TAAS noo akong pumasok sa loob. May ibang tao na doon sa bar. May umiinom sa table at mayroon din sa counter. Agad ko siyang nakita kasama ang secretary nito. He's playing billiards.
I took a deep breath. Umangat ang gilid ng aking labi. My outfit is perfect for this day. I am wearing a deep white v-neck and black leather pants, matching my wedge booties. Suot ko ay Chanel earrings. My hair was in a messy bun, and I had my natural makeup again, but my lips were dark red.
Mahigpit kong hinawakan ang aking Gucci handbag at itinaas ang aking aviators nang huminto ako sa tapat ng counter.
"I got this, dude!"
Napasulyap ako sa nagsalita. It was him. Charles Han was smirking while aiming that 8 ball into the pocket. Napailing na lang iyon gwapo ding secretary niya. I know him, he's Roderick Fuentes. Matagal ng nagtatrabaho sa kanya.
I did my research. Kung sino ang lagi niyang kasama. Alam ko 'yan at kung kailan din siya lumalabas pero madalang lang. Palagi siyang trabaho. Hindi rin siya mahilig sa babae.
I just found out last night that he was on a blind date. Kaya pala hindi masaya. Charles Han was known for being a monster in the business world. Walang panahon sa babae. He's a serious and mature type of man. Ayon 'yan sa research ko. Walang balak mag-asawa kahit nasa edad treinta na.
Maybe his family is concern about his lovelife. Wala kasing plano nga na mag-asawa kaya pinipilit na sa blind date which he would go unwillingly. Pero, hindi talaga siya natutuwa base na rin sa obserbasyon ko noong nakita ko sila no'ng blonde na 'yon.
Kung hindi siya mag-aasawa, sino ang susunod na hahawak ng negosyo nila? He's the only child. Of course, pipilitin siya na mag-asawa at mag-anak ng lalaki. They are chinese. Iba sila pagdating sa negosyo, hindi tulad sa amin na okay lang kahit babae ang humawak. They prefer sons to handle the business because they believe boys can earn more rather than girls.
"Watermelon cosmo punch," I ordered from the bartender.
Nakapangalumbaba ako habang pinapanuod ang dalawa na nagkakasiyahan sa laro nila. Nanalo si Charles sa laro.
"You can't beat me, dude!" Charles said arrogantly.
"One last game!" sabi no'ng secretary niya.
Naagaw ang pansin ko sa nilapag ng bartender.
"Thanks," I said and sipped my cocktail drinks.
Nag-aasaran na ang dalawa at ayaw pumayag ng secretary niya na hindi manalo ulit kaya pinipilit niyang maglaro pa sila. I was just listening but I found myself walking towards them while holding my cocktail drink.
"Try me," bigla kong sambit dahilan para matigilan ang dalawa at mapatingin sa akin. Inalis ni Charles ang pagkaka-akbay niya sa tauhan niya.
His secretary looked at him confusingly.
"No need," Charles Han said and looked down at the billiard pool. Walang interes man lang sa akin.
I keep my cool. Uminom ako ng cocktail habang hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya na kinukuha na ang mga object ball sa pockets.
"You are bullying your friend who doesn't even know how to play right." Nagkibit-balikat ako habang pinapanuod na itong nilalagay na sa triangle lahat ng object balls.
Nilahad ko ang kamay ko sa secretary niyang hindi na makapagsalita.
"Cue stick, please."
"Don't," masungit na utos niya sa kay Roderick at minasahe pa nito ang leeg. Ayaw niya man lang akong tapunan ng tingin! Maybe he's a gay?
"I will give you a nice game. Nilalabanan mo ang hindi marunong sa laro. Isn't it unfair?" Ngumisi ako at inabot sa secretary niya ang cocktail drink ko at kinuha ang cue stick.
Bumaling siya sa akin gamit ang nakakamamatay na tingin.
Sa wakas. Tumingin ka rin sa akin.
"Look—" iritado na ang itsura niya.
I raised my hand to stop him from talking.
"Unless you are afraid to lose. Kaya ayaw mong tanggapin ang hamon ko." Ngumisi ulit ako.
Nahuli kong napatingin na sa akin ang secretary niya.
"Miss—"
"After this, aalis ka sa harap ko," sabi niya at kinuha na ang cue stick dahilan para mapangiti ako.
Para akong nanalo sa lotto. Hindi ko pa nga nasasakatuparan ng buo ang plano ko pero parang pumapalakpak na ang tainga ko.
"If you win this game. Of course, I will," I said seductively.
Masama niya akong tinignan bago binalingan ang pool.
"We're not doing the lagging. Let's play eight ball variant. Ladies first," sabi niya at umusog na sabay suksok ng isang palad sa bulsa ng suot nitong pantalon.
Pasimple ko siyang pinagmasdan. Alright, he's freaking handsome. He has looks, body, money, and power. He has everything. He's a good catch. I find him attractive but not to the point na I would go GAGA for him. Bagay sana siya sa akin dahil sa parehong estado namin sa buhay.
Gwapo siya tapos maganda naman ako. Hindi naman siya lugi sakin, noh. Kaya lang... magkakagulo kapag oras na naging kami. Kung hindi lang talaga sa pera, hindi ko gagawin 'to.
I took off my geometirical necklace dahil alam kong sagabal iyon kapag yumuko ako. I slowly look at him and I caught him staring at me, partikular na sa aking leeg. Nag-iwas agad ito ng tingin sabay tikhim.
Nginitian ko iyong secretary niya habang inaabot ko 'yong necklace ko.
"Be careful with that, lima lang kaming may ganyan sa pinas," I chuckled.
It's a limited edition Chanel geometrical design necklace. Tumango lang siya at nahihiya pang tumingin sa akin. Mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko kung paano napatingin sa akin si Charles nang pa-sexy akong pumwesto para sa unang tira ko.
The first time I hit the cue ball, dalawang stripes agad ang pumasok. Napasinghap ang ibang taong naroon at mayabang kong binalingan si Charles na hindi man lang natinag sa kinatatayuan niya. He's not impressed.
Binalewala ko 'yon. Nasa banda niya iyong cue ball kaya marahan akong lumapit. Napatingin siya sa akin.
"Excuse me..." mahina kong sambit at nginitian siya.
Saglit lang niya akong sinulyapan sabay tingin sa table. Saglit akong nag-isip kung ano ang isusunod kong titirahin. Muli akong tumuwad ng kaunti. Mula sa gilid ng aking mga mata. Nakita kong napatingin siya sa akin at kumunot ang kanyang noo.
The moment I hit the cue ball, pumasok ang number nine stripes sa pocket. Napangisi ako.
"Ang galing niya!"
Taas-noo akong tumayo at hinipan ang dulo ng cue stick. Natigil sa ginagawa ang mga tao doon at nanunuod na sa amin. I glanced at him. Panay ang patunog nito ng kanyang leeg pero nagsisimula ng magsalubong ang kilay.
Mukhang naiinis na siya.
"Sorry, pinauna mo kasi ako, eh. I didn't mention that I got an excellent trophy award in an 8-ball international competition."
Nanlaki ang mga mata ng secretary niya.
"Wow! Nagko-compete pala siya!" sabi ng babae na nakikinuod din.
"Oh, Jesus! Hindi ka na makakatira, Sir," bulong sana ni Roderick pero dinig na dinig ko naman.
Binigyan siya ng nakamamatay na tingin ni Charles dahilan para itikom ng secretary nito ang kanyang bibig.
Tahimik lang si Charles at tila ba malalim ang iniisip habang nakatitig sa mga bola.
Ngumiti ako ng matamis at muling tumira. Hanggang sa isang stripe na lang ang naiwan at nagpalakpakan na 'yong iba.
Hindi na maipinta ang mukha ni Charles dahil kahit isang beses hindi pa siya nakatira!
Tumayo ako ng tuwid at inalis ang pagkakatali ng aking buhok. Sumaboy sa ere ang mahaba, makintab at itim na itim kong buhok. I tilted my head to one side while eyeing for the last stripe ball.
Pagtira ko tsaka sumablay.
"Ay..." sabi ng ilan.
"Ayan, Sir! Ikaw na!" sabi ng secretary niya.
Ngumuso ako at nginitian ko si Charles. Iritado itong bumaling sa akin sabay lapit. Medyo kinabahan ako sa itsura niya na galit na! Napahiya ko ba naman kasi. Lalaki pa naman siya.
"You did it on purpose," he growled and clenched his jaw.
Taas-noo ko pa rin siyang tinignan.
"Does it matter? I wanna see how you play this game." Nginisihan ko siya. Hindi niya ako masisindak. Kung kakabahan man ako dahil sa tapang niya at laki niya. Hindi ko iyon ipapakita.
Tumaas ang kilay nito tapos ay nilapag ang cue stick sa ibabaw ng table at tinalikuran ako. Napaawang ang bibig ko.
"Hey! Where are you going?" taka kong tanong dahil naglakad na ito at iniwan pa 'yong secretary niya.
Napagilid tuloy ang mga tao dahil sa kanya. Animo'y hari na pagmamay-ari niya ang daan kung makalakad palabas ng sports bar.
Inabot sa akin ng secretary niya 'yong necklace ko at cocktail drink sabay mabilis na sumunod sa amo nito.
Hindi makapaniwala akong natawa. Iniwan ako! Pinagbigyan ko na, ah! Nilayasan ako. Wala akong nagawa kundi isuot ang necklace ko at kinuha ang aking bag. Susundan ko siya.
Iritado ako habang naglalakad. Ayoko pa naman sa lahat 'yong nagmamadali sa paglalakad. Nakakasira ng poise!
"Ang bilis naman maglakad ng higanteng 'yon!" bulong ko sa sarili dahil ang layo-layo na nila sa akin!
Paano ko magagawang sundan. Huminto ako at pinabayaan silang lumabas.
"Bakit ba habol ako ng habol do'n! Bahala nga siya!" yamot kong sabi at sumimangot pa.
Bigla kong naalala na kailangan ko nga palang makipag-interact sa kanya. Madami dapat kung p'wede lang. Dahil kung hindi, paano ko siya mapapa-ibig kung hindi naman kami lagi nagkikita at nag-uusap.
"Pero... gosh! Hindi ako maghahabol ng ganito. Bahala siya! I'll see him the next day," sabi ko sa sarili.
That day, I decided to eat my lunch there. Alam kong magagalit na naman si Mommy dahil hindi ko magawang tigilan ang lifestyle ko na 'to. I was living in luxury life since I was born. Paano ko magagawang huminto. Iniisip ko pa lang nahihirapan na ako. Magkakasakit pa yata ako.
"Where are you going? Wala kang pasok, Matilda. Don't tell me na pupunta ka na naman sa salon?"
Natigil ang pagtapak ko sa huling baitang ng hagdan nang marinig ko sa aking likuran si Mommy. I sighed and looked at her.
"May gagawin ako sa trabaho."
"It's Sunday," she said while folding her arms in front of me.
Bumaba siya ng hagdan ng nakataas ang kilay at hindi inaalis ang tingin sa akin. Ako itong napabaling na lang kay Nicole na nakatingin sa amin. Kagigising lang.
"Ate!"
I smiled. Nicole is my youngest sister. She's eighteen years old.
"Where are you going?" tanong niya at bumaba na rin ng hagdan.
"I'm going to work nga," sagot ko at bumaba na ng tuluyan sa hagdan.
"Even on Sundays?" she asked.
"Exactly!" Mom interrupted.
Binalingan ko sila habang inaayos ang pagkakasukbit ng chain ng aking bag sa aking balikat.
"Yes. I work even on Sunday. Mom, kailangan ko dahil alam mo na ang status natin. I have a business meeting today. Kung hindi ako maghahanap ng ibang investor or kakausap ng banko para pahiramin tayo ng malaking pera. Malulugmok tayo, Mommy. I am trying my best to convince the shareholders to stay. Hindi pa rin ako susuko. Gagawa ako ng paraan."
Umiwas ng tingin si Mommy. Matapos ang family meeting namin last week tungkol sa nangyari sa company. Sinisisi na ako dahil sa ginawa kong kapabayaan. Ako lang ang humawak ay naging palpak na.
Nahihiya ako kila Tito at Tita na nag-iisip na rin ng paraan para maisalba ang kumpanya. Because of our surname, and because of my Lolo. Alam ko na malabo kaming makahiram sa ibang banko ng pera. Nasa likod din nito ang pamilya Han. Siguro masaya sila. Siguro natutuwa sila dahil iniisip nila kinakarma ang pamilya namin dahil sa ginawa ni Lolo sa kanilang pamilya.
Walang nagawa si Mommy kundi ang panuorin akong umalis. Today, I received a call that Charles was in the Manila Golf and Country Club with his friends.
Pagtapak ko pa lang ay nginitian na ako ng mga staff doon.
"Welcome back, Ms. Smith!"
"Hi! My friend—Charles Han is here. Can you assist and bring me to where he is?” I asked.
"Sure, Maam!"
I smiled when I saw them in the field. Kinuha ko ang offer ng staff na mango juice habang pinagmamasdan si Charles kasama ang lima nitong kaibigan. Himala na wala ang kanang-kamay niya.
It's a barkada day out, huh?
I smirked. Inayos ko ang suot na puting visor at nilapag ang juice sa lamesa. Sumakay ako sa golf cart at nagpahatid din sa banda nila.
Pagbaba ko pa lang ay natigil siya at ang tatlo niyang kasama. Iyong dalawa kasi ay busy sa golf.
Itinaas ni Charles ang suot na shades at salubong agad ang kilay nang makilala ako dahil sa unti-unti kong paglapit sa kanila.
"There's no turning back. You'll see more of me, Charles," bulong ko sa sarili.