Chapter Thirty Five HENYO SIGURADO ako sa nararamdaman ko. Mahal ko na si El. Hindi ko na pwedeng dayain pa ang aking puso. Ngunit natatakot akong baka kutyain nila ako dahil sa edad kong trenta ay nagkakagusto ako sa isang beinte tres anyos na Nurse sa San Lorenzo Medical Center. Pero wala namang masama hindi ba? Wala namang masama kung susubukan kong iparamdam sa kanya. Parang malabong tanggapin niya ang pag-ibig ko dahil ipinagtabuyan ko na siya noon. Malabong magkagusto ulit siya sa katulad kong nireject ang ipinaparamdam niya noon. Gulong-gulo ang isip ko. Ilang oras kong pinag-isipan iyon dahil hindi ako mapakali. Nang maalala ko ang lalaking sumundo sa kanya kanina ay nagseselos ako. Naiingit ako dahil imbes na ako ay iba. Karma na nga siguro ito dahil sa nagawa ko sa kanya.