PERYA

2310 Words
NALALAPIT na ang final exam kaya bawal na akong mamasyal after school. Bawal na muna akong mangabayo at bawal ding mamasyal sa bayan. Diretso na ako ng uwi ng bahay pagkagaling ng school para makapag-review. Kailangang mataas ang final grades ko dahil pagkakaperahan ko ito. Kapag ninety percent pataas ang grades, may binibigay sina Daddy at Mommy na premyo. HINDIA na din ako sumama sa dinaluhan na party ng aking pamilya. Bukod sa kailangan kong mag-aral, wala din talaga akong interes na makihalubilo sa mga politiko. Two weeks before finals, nakatutok ako sa pagre-review. PAGKATAPOS ng final exam, doon pa lang ako nakahinga nang maluwag. Makakapag-relax din ako sa wakas. Madami sa mga kaklase namin ang kinakabahan sa magiging result. I'm confident na kaunti lang ang mga mali ko sa exam, kaya naman petiks lang akong nakaupo sa may bench. Nagpapalipas kami ng oras, sa pamamagitan nang panonood sa mga naglalaro ng basketball na fourth year students. "Tutuloy ba kayo sa US?" tanong ni Brad. "Siguro, dadalawin namin ang lola ko doon," tugon ko. Hindi kami nakapunta sa US, nang Christmas break kaya hindi puwedeng hindi kami matuloy ngayong summer. Wala pang sinasabi sina Daddy kung kailan ang alis namin, kaya susulitin ko na muna ang oras ko kasama si Brad. Mamimis ko siya. Ang mga kuya ko na mapang-asar na naman ang makakasama ko sa buong bakasyon ko. Boring at malamang araw-araw lang nila akong iinisin, sa loob ng isang buwan. "Punta tayo sa peryahan," aya ko kay Brad. "Wala akong pera, e..." Ngumuso siya. Grounded nga pala siya sa kaniyang daddy na isang heneral. May ginawa ang kaibigan ko na hindi nagustuhan ng kaniyang tigasing ama. Naawa ako kay Brad, dahil hindi nila tanggap kung ano siya. Mabuti nga at tinigil na ang pananakit sa kaniya ng kaniyang ama, sa tuwing may ginagawa siyang mali. O bagay na hindi nito nagustuhan. "Libre kita," sabi ko. "May dala akong five hundred..." "Wow! Ang laki naman ng baon mo ngayon!" Marahan akong tumawa. "Syempre, naplano ko na ang araw na ito, e..." Tumayo kaming pareho. Agad kong sinukbit ang aking kamay sa kaniyang braso habang nagmamadali kaming lumabas ng school campus. PAGDATING namin sa peryahan, nakita namin na karamihan ng mga naririto ay mga estudyante na mula sa ibang school. "Baka nandito sina Alaiza at Leo..." bulong ni Brad sa akin. Inikutan ko siya ng mga mata. "Excited? Close pala kayo? Hindi ako inform..." sarkastikong sagot ko. Pabiro naman niya akong binatukan. "Ang sama talaga ng ugali mo," aniya. "Walang hiya ka!" Gumanti din ako. Tinignan niya ako na para bang aping-api siya. "E di doon ka na sa kanila," sabi ko sa kaniya. "Ayaw ko nga," hinawakan niya ang kamay ko saka ako hinila. Pinaikot niya ako ng isang beses bago ako pinaliyad na akala mo nagsasayaw. "Aray!" reklamo ng nabangga namin. Nagmamadali kaming umayos ng tayo at nilingon ang nabangga namin para sana mag-sorry. Kaso tinikom namin ang aming bibig nang makita namin kung sino ito. Si Alaiza, may kasama siyang dalawang babae na kapareho niya ng uniform. "Ano, hindi man lang kayo magso-sorry?" naiinis na tanong ni Alaiza. Ginawa pa talagang big deal. Sa totoo lang hindi naman malakas ang pagkabangga sa kaniya. If I know, baka sinadya pa niya na banggain kami. Humalukipkip silang magkakaibigan. Aba! Mga matatapang. Ganito pa man din ang mga klase ng tao na masarap patulan. "Sorry saan?" maang kong tanong. "Binangga niyo kami!" mataray na sagot ng kasama niya. "Ay!" Nagkamot kami ng ulo ni Brad. "Sorry," sabi ko. Ayan ha, nag-sorry na. "Akala ko kasi pader, e..." Ngumuso ako. Kunwari cute na aso lang. Sinamaan ako ng tingin ni Alaiza. "What's happening here?" At nandito na naman ang kaniyang nobyo, na akala mo kung sino at may kasama din siyang isa pang lalake. "Binangga kami tapos sila pa ang may gana na mang-away," sumbong ng isa sa mga babae kay Leo. "Pinintasan pa niya ako," sabi naman ni Alaiza. "Napakasama mo talaga," bulong ni Brad sa akin kaya umirap ako. Nakataas ang kilay ni Leo habang nakatingin sa akin. "What?" mataray kong tanong. Umiling siya. Para bang nagtatalo ang kaniyang isipan kung papatulan niya ako o hindi. "You know what?" "What?" naghahamon ko ding tanong. Huwag niya akong ma-english-english. Umiling siya. Hinawakan niya ang kamay ni Alaiza saka ito hinila palayo. "Habulin mo," sulsol ni Brad sa akin. Bahagya pa niya akong tinulak kaya gumanti din ako. Kamuntik pa siyang masubsob. "Nilakasan mo naman masyado, bruha ka!" Hinila niya ang dulo ng buhok ko. Nagtawanan kami. Naghawak kamay kami at sinimulang maglakad para maghanap ng puwede naming sakyan na rides. "Doon tayo," turo ni Brad habang hila-hila ako papuntang dulo. Pasimple ko siyang kinurot nang makita ko na naman sina Leo at Alaiza, sa pinaghilaan niya sa akin. Gustong-gusto talaga niya na makipag-away ako. Bad influence 'to. Kapag napa-trouble kami, lagot kami sa mga super strict naming magulang. Bumili kami ng ticket para sa octopus ride. Ang puwesto na nakuha namin ay malapit lang kina Alaiza at Leo. Napasulyap sa akin si Leo pero agad din akong nag-iwas ng tingin nang magtama ang paningin namin. Baka mamaya isipin pa niya na interesado ako sa kaniya. Wala akong planong manlandi ng boyfriend ng may boyfriend. NANG magsimula ng umandar ang ride. Nagsimula ding tumili ang ibang kasama namin. Kami naman ni Brad ay tamang chill lang. Nagkatinginan kami nang magsimula na itong gumalaw. Hanggang sa bumilis. Napakalakas ng tili ni Alaiza. Akala mo biik kung makatili. Tumili din si Brad kaya nilingon ko siya. Napatawa ako nang muli siyang tumili. Ginagaya niya ang tili ni Alaiza. Ginaya ko din siya. Titili kami, tapos ay sabay ding magtatawanan. Hanggang sa unti-unting bumagal ang galaw ng sinasakyan namin. Hanggang sa tuluyan itong tumigil, hindi na kami matigil-tigil sa pagtawa. Nauubo na ako katatawa dahil sa kalokohan namin. Tumikhim si Brad at siya ang unang tumigil. Pasimple niyang nginuso sina Alaiza at Leo na nakatingin sa amin. Nakaharap na pala sa amin ang pwesto nila. DAHIL pang-unli rides ang ticket namin, hindi kami bumaba nang hindi pa agad bumaba sina Leo. Nag-unload muna ang crew ng octopus ride. Bago nagpasakay ng panibagong mga tao. Muling umandar at muli ding sumigaw si Alaiza. Tumili na din kami ni Brad hanggang sa matapos. "Tama na," sabi ko. "Ibang rides naman, walang thrill..." "Kaya nga, e. Sumakit lalamunan ko kakatili at katatawa." "Sinabi mo pa..." Nagpunta kami sa may rollercoaster ride. "Ayaw ko diyan, Leo. Hindi ko kaya..." sambit ni Alaiza mula sa likuran namin. Nagkatinginan ulit kami ni Brad. Mukhang takot naman talaga siya at hindi nag-iinarte. Baka malululain. "Tayo na lang, Leo, kung ayaw ni Alaiza," sabi ng lalake na kasama nila. Sumakay na kami ni Brad. Sa likuran namin umupo sina Leo. Nagsimula ng umandar. Nagkangisihan kami ng kaibigan ko. "Ready?" tanong ko. Naghahamon siyang ngumisi. "I was born ready..." Nagsimula nang tumakbo. Hanggang sa bumilis ng bumilis, pataas, pababa at paliko. Panay ang sigaw ng ibang kasamahan namin ni Brad pero kaming magkaibigan, hindi man lang umimik o tumili. Kaya nang matapos at nakita namin na sumuka ang kasama ni Leo, napangiwi kami ni Brad. Parehas kami ni Brad ng ilang mga hilig kaya magkasundo kami. "No fun in here," biro ko kay Brad. "Kaya nga. Magperya na lang tayo. Doon tayo sa running lights," aya niya sa akin. Ilang sentimo din ang naitaya namin. May napanalunan kaming juice drink at biscuit. Kinain namin habang naglalakad-lakad kami. Kinalabit ako ni Brad nang makita na naman niya si Alaiza. "Bakit na naman?" iritadong tanong ko. Hindi na ako natutuwa sa pagku-krus ng landas namin nina Alaiza at Leo. Nakakairita na sila, kaya kung maari ayaw ko na silang makita o makasalubong pa. Naglakad ako patungo sa ibang direksyon. Tumingin-tingin ako ng mga keychains. "Ano ba?!" reklamo ko nang basta na lang akong banggain ng grupo nina Aliaza. "Oops!" anila ng sabay-sabay. "Oops what? Hindi ako pader kagaya mo," pambabara ko sa kaniya. Umirap siya at padabog na nagmartsa paalis. "Magtambay na lang tayo kina Armando," naiirita kong aya kay Brad. "Mamili muna tayo..." pigil naman niya sa akin. Nilibot namin ang mga pwesto. Hanggang sa muli na naman naming makita sina Alaiza. Lalagpasan ko lang sana sila, pero naririnig ko na nakikipagtawaran siya sa tindera ng mga hair clips. "Sige na po, Manang..." Pinipilit niya ang tindera na ibigay sa kaniya sa murang halaga ang hair clips. "Naku, Neng. Hindi puwede. Mahal talaga ito," sabi naman niya. "Dito ka na lang pumili. Maganda naman ang mga ito," turo ng tindera sa ibang mga klase ng hair clips. Binawi niya ang hawak ni Alaiza. Tinulak ako ni Brad palapit sa harap ng tindera. "Manang, naghahanap po ang kaibigan ko ng clip na parang may mga dyamante," sabi ni Brad. He's describing the clip that Alaiza was dying to buy. "Ganito ba?" tanong ng tindera, habang pinapakita ang hair clip. "Ganiyan nga po," sagot ni Brad. "Bibilhin na po namin..." sabi niya sabay kuha sa tindera, saka ito inipit sa buhok ko. "Bagay sa'yo kasi maputi ka..." puri niya na may pasaring. Baliw talaga. Binayaran namin ang clip at umalis na din kami agad, bago pa makipagbuntalan ang grupo ni Alaiza sa amin. Dumaan kami sa isang pwesto pa ng nagtitinda ng keychain. Habang iniisa-isa kong tinitignan ang mga designs. Napako ang tingin ko sa keychain na kabayo na kulay silver. "Ang ganda," anas ko. Kung kailan pipitasin ko na sana sa sabitan, naunahan ako ni Leo. "Ito po," sabi niya sa tindero sabay bigay ng bayad. Matapang ko siyang tinignan, pero ang loko hindi man lang ako sinulyapan, kahit na umuusok na ang ilong ko sa galit. "Bibilhin ko iyan dapat," sabi ko. Nakangisi siyang tumingin sa akin. "Dapat. Kaso naunahan kita," nang-iinis niyang sagot. "Dahil bastos ka," sabi ko. "Bastos ako?" Tinuro niya ang kaniyang sarili, saka pagak na tumawa. "Hayaan mo na, Georgie..." sabi ni Brad sa akin. Mukhang nainis din siya sa ginawa ng walang hiyang lalake sa harapan ko. Huminga ako nang malalim saka taas noong tinignan siya. "Sa'yo na lang iyan. Mas bagay sa'yo dahil mukha kang kabayo," sabi ko saka siya tinalikuran. Akala mo huh? "Wait!" awat niya sa akin. Hindi man lang yata siya naasar sa aking sinasabi. "Ibibigay ko sa'yo ito, basta ibigay mo lang sa akin ang clip na suot mo," aniya. "Magpalit tayo..." Looks like he's doing her girlfriend a favor. "You like it, right?" aniya habang pinaglalaruan ang keychain sa kaniyang kamay. Gusto ko talaga ang keychain. "Palit na tayo..." Ngumuso siya. Nagpapa-cute ba siya? Impit na tumili si Brad sa gilid ko. "Please?" ulit niya. Bumuntong hininga ako. Tamad ko siyang tinignan bago ko tinanggal ang hair clip sa aking buhok. Inabot ko sa kaniya gamit ang isang kamay ko, habang ang kabilang kamay ko naman ay inabot ang keychain. Ngumisi siya. "Mas bagay kay Alaiza ito," aniya. Napamaang ako. "Iyang kabayo ang bagay sa'yo..." Tumawa siya sabay talikod at kaway sa akin. Kinuyom ko ang aking kamao habang sinusundan siya ng tingin. Nagpunta ito kina Alaiza. Sinuot niya ang clip sa buhok ni daing na tilapya. Tuwang-tuwa ito. May patakip pa ng bunganga, akala mo nanalo ng Miss Universe. Inikot ko ang aking mga mata. "Mukhang naisahan ka, Miss Bustamante," pang-aasar ni Brad sa gilid ko. Tamad na akong gumanti. "Umuwi na tayo," aya ko sa kaibigan ko. "Mabuti pa nga... Bawi na lang tayo sa kanila sa susunod." Umuwi ako na nagngitngit sa inis sa ginawa ng Leo na iyon. Akala mo kung sinong guwapo! Napakayabang! KINAUMAGAHAN, tamad na tamad akong pumasok ng school. Mag-isa lang kasi ako ngayon, wala si Brad dahil may sakit daw siya. Tumawag siya sa landline kanina. Mabuti na lang at tapos na ang finals bago siya nagkasakit. May iba pa naman kaming kaibigan na puwede kong kasama, hindi nga lang kami close, 'di gaya ng samahan namin ni Brad. Sumama lang ako sa kanila para hindi ako magmukhang kawawa during lunch time. PAGKATAPOS naming mag-check ng test papers, nagpasya ako na umuwi na agad. Naglakad na muna ako papuntang puwesto ng ihawan, habang hinihitay ko ang sundo ko. Um-order ako ng dalawang barbeque at naupo muna sa gilid habang hinihintay itong maluto. Dahil wala ako sa aking sarili, hindi ko napansin na grupo pala nina Alaiza ang nakaupo mesa sa gilid. Kung hindi ko pa narinig ang sinasabi nila tungkol sa akin, hindi ko pa sila mapapansin. Hindi ko sila nilingon. "Baka takot dahil wala iyong boyfriend niya..." Napagkakamalhan talagang boyfriend ko si Brad. Kung sabagay, guwapo ito at lalake pa din siya kumilos. Maliban na lang kapag kasama namin ang ilang kaibigan namin, na alam ang tunay niyang pagkatao, o kaya kapag dalawa lang kami. Hindi ko pa din sila nilingon. Baka hindi nila alam kung sino ang binagangga nila. Pero wala akong planong magpakilala. Hindi ko ugali iyon. Hindi ko masasabi na mabait ako. Pero ang trato ko sa isang tao ay nakadepende sa trato nila sa akin.. Dumating din si Leo. Napatingin siya sa akin pero hindi ko siya binigyan ng pansin. Nang maluto na ang order ko, lumapit ako sa tindera upang bayaran ito. Umorder din ako ng palamig. Dito ko na lang kakainin, total dalawa lang naman ito. Kinagatan ko ang barbeque. Habang ngumunguya, napatingin ako sa gawi nina Leo. Napansin ko kasi na parang sa akin nakatuon ang kanilang mga mata. Nag-uusap ang mga babae, habang si Leo naman ay nakatingin sa aking direksyon. Gusto ko siyang ungusan o kaya taasan ng kilay, pero pinigilan ko ang sarili ko. Kunwari hindi siya ang tinignan ko. Ano naman kaya ang tinitingin-tingin niya? Tss! Binilisan kong ubusin ang kinakain ko. Tinapon ko sa basurahan ang stick at pagkatapos ay ininom ang palamig. Bago ako umalis, muli akong sumulyap sa gawi nina Leo. Nakatingin pa din siya sa akin. Ganda ko ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD