Chapter 51 Her POV Simula noong nakapag usap si Treyton at Zico naging casual na ulit sila sa isa’t isa, sa mga nagdaan na araw hindi ko na nakikitang nag aaway sila at nagbabatian na din sila na ikinatuwa naman ni Abuela at kahit naman ako masaya dahil kahit paano nawala ung tension sa pagitan nilang dalawang mag pinsan, hindi na din masyadong mainitin ang ulo nya. May mga naging pagbabago sa kanya tulad na lang ngayon na sabay kaming pumapasok sa kompanya every day at naging medyo maalaga din sya. “Ready?” tanong sakin ni Treyton “Wait lang, may kukunin lang ako sa kusina” sabi ko sa kanya at kinuha sa kusina ang ginayak kong lunch para mamaya, nang makuha ko na yon sa kusina bumalik na ko sa may living room at sabay kaming umalis papunta sa opisina. “Para saan yang dala mo?” tanong ny