Chapter 52 Her POV Nang makauwi kami sa bahay at makatapos mag hapunan kinausap ko si Abuela sa opisina nya dito sa bahay at ibinigay lahat ng dapat nyang pirmahan. Nakatayo lang ako sa harap nya habang isa isa nya yong binabasa at pinipirmahan at ng dumako na sya sa nagiisang folder na kung saan andon ang approval para sa pag alis ni Treyton nagsimula na akong kabahan sa sasabin nya. Nang buksan nya ang folder sa harap ko at mabasa yon tiningnan nya ako ng may panunuring mata at kumunot ang noo. “Nabasa mo ba to?” tanong sakin ni Abuela “Opo” sagot ko sa kanya at tumango, “Gusto ni Treyton na pumunta sa US at mananatili sya don ng ilang linggo, he can’t take care of you while his away!” paliwanag sakin ni Abuela kaya napayuko na lang ako pero alam ko naman na eto ang gusto ni Treyton, a