Chapter Thirty Six ELORDE KAGAYA nang kanyang sinabi, hindi nkya ako pinayagang umuwi. Ako naman ay sumunod na sa kanya dahil alam kong masalam niya ang ginagawa niya kaysa sa akin. Kinabukasan na ako nakuwi ng bahay dahil ayos naman na ang aking pakiramdamdam. Umuwi lang ako para makapagbihis at saka din ako bumalik ng mga bandang alas singko. Nagpunta ako sa room ni Niel pagkatapos kong mag-ayos ng aking mga gamit. Dala-dala ko sa kwarto ng bata ang ilang prutas na binili ko mula sa SM San Lorenzo. “Good afternoon Niel, how are you?” masiglang bati ko. Halos lumaki naman ang kanyang mga mata nang makita niya ako. Mahigit isang taon din kaming hindi nagkita dahil nga nagpunta ako sa Maynila. “Tita El,” masayang aniya. Niyakap ko siya kaagad dahil sobrang namis ko ang batang ito.