Chapter Thirty Seven HENYO ILANG araw kong pinag-isipan ang desisyon ko. Ilang araw akong hindi nakatulog dahil sa kaiisip. Ilang araw kong nililinaw sa sarili ko ang tunay kong nararamdaman para kay El. Hindi ako nagkakamali, mahal ko na talaga ang babaeng iyon. Ayaw ko nang dayain pa ang sarili ko. Para na akong baliw dahil kinakausap ko na ang sarili ko. Hindi ako mapakali dahil kinakabahan ako. Paano kung ayaw niya akong kausapin ? Paano kung iwasan niya ako? “Paano kung nagbago na pala ang isip niya? Paano kung wala na pala siyang nararamdaman sa akin? Paano.kung ako naman ang ipagtabuyan niya?” talak ko sa aking sarili saka ako yumuko. “Paano kung hindi?” biglang sabad ng isang boses kaya lumingon ako kaagad sa may pintuan. Halos tumalon ang puso ko dahil sa taong nagsalita. Si