KABANATA 4

1196 Words
SOME guests looked at me as I walked towards the vacant chair near them. I can easily spy on Charles Han since he does not recognize me except if I introduce myself to him as Smith—granddaughter of Gibert James Smith—who’s their ultimate enemy. Sinubukan kong lumakad sa banda nila at kung titignan niya ba ako maski sulyap man lang ba. I raised my brow when I sat down and glanced at them. Hindi ba ko kalingon-lingon? Bakit hindi man lang ako sinulyapan! Pinagtitinginan ako ng mga tao pero sulyap hindi niya man lang ginawa. I got my hair and nails done, I made sure na maganda ako para sa araw na 'to para lang mapansin niya ako. Suot ko pa ay Dior white halter with long sleeves dress. Printed ba ang disenyo sa bandang baba at plain naman sa taas. Match with Gucci white peep toe slingback heels. I had natural makeup but I want to emphasize my asset—my heart-shaped lips. Kaya nagmumura sa pagkapula ang aking labi. Hindi ko naman masyadong marinig ang pinag-uusapan nila dahil sa ingay ng mga tao at tunog ng mga utensils. Dalawang table din naman ang pagitan namin kaya imposible din talaga. That blonde blocks my view. I need to take a peek just to see Charles. Umirap ako na hindi ko magawa dahil humarang naman ang ulo ng guest sa unang table. Tumayo na lang ako bitbit ang aking bag para kumuha ng pagkain. Itinaas ko ang suot na shades at naglakad papunta sa buffet. I stopped in front of the seafood station and got some tempura and crab. I was about to go to a Chinese cuisine station when a six-footer British man stopped in front of me. His eyes were green. Agaw pansin kasi ang kulay ng mata niya. The rest? His face is still quite normal for me—I mean, yeah... he's handsome. But not my type at all. "I've been watching you the moment you stepped inside the restaurant. You got my attention, and I'd like to know you more. Do you have a boyfriend?" he asked while looking at my hands, probably checking if I'm married or not. "I do. Excuse me," I replied and stepped forward to ignore the guy. I don't have time for guys like him. Napasulyap ako sa pwesto nila Charles dahil tanaw ko sila mula sa akin pero nahuli kong napasulyap siya sa akin! I was taken aback. Naestatwa ako at totoong nagulat dahil nahuli ko siya. Pero... tamad din siyang nagbalik ng tingin sa kausap. Napasulyap lang talaga. Wala namang ibang ibig sabihin. Pero sisiguraduhin ko na sa mga susunod napagkikita namin ay makukuha ko rin ang atensyon niya. My plate was full when I got back in my seat. Walang tao sa dalawang table na pagitan namin dahil kumukuha din ng pagkain. Nagkaroon ako ng pagkakataong tignan siya kasama 'yong blonde na humahagikgik sa sinasabi ni Charles na wala naman akong nakikitang masaya ang reaksyon ng isa. Sinuot ko ang shades para hindi halata na nakatingin ako sa kanila habang kumakain. I would look on the other direction my my eyes were looking at them. "He's bored..." mahina kong sambit habang marahang nagpupunas ng table napkin sa gilid ng aking labi. Charles would constantly look at his watch. Naka-dekwatro pa siya habang nakatingin sa babaeng kausap. Ni hindi niya nagagalaw ang pagkain niya. Samantalang iyong kasama niya kanina pa ngumunguya. It took fifteen minutes when Charles stood up together with the blonde girl. He didn’t eat! Nag-usap lang sila. Napainom ako ng tubig. Kanina pa ako busog pero sumusubo ako ng dessert kahit na pakonti-konti. Inaantay ko kasi silang matapos. Kahit walang mangyari sa araw na 'to kundi ang obserbahan siya sa personal. Ayos lang. I will make sure the next time I see him, I will strike a convo or get his attention kahit na may alipores pa siyang kasama. Dumaan sila sa sa pwesto ko bago ako nagpasya na kunin ang aking bag sabay alis sa aking upuan. I'm such a stalker for doing this. Hindi ko kailanman nagawa ito sa tanang-buhay ko, ngayon pa lang. At para sa pera pa. "Nasaan na sila?" Nawala na naman sa paningin ko. Nagmamadali ang bawat lakad ko para habulin ang dalawa kahit hindi ko na alam kung nasaan na ba. I stopped when my phone rang. Nakita kong si Mommy ang tumatawag. I heaved out a sigh. Nakalimutan ko nang pupunta ako sa hospital para bisitahin si Daddy. Napilitan tuloy akong sumagot sa tawag niya. Imbes na hahanapin ko pa sana si Charles sa exit na ko pumunta. "Matilda! Where the heck are you? Inaamag na ang paa ko sa kaka-antay sa'yo," masungit niyang bungad sa akin. "I'm on my way na. I'll be there in ten minutes," sabi ko at dire-diretso sa paglalakad habang kausap siya. "Sabi ni Yaya Erlinda, papunta na kayo. Ngayon papunta pa rin? Nasaan ba kayo talaga?" "Mom, stop whining. Papunta na nga ako. I have to go, bye!" sabay baba ng tawag niya at suksok sa bag ko. Natigil pa ako para lang gawin iyon kaya napatalon ako sa gulat dahil sa lakas ng busina ng sasakyan sa aking kaliwa. Napatakip ako ng kaunti sa mga mata dahil sa silaw ng headlights niya. "What the—" halos mapamura ako sa gulat. Naglakad ako at ang sama ng tingin ko sa sasakyan na unti-unti kong na-recognize na sports car iyon ni Charles! Ang bilis naman ng lalaking ‘to? Pauwi na pala. Kasama niya ba ‘yong babae kanina? I swallowed hard. Ibinaba nito ng kaunti ang salaming bintana para bigyan ako ng matalim na tingin. Pasimple akong sumilip sa loob pero hindi ko nakita iyong blonde na kasama niya kanina. Napataas ang kilay ko. Sa reaksyon pa lang bigla na lang akong nainis. "Don't block the driveway, Miss. Nagmamadali ako," masungit na sabi niya sa akin at itinaas na ang salamin ng sasakyan niya. "Hindi ko sinasadya, noh!" sagot ko pero hindi ko alam kung narinig ba niya dahil naisara na ang bintana niya. Pinanuod ko lang ang sasakyan nitong papaalis. I rolled my eyes. Hindi niya nga ako kilala. Ewan ko bakit naiirita na agad ako sa kanya kahit na ngayon pa lang kami nagkikita talaga. Nasermunan ako ni Mommy pagdating sa Makati Med. Ang tagal niya kasi akong inantay. So, the next day, umalis ulit ako para sundan si Charles dahil nabalitaan ko na nasa hotel resort siya with his best friend s***h secretary. "Yes, Maam. Nandito pa rin po. Sa Snaps sports bar." Pinatay ko ang tawag ng private detective ko bago ko pinaharurot ang sasakyan papunta sa Sofitel Philippine Plaza. Sabado naman ngayon kaya mas pabor sa akin na umalis ngayon at sundan siya. "Sisiguraduhin ko ngayon na papansinin mo ko," anas ko habang pinagmamasdan ang sarili sa harap ng salamin. Sa bathroom agad ang tungo ko pagdating ko sa hotel. I wanna check myself if I look very attractive today. Ngumiti ako at sinipat ang aking mukha ulit sa salamin. "You're beautiful, Matilda," I whispered. Tinalikuran ko ang salamin at buong kumpiyansa na naglakad palabas na sa banyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD