig ko na naman ang kanilang pagtatalo. Tinakpan ko na lamang ang tainga ko at tinahak ang aking kwarto. Pagdating nga sa aking kwarto ay inayos ko kaagad ang aking mga gamit na dadalhin sa kumbento. Isang maleta lang 'to kaya sandali ko lamang naayos. Nakahanda na rin ang susuotin ko. Pagkatapos ko ngang mag-ayos ay napahiga na ako sa kama. Napatitig sa kisame. Mamimiss ko itong kwarto ko. Iiwan na kita bukas. May bagong kwarto na ako. Tumigilid ako at sinubukang ipikit ang aking mga mata. ---- "Lorna..." Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Hindi ako puwedeng magkamali, boses ni Papa 'yon. Pagmulat ko ay siya nga ang nakita ko. Napabalikwas ako ng bangon at kaagad napatingin sa wall clock. "Papa! Bakit hindi niyo po ako ginising?" reklamo ko habang inaayos ang aking kama. Napakamot na rin ako sa aking batok. "Maaga pa naman. Maligo ka na. Aalis ka na mamaya maya." "Opo, Papa." Nilapitan ko siya at hinalikan sa pisngi. "Papa, please, huwag na po kayong mag-away ni Mama." inayos ko ang kwelyo ng polo niga. Ngumiti lamang siya at tumango. "Gagawin ko 'yang sinasabi mo anak." "Thank you, Papa." muli akong tumingkayad upang halikan ulit siya sa pisngi. Mabuti na lamang at pumayag rin si Papa. Wala rin siyang nagawa kay Mama. Ngayon nga ang pag-alis ko patungong kumbento. Nang makaalabas si Papa ay nagtungo kaagad ako sa banyo upang maligo. Binilisan ko lang ang pagligo ko. Mga ilang minuto natapos rin kaagad ako. Nakahanda na ang isusuot ko kaya hindi na ako nahirapan pa maghanap. Isang mahabang palda at longsleeve ang sinuot ko. Naglagay lamang ako ng pulbo sa mukha at light lipstick. Tama lang para hindi magmukhang nakababad sa suka ang aking labi. Pinagmasdan ko ang sarili sa malaking salamin tsaka umikot-ikot. Tamang-tama na ang suot ko. Sinuot ko na ang flat sandals ko tsaka kinuha ang aking maleta. Lumabas na rin ako sa aking kwarto. Wala na naman si Kuya. Mukhang hindi na ako makakapagpaalam sa kaniya. Palagi naman siyang wala dito sa bahay. Laging nakikitulog sa mga barkada niya. Pagbaba ko nga ng hagdanan ay napahinto ako. Iilang mga tao ang nandito sa bahay kausap si Papa. Si Mama naman ay hindi mapakali. Sino kaya itong mga kausap nila? Sabay-sabay silang napatingin sa akin. Habang ako alanganing napangiti. Hindi ko kasi kilala itong mga taong nasa bahay namin ngayon. Iilan din sila. Mga tatlo at lahat sila naka black suit. "P-Papa, sino po sila?" hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Nang tingnan ko si Mama hindi maipinta sa lungkot ang kaniyang mukha sabay iling nito. "Sorry, iha." napapailing na sabi ni Mama. Napangiti na lamang ako kahit na kinakabahan. "Bakit po kayo nag-so-sorry, Mama?" pilit akong ngumiti. Napatakip siya ng bibig. Hindi nakasagot sa tanong ko. Humakbang naman si Papa palapit sa akin. "Iha, sila ang sundo mo." "S-sundo? Saan po, Papa?" bakit iba itong kutob ko. Hindi ko gusto. "A-anong ibig sabihin nito, Papa?" "Sila ang mga tauhan ng ninong mo. Ipinapasundo ka na ng ninong mo." Nanlaki ang aking mga mata kasabay ng pagbitaw ko sa aking maleta. Malakas na tunog ng pagbagsak ng maleta ko sa sahig ang bumasag sa sandaling katahimikan na namagitan sa amin. "P-Papa..." iiling-iling kong sabi. "H-hindi po ba pumayag na kayong doon ako sa kumbento bakit nagbago na naman ang isip niyo?" napaatras na lang ako. Gumaralgal rin ang boses ko dahil sunod-sunod ng tumulo ang luha ko. "Wala akong choice, iha. Tanging Ninong mo lang ang makakatulong sa atin upang makabangon ang ating kompanya. Nakapag-usap na kami ng iyong Mama. Pumayag na siya." Sunod-sunod ang pag-iling ko. "Ako po ba tinanong niyo?" "Sa ayaw at sa gusto mo sasama ka sa kanila, Lorna. Ako pa rin ang ama mo kaya ako ang masusunod. Para rin naman sa iyo 'yong desisyon ko. Mas makabubuti kung nasa poder ka ng Ninong mo." "Papa.." napaiyak na ako. Napaatras ako ng humakbang palapit sa akin ang tatlong lalaki. Sa isang iglap lang ay nakalapit na sila. Hinawakan ng isang lalaki ang braso ko habang ang isa naman ay ang maleta ko. Napatingin kaagad ako kay Mama nagmamakaawang pigilan nila ngunit wala silang ginawa. Hinayaan nilang hilahin ako ng tatlong lalaki palabas ng bahay. Ilang beses akong napalingon sa bahay hanggang sa tuluyan na kaming makalabas ng gate. Naghihintay ang kanilang sasakyan. Ipinasok nila ako sa loob. Nang maisarado ito kaagad akong napatingin sa bintana. Umiiyak si Mama pero si Papa wala akong nakitang awa kahit kaunti. Hindi ko 'to gusto. "Kinamumuhian kita, Ninong Leandro!" napahagulhol ako ng iyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD