bc

BETWEEN LOVE AND WAR: Governor Leo and Georgina

book_age18+
1.0K
FOLLOW
11.4K
READ
billionaire
forbidden
HE
escape while being pregnant
opposites attract
second chance
single mother
bxg
disappearance
like
intro-logo
Blurb

Paupahang Sinapupunan 4

Mula sa magkalaban na angkan sina Georgina Bustamante at Leo Cervantes. Mahigpit na magkatunggali sa politika at mortal namagkaaway.

Alam nina Leo and Georgina na bawal silang maging malapit sa isa't isa, ngunit namalayan na lang nila na unti-unti na silang nahuhulog sa isa't isa. Hanggang saan nila kayang ipaglaban ang kanilang pagmamahalan kung una pa lang alam nilang bawal ang mahalin ang isang kaaway.

chap-preview
Free preview
DULO
"Alas-singko na, Georgie, aalis ka pa?" tanong ni Nanay Rosing, ang aming mayordoma. "Opo," magalang kong sagot. Tinignan niya ang suot kong damit. Hanggang sa huminto ang kaniyang tingin sa suot kong boots. "Mangangabayo ka kung kailan malapit nang magdilim..." Nameywang siya. "Hindi po ako lalayo, promise. Hanggang sa may niyugan lang ako... Sige na, please..." pakiusap ko kay Nanay Rosing. Malapit ako sa kaniya. Halos siya na kasi ang nagpalaki sa akin. Busy ang aking mga magulang kaya lahat kaming magkakapatid ay halos sa mga kasambahay na lumaki. Si Daddy ay kasalukuyang nakaupo na Congressman ng aming lalawigan. At si mommy naman ay may pinapangasiwaan na negosyo sa karatig na bayan. Minsan abala din siya sa kaniyang mga livelihood programs, para sa mga ilaw ng mga tahanan sa nasasakupan ni Daddy. Gaya ngayon, baka hindi na naman sila makauwi ng maaga, tiyak na kami na lang na namang magkakapatid ang kakain ng hapunan. Bilang lang na nagsalo-salo kami sa hapag na buong pamilya. Ganiyan ka-busy ang mga magulang namin. Sanay naman na kami. Mas okay nga ang ganito, kaysa nababantayan ang bawat galaw namin. Sobrang higpit pa man din ni Dad. May pagka-perfectionist sila. Istrikto pa. "Umuwi ka agad. Kapag maunang umuwi ang mga magulang mo, tiyak na babawasan nila ang allowance mo sa school," paalala ni Nanay sa akin. Tinawanan ko ang sinabi niya. As if naman na iiyakan ko ang bagay na iyon kung sakali. Pero syempre, uuwi din ako agad. May pinag-iipunan ako, kaya hindi puwedeng mabawasan ang baon ko sa school. "Aalis na po ako!" paalam ko saka tumakbo palabas, upang mahabol ko ang club car na sinakyan ng isa sa tauhan na pabalik ng farm. Naghatid lang siya ng mga inaning prutas dito sa mansyon. Sinabihan ko siya na ibaba ako sa kuwadra. Kumaway ako kay Rico nang matanawan ko siya. Anak siya ng tagapangalaga ng aming mga kabayo. Tuwing hapon, pagkatapos ng klase ay nagpupunta siya dito, upang tulungan ang kaniyang mga magulang. "Mangangabayo ka?" tanong niya. "Oo," sagot ko sabay haplos kay Dash, ang paborito kong kabayo. Regalo siya sa akin ni Daddy last birthday ko. "Namis mo ako, Dash? Tara, mamasyal tayo..." malambing kong bulong sa aking kabayo. Hinaplos ko ito saka hinalikan bago ako nagpasya na sakyan siya "Maiwan na muna kita, Rico!" Umikot si Dash at naglakad ng ilang minuto bago sinimulang tumakbo. "Mag-ingat ka, Georgie! Huwag ka ng lalayo!" sigaw ni Rico. Pareho sila ng sinabi ni Nanay. Para talaga akong bata kung ituring nila. Pero kung sabagay, kilala niya ako, alam din niya ang birthday ko. I'm just fifteen. Baby pa nga daw ako sabi ng mga kuya ko, e... Pero meron bang baby na may period na? Hindi ako mukhang fifteen sabi ni Brad, ang bestfriend ko na bakla. Mukha daw akong eighteen dahil malaking bulas ako at maagang nagdalaga. PINATAKBO ko si Dash papunta sa may niyugan. Mukhang masarap kumain ng buko ngayon kaya doon ako papunta. Baka nandoon ang kuya ni Rico, makikisuyo ako sa kaniya. Pero pagdating ko sa niyugan, hindi ko siya nadatnan. Ang sabi ng ibang tauhan ay nakauwi na daw ang kuya ni Rico. Ayaw ko pang umuwi, susulitin ko na muna ang oras na kasama si Dash. "Tara, Dash... Mamasyal muna tayo..." HINDI ko namamalayan na nakarating na pala kami sa dulo ng aming lupain. Liliko na sana ako, pero naengganyo ako na pagmasdan muna ang batis. Nakaka-relax kasi ang tunog ng pag-agos ng tubig. Dumaan kami ni Dash sa gilid ng batis, papunta sa may kakahuyan. DAHIL nawili akong pagmasdan ang mga wild na halaman na namumulaklak sa gilid ng batis, hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa may talon. Off limits na kami sa parteng ito. Hindi na namin ito pagmamay-ari. Luminga-linga ako at pinakiramdaman kung may ibang tao na naririto. Wala akong nakita. Hindi naman siguro masama kung subukan kong lumangoy kahit saglit lang. Tinali ko si Dash sa may punong kahoy. "Lalangoy lang ako ng five minutes," bilin ko sa kaniya. Pero bago pa ako makalapit ng husto sa talon, nakarinig ako ng malakas na lagabog sa tubig. Mabilis akong nagkubli sa likod ng mga matataas na damo, upang hindi ako makita nang kung sino mang naririto. Baka mamaya naririto pala ang may-ari ng lupain, baka kasuhan ako ng trespassing. Nanlaki ang mga mata ko ng mula sa tubig ay umahon ang isang lalake. Hubad baro siya at nakasuot lang ng swim shorts. Pinagmasdan ko siyang umakyat mula sa tuktok ng talon. Nanlaki ang mga mata ko nang basta na lang siyang tumalon mula sa itaas pabagsak sa tubig. Pigil hininga ako dahil sa kaba na nararamdaman ko para sa kaniya. Delikado ang kaniyang ginawa. Paano kung malunod siya? Nakahinga ako nang maluwag nang makita kong umahon siya, saka muling lumangoy patungo sa dulong bahagi, bago naupo sa may batuhan na nasa dulo, paharap sa gawi ng pinagkukublian ko. Ang guwapo! Sino kaya siya? Taga rito kaya siya? Ngayon ko lang siya nakita. Marahil isa siyang bakasyunista o puwede ding turista na nagawi lang dito. Base sa kaniyang itsura, tantya ko nasa bente anyos na siya. Matangkad siya, nasa five feet and eight inches siguro ang height niya. May muscles at mayroon din siyang hindi ganoon kaperpekto na abs. Sanay na akong makakita ng abs, alagang gym kasi ang mga kuya ko. Mayroon silang six packs abs. Matitipuno at magagandang lalake ang mga kuya ko. "Kulang ka pa sa work out," bulong ko. KUNG hindi pa nanakit at nangawit ang binti ko sa ilang minuto na pagtayo, dahil sa pamboboso sa lalake, hindi ko mamamalayan ang oras. Oras na para umuwi! Oh my! Nataranta ako. Magdidilim na pala! Nagmamadali na akong humakbang papunta kay Dash para makauwi na agad. Tiyak na sesermunan ako nina Nanay pati na din ang mga kuya ko, dahil madilim na akong makakarating ng mansyon. Sa daan, nakasalubong ko si Rico sakay sa isa sa mga kabayo. Mukhang pinasundan ako ng kaniyang ama. "Saan ka nagpunta? Madilim na." Pinameywangan ako ni Rico. Kahit mukhang galit, alam ko na concern lang siya sa akin. Para ko na din kasi siyang kuya. Bumaba ako ng kabayo saka binigay ang tali sa isa sa mga tauhan. "Nawili ako, e," kakamot-kamot ulo kong sagot kay Rico. "Nasa mansyon na daw ang mga magulang mo..." imporma niya sa akin. Kinabahan akong bigla. Lagot ka, Georgina! Keme akong ngumiti at tumingin sa ama ni Rico. Alam na niya kapag ganito ang aking itsura. "Rico, ihatid mo na muna si Georgina sa kanila," utos niya. "Thank you po, Manong Fred!" Nakangiti kong pasalamat. Umiling-iling naman si Rico. Mukhang gusto pang kontrahin ang utos ng kaniyang ama. "Huwag mo ng uulitin. Last na iyan..." paalala ni Manong. "Opo... Tara, Rico!" Hinila ko si Rico papunta sa nakaparada na owner jeep para makauwi na ako agad. HABANG nasa biyahe kami, tinatanong niya ako kung saan ako nakarating. "Sa may niyugan nga lang..." nakanguso kong sagot. "Alam mo naman na hindi puwede na basta-basta ka na lang magpunta sa may batis, Georgie... Tapos mag-isa ka pa..." Alam niya kapag nagsisinungaling ako, kaya hindi na lang ako nagdahilan pa. Pero hindi ko pa din aaminin na lumagpas pa ako. Na nakarating ako sa may talon na pagmamay-ari na ng mga Cervantes. HINATID ako ni Rico hanggang sa loob ng mansyon. Naghihintay sa living room sina Daddy at mommy kasama ang mga kapatid ko. "Good evening po, Congressman. Hinatid ko lang po si Georgie." "My God, Georgie! Where have you been?" tarantang tanong ni Mommy sa akin. Nagmamadali siyang lumapit sa akin sabay hawak sa aking magkabilang balikat. "Nangabayo ka daw," seryosong sabi naman ni Dad. "Opo..." "Saan ka nakarating?" "Sa may niyugan po, Gov. Kumain po siya ng buko," singit ni Rico. Thank you, Rico. Ililibre kita ng meryenda bukas. Bumuntong hininga ang mga magulang ko, bago nagpasalamat kay Rico. KAHIT na may alibi ako, hindi pa din ako nakaligtas sa sermon ni Dad. Pinaalala na naman niya na bawal akong magpunta sa dulo ng lupain, dahil baka mapahamak daw ako. Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. Paano naman ako mapapahamak doon? Hindi naman bangin ang dulong bahagi ng lupain namin. May tulisan ba doon? Mabangis na hayop? Wala naman, a... PAGPASOK ko sa ekswelahan kinaumagahan, hinanap ko agad si Rico. Binigyan ko siya ng isang box na espesyal na ensaymada. Paborito kasi niya ito. "Hindi ka na sana nag-abala pa," sabi niya habang nginunguya ang isang piraso ng ensaymada. Inikutan ko siya ng mga mata. "Thank you ko iyan sa'yo. Sa uulitin," natatawa kong sabi habang papalayo sa kaniya. "Wala ng susunod! Bahala ka na talaga sa buhay mo!" sigaw naman niya. Pumasok na ako sa classroom namin. Pagkaupo ko, agad akong nilapitan ni Brad. "Parang masaya ka ngayon?" tanong niya. "Hindi naman," nakanguso kong sagot. Kinuha ko ang kaniyang pad paper saka kinopya ang ginawa niyang assignment. Hindi ko kasi nasagutan iyong akin. Nawili ako kagabi sa pagguhit hanggang sa nakatulugan ko na ito. Sinusubukan ko kasing alalahanin ang mukha ng lalake na nakita ko kahapon. Ginuhit ko ang kaniyang mukha. Kahit sa pagtulog, laman siya ng aking panaginip. Ang ganda tuloy ng gising ko kanina. "Dinagdagan ang allowance mo?" tanong ni Brad. "Hindi, binawasan pa nga," nakangiwi kong sagot. Dahil ginabi akong umuwi, bawas na ang allowance ko. Kaya heto, nagbaon na lang ako ng meryenda at lunch para makatipid. May pinag-iipunan kasi ako, kaya hindi puwedeng gumastos ng basta-basta, lalo na ngayon na malaki ang binawas ni Dad. DAHIL wala ang dalawang titser namin sa panghuling klase sa hapon, nagpasya kami ni Brad na dumaan muna sa bayan. May bibilhin lang daw siya sa bookstore. Nagpunta siya sa may mga school supplies, ako naman ay nagpunta sa aisle ng mga books. Sa may mga romance books, particularly. Binasa ko ang teaser ng unang nabunot kong libro sa may shelf. Against all odds. Tss! May ganoon pa bang pag-iibigan ngayon? sarkastikong tanong ko sa aking isipan pagkatapos kong basahin ang teaser. Binalik ko ito at ibang libro naman ang hinawakan ko. Nahawakan ko ang dulo ng libro, pero may ibang kamay din na humawak dito. Hindi ko ito binitawan kahit pa bahagyang hinila ito ng babae. Ngumiti ako. "Ako ang nauna," sabi ko. "Ako..." naiinis namang sabi ng babae sa akin. Morena siya, slim, mahaba at unat ang itim niyang buhok. Nakasuot siya ng uniporme ng school na malapit lang din sa pinapasukan kong eskwelahan. Pero mas matangkad ako sa kaniya ng mga dalawang pulgada siguro. "Bibilhin ko ito," sabi niya. "Sorry, pero bibilhin ko din ito. Magpa-assist ka na lang sa mga staff at baka may iba pa silang copy." "Nag-iisa na lang po iyan, Ma'am," singit naman ng staff. "Too bad, I really want this book," sabi ko. Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano'ng nangyayari?" tanong ni Brad, nagtataka siyang nakatingin sa akin, sa libro at sa babaeng nakikipagmatigasan sa akin. "Alaiza..." May lumapit sa amin na isang lalake, na may kaparehong uniporme ng babae. So, Alaiza pala ang pangalan niya. "Ano'ng nangyayari?" tanong ng lalake. "Nakikipag-agawan siya sa libro ko..." sumbong niya sa lalake. "Excuse me?" mataray kong sabi. "Libro mo? Ikaw ang author? Nabili mo na? And do you own this book store?" masungit kong tanong. Pumalatak ang lalake. Nagkamot ng ulo saka may sinenyasan sa bandang gilid. "What's happening here?" tanong ng isang boses ng lalake. Hindi ko ito nilingon. Nakipagtitigan ako kay Alaiza na mukhang naiiyak na. "Leo, ayaw niyang ibigay sa akin ang libro, kahit ako naman ang nauna," sumbong niya. Wow! Grabe! Sinungaling na nga, paawa pa itong babae na ito. "Miss..." tawag sa akin ng lalake. Nilingon ko siya at mataray na tinignan. Oh! I know him. Siya ang lalake sa may falls kahapon. Kahit distracted ako sa biglang pagsulpot niya, pinanatili ko ang nakataas kong kilay. "What?" mataray kong tanong. "You're gonna beat me for your girlfriend?" Tinaasan ko pa lalo ang kilay ko. Napangisi ang isang lalake na kasama nila. "Please, ibigay mo na lang sa kaniya," sabi niya. Buti pa ito, marunong makiusap. Hindi gaya nitong daing na tilapiya na nakikipagmatigasan sa akin. I loosened my grip but when I hear what this Leo say's next. Buong puwersa kong hinawakan ang dulo ng libro upang hindi maagaw sa akin. Akala ko marunong makiusap. Iyon pala mayabang din. He said, ibigay ko na lang kay Alaiza ang libro. Babayaran na lang niya ako, times four pa. Ano ang tingin niya sa akin, mukhang pera? Ayos na sana iyong please niya, e. I smirked. "Nope. What if, doblehin ko pa ang times four na sinasabi ko. At iyon ang gamitin mong ibili ng ibang libro na nais ng iyong nobya," sabi ko. "Ako ang naunang nakahawak nito," pagmamatigas ko. Bumuntong hininga si Leo. Malungkot siyang tumingin kay Alaiza. He shook his head. "Hayaan mo na, pabibilhan na lang kita sa ibang book store," pang-aalo niya kay Alaiza na akala mo pinagbagsakan ng langit. I smirked. At sakto kung kailan sinulyapan ako ni Leo. "Let's go," aya niya sa babae. "We should not waste our time talking to a spoiled brat rich kid, na asa lang naman sa pera ng mga magulang." The nerve of this guy! Hinawakan ni Brad ang balikat ko. "Tumigil ka na," awat niya. Nagdire-diretso ako sa counter upang bayaran ang libro. Imbes na hindi ako gagastos, napasubo ako dahil sa mga iyon. Though, I don't have regrets after all. "Kailan ka pa nahilig sa mga poems?" tanong ni Brad sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. "Since today..." "Ano bang nangyari? Nagmukha kang bully," sabi niya habang nakasunod sa akin palabas ng Book store. "Medyo maangas kasi iyong babae. Instead of asking me nicely, to let her have the book. Inangasan niya ako. And his boyfriend. Ang yabang niya, di ba?" "Ang guwapo niya," natatawa naman niyang sagot. Inirapan ko siya. "That's what boyfriends are for, girl," sabi niya na may kasama pang pagtapik sa aking balikat. "Mayabang siya. Okay na sana ang please niya, e. Kaso humirit pa na babayaran ako ng four times. It's not always about the money." "Pero ganoon ang nangyari. Wala kang pinagkaiba sa kanila, dahil sinabi mo din na dodoblehin mo pa ang sinabi niya." Masama ko siyang tinignan. "Saan ka ba kampi?" naiirita kong tanong. Plano pa yata niyang sumama sa mga iyon. "Sino ba ang bestfriend ko?" "Ewan ko sa'yo!" "Ito naman, ang init ng ulo. Kumain na muna tayo," aya niya sa akin. "Hindi na. Sa bahay na ako kakain," tanggi ko. "Wala ka ng pera, no? Naubos ang dala mong pera diyan sa libro. Iyan na lang ang kainin natin." Inirapan ko siya. Tinignan ko ang hawak kong libro. Idagdag ko na lang sa mga koleksyon ko sa room ko. Pan-display. SA pinuntahan naming kainan, nandoon din sina Leo at kaniyang girlfriend. Nang makita nila kami, nagkatinginan silang dalawa. Baka iniisip nila na sinundan namin sila dito. Duh? Kakilala namin ni Brad ang may-ari nito, no! "Georgie!" Kumaway si Armando nang makaupo ako sa mesa, na madalas naming puwesto ni Brad sa tuwing kumakain kami dito. Kumaway din ako sa kaniya. Nilapag ko sa mesa ang paper bag na pinagbalutan ng libro para inisin pa si Alaiza. Masama ang tingin niya sa akin kaya inisin ko pa siyang lalo. Umiling si Brad. "Alam mo, libro lang iyan. Pera lang iyan. Pero alam mo kung ano'ng wala ka na meron siya?" tanong ng kaibigan ko sa akin. "Ano?" "Guwapong boyfriend," natatawang sabi niya. Eh di wow! Sa kaniya na iyang boyfriend niya na mayabang na akala mo kung sino'ng makaasta. Nilapag ni Armando ang dalawang juice at dalawang platito ng cake sa aming harapan. "Thank you!" nakangiti kong pasalamat sa kaniya. "Always welcome, beautiful Georgie..." Natawa kami ni Brad. "Panay ang sulyap nila sa'yo," bulong ni Brad habang kumakain kami. "Sino?" "Mga kaaway mo." Yeah, great! Nagpunta lang sa book store nakahanap agad ng kaaway. "Baka nagagandahan sila sa akin," bulong ko naman. Napalakas ang tawa ng bakla. "Hindi ka nagkakamali," sabi niya. "Pati iyong boyfriend, panay din ang tingin. Kung agawin mo din kaya siya. Total kayang-kaya mo naman, naagaw mo nga ang libro, e. Ang boylet pa kaya niya. Di naman sila bagay..." "Excuse me! Hindi ko inagaw ang libro!" mariin kong bulong sa kaniya. "Saka sa kaniya na ang boyfriend niya!" Nagbago na ang tingin ko sa lalakeng iyan!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
161.5K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
22.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
92.1K
bc

His Obsession

read
99.4K
bc

The Cold Billionaire

read
17.8M
bc

Ang Mainit na Gabi sa Piling ni Ginoong Wild

read
8.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook