KABANATA 16: NAPAPIKIT ako matapos kong makitang gumagapang si Matilda sa sahig. Panay ungol pa pero pikit ang mata. "Damn it! Bakit ka naman kasi umalis sa sofa!" I snapped and carried her back to the sofa. "B-be...d," she murmured. "What?" I frowned. Nameywang ako sa tabi niya habang nagsasalita itong mag-isa. Napatingin ako sa kamay nitong humawak na sa pantalon ko. Napatayo ako ng tuwid sa ginawa niya. Sinubukan kong alisin pero mahigpit niyang hawak. And when I looked at her, she was trying to open her eyes. Nagsalita ulit siya pero wala pa rin akong maintindihan talaga. Hindi niya pa rin inalis ang kamay niya sa pantalon ko. Sobrang higpit ang pagkakahawak niya doon. I bend a little just to hear what she's saying. I flinched when I felt her hot breath! Hindi ako makalayo ng