NAKIPAGHAMUNAN ako ng titigan sa kanya. "If you have any problem with me, sabihin mo na ngayon. Bakit kailangan ko pang sumama sa'yo?" I whined. "Are you really sure you want to discuss it here? In the middle of the street?" aniya sabay tingin sa mga taong nanunuod na at may kumukuha ng litrato sa amin sa loob ng mga restaurants and shops. Saglit akong napapikit at bumuntong-hininga. "Fine! We'll follow you," masungit kong sabi at hindi man lang siya tinignan. Tinalikuran ko siya pero nahuli niya ang kamay ko dahilan para mabilis kong alisin iyon. Bigla akong kinabahan at hindi guni-guni na tila may kuryenteng dumaloy sa aking katawan ng hawakan niya. "I changed my mind. Hindi dapat pinagkakatiwalaan ang mga salitang lumalabas sa bibig mo. Who knows if you're just lying just to get ri