NAITULAK ko siya sa pagkabigla ko. Saglit din itong natigilan at lumikot ang mga mata na tila ba may iniisip pero agad ding nakabawi. Mabilis kong kinuha ang tissue at galit na pinunasan ang aking labi. "Damn you! Kung gaganti ka lang sa akin gamit ang kabastusan mo, idedemanda na lang kita!" sigaw ko sa kanya habang sinisilip ang labi na halos mamaga na sa kakapunas ko. Nagkalat pa nga ang lipstick! I heard him smirk. Galit ko siyang binalingan. Kahit na may parte sa akin na naapektuhan ako sa halik niya. Nangingibabaw sa akin ang kawalang respeto niya. "Halika, sasamahan kita magdemanda. You are seducing me! Nakikita ng mga mata ko na gusto mong magpahalik din. Ginawa ko lang..." aniya at humina ang boses sa huling salita nito sabay baling sa ibang direksyon. "Excuse me?! You're not