Kinuwento ko kay Brad ang nangyari kahapon sa may isawan na madalas naming tambayan.
Tawa siya nang tawa kahit wala namang nakakatawa sa kuwento ko.
"Hindi ka titigil?" naiirita kong banta sa kaniya.
"Ito naman, ang sungit. Natutuwa lang ako. Hindi kaya gusto kang gawing kabit ni Leo?" tanong niya na kinangiwi ko.
Ang lawak talaga ng imagination nitong kaibigan ko. Pero, no way na papayag akong maging kabit, no?
I deserve more than that!
Kahit naman nakakairita ang pagiging maangas ng Alaiza na iyon, na akala mo kung sino. Hindi ko pa din magagawa ang bagay na iyon.
Kapag ginawa ko iyon, parang ang baba ko namang uri ng babae. Duh? Ang dami pang lalake diyan. Madami pang mas higit sa isang Leo.
"Huwag na nga nating pag-usapan, nasira na ang mood ko..." sabi ko.
"Oo nga. Mukhang naagaw mo ang atensyon niya. Hmmm... Ano'ng pamilya kaya siya? Parang ngayon ko lang siya nakita, e. Sila ng Alaiza na iyon..."
"That's none of our business, Brad. Huwag na natin silang pag-usapan mula ngayon."
"Okay, sabi mo, e..."
Bumuntong hininga ako saka binaling ang aking tingin sa ibang mga kaklase namin na kaniya-kaniya ng ginagawa malabanan lang ang boredom.
Ang iba ay nagkukutuhan, nagbabasa ng libro.
PAGKATAPOS itirintas ni Brad ang buhok ko, sakto namang pinayagan na kaming umuwi ng aming adviser.
Naglakad kami hanggang sa may ihawan. Nauuhaw daw si Brad kaya bumili na muna kami ng palamig.
Inikot ko ang aking mga mata nang matanawan ko ang grupo nina Alaiza at Leo doon.
Tinitigan ako ni Brad. "Ano?" masungit kong tanong.
"Dapat wala kang pakialam sa kanila," paalala niya pero mas lalo lang akong nairita. Hindi talaga siya nauuhaw. Nagdahilan lang siya. Iniisip niya na narito sina Leo kaya niya ako inaya.
Pero gaya nga ng sinabi niya, wala dapat akong pakialam sa presensya nina Leo at Alaiza.
Bumili ako ng dalawang palamig. Pero itong si Brad nagawa pang um-order ng sampung piraso ng isaw ng manok.
Gigil akong tumingin sa kaniya. Pilit naman niyang tinatago ang mapang-asar niyang ngiti sa mga labi.
"Tara, umupo muna tayo doon," aya niya sa akin. Wala na din akong nagawa kundi ang magpatianod sa paghila niya. At saka natatakam din ako sa isaw.
Naupo kami sa mesa sa gilid. Katabi ng mesa kung saan nakapuwesto ang grupo nila.
Maingay sila, lalo na ang mga lalakeng kaibigan ni Leo.
Napansin ko naman ang pag-irap ni Alaiza sabay halukipkip.
Mukhang iritang-irita ito sa pagmumukha ko. Girl, the feeling is mutual.
Pasimpleng bumulong si Brad sa akin kaya iritable akong tumingin sa kaniya.
Ang ayos ng usapan namin kanina, tapos heto na naman siya at parang tinutulak pa ako na gumawa ng hindi maganda.
Hindi ako sumulyap kay Leo kahit pa ramdam ko ang mainit na paninitig niya sa akin.
Alam kong maganda ako. Pero huwag naman niya akong titigan lalo na kapag kasama niya ang kaniyang nobya.
Nakakairita. Kung nobyo ko iyan, baka mag-walk out ako.
Nang maluto ang order namin, tahimik kaming kumain ni Brad.
"Pahiram ako ng panyo mo," sabi ni Brad sa akin nang matuluan ng suka ang kaniyang suot na polo.
Kinuha ko mula sa aking bag pack ang panyo saka binigay sa kaniya.
Bago ko muling tinuon ang aking mga mata sa pagkain, hindi sinasadyang napatingin ako kay Leo. Nagtaka ako nang mapansin ko ang pagiging seryoso ng kaniyang mukha habang nakatingin sa amin ni Brad.
Mukha siyang galit sa hindi ko malamang kadahilanan. He even clenched his jaw.
Kumunot ang aking noo. Nang mapansin niya ang pagkakatitig ko sa kaniya, walang kurap niya akong tinitigan. Mukha siyang iritable.
Ano naman kaya ang problema niya?
Binalik ni Brad sa akin ang panyo. Pinunas ko ito sa gilid ng aking mga labi. Muli kong tinignan si Leo. Dumoble pa yata ang iritasyon sa kaniyang mukha ngayon.
What is his problem?
Mukhang napansin na din ng kaniyang nobya ang kaniyang ginagawa. Sa halip na agawin ang atensyon ni Leo, masamang tumingin si Alaiza sa akin.
Hindi ko na napigilang umirap din.
Pagkaubos ng pagkain, inaya ko na agad ang kaibigan ko na umalis.
Maglalakad na lang muna kami. Doon na lang namin hihintayin ang sundo ko, sa may waiting shed na may tatlong daang metro ang layo mula dito.
Madadaanan namin ang bahay nina Brad kaya sinasabay ko siya sa pag-uwi.
ARAW ngayon ng Linggo at bukas ng umaga ay recognition day na namin. Bukas din ang alis namin papuntang US. A-attend lang ako ng recognition para kunin ang aking medalya, pagkatapos, didiretso na kami ng airport.
Buong maghapon akong nag-ayos ng mga gamit na dadalhin ko papuntang US.
PAGKATAPOS kong kumain ng meryenda, nagpasya ako na bisitahin si Dash sa kuwadra. Matatagalan kaming hindi magkikita kaya magpapaalam ako sa kaniya.
Wala sina Manong Fred at Rico sa kuwadra. Sa isang katiwala ako nagpaalam, na mangangabayo lang ako saglit.
Nakarating kami ni Dash hanggang sa may batis.
"Dito ka lang muna, huh?" sambit ko. Tinali ko siya sa may punong kahoy na nasa gilid ng batuhan.
Nanguha ako ng mga bulaklak at mga vines. Ginawa ko itong flower crown.
Nang matapos, nilagay ko ito sa tuktok ng ulo ni Dash.
Binaling niya ang kaniyang ulo sa kabilang bahagi kaya natawa ako.
"Bagay kaya sa'yo," natatawang sabi ko.
Muli siyang bumaling sa kabilang bahagi.
"Ayaw mo?" Bumungisngis ako.
"Gagawa din ako ng akin para parehas tayo." Hinaplos-haplos ko ang kaniyang leeg saka ako naupo at gumawa ng akin.
Hindi ko pa natapos ang ginagawa ko, pero nangangawit na ang aking leeg.
Tutok na tutok ako sa aking ginagawa at hindi ko man lang napansin na may ibang tao na palang naririto.
Bahagya akong natigilan nang makita ko si Leo na nasa kabilang bahagi ng batis.
Nakatayo siya roon habang titig na titig sa akin.
Gusto kong itanong kung ano ang ginagawa niya dito. Kung kanina pa ba siya. Pero naalala ko na hindi pala kami close. Na nobyo siya ni Alaiza na maangas. Na mayabang siya gaya ng nobya niya.
Ako ang unang nagbawi ng tingin. Pinagpatuloy ko ang aking ginagawa, kahit pa hindi ako komportable sa kaniyang presensya.
Tumikhim siya, pero ganunpaman, hindi ko siya sinulyapan.
"Sabi na nga ba at nandito ka!"
Nabulabog ang katahimikan ng lugar dahil sa pagdating ni Brad. Oo nga pala, tinawagan ko siya kanina at sinabing mangangabayo kami. Hindi ko na siya nahintay dahil ang sabi ko, dapat alas-tres nasa bahay na siya, kaso hindi siya dumating sa tamang oras.
"Ang tagal mo, kaya dumiretso na ako dito..." sagot ko.
"Sana hinintay mo ako sa may niyugan," aniya. Ngumisi siya.
"May usapan ba kayo na magkikita dito?" Mahina siyang tumawa.
Ano'ng usapan ang pinagsasabi niya?
"Hi," bati niya kay Leo.
"Ano'ng ginagawa mo diyan?"
Hindi sumagot si Leo. Nagkibit balikat lang siya. Dahil pipi ang kausap, nagpasya si Brad na mamitas din ng bulaklak. Naiiling na lang ako sa kaibigan.
Baka mamaya malaman ni Leo ang kaniyang sikreto dahil sa kaniyang ginagawa.
Nang matapos ko ang flower crown, nilagay ko ito sa aking ulo. Sinuklay-suklay ko ang aking kulay mais na buhok.
"Bagay ba?" tanong ko kay Brad.
"Hindi ko alam. Itanong mo kay Leo," sagot niya.
Umirap ako sabay baling kay Leo na awang ang bibig habang nakatingin sa akin.
Ano'ng nangyayari sa kaniya?
Kinurap-kurap ko ang aking mga mata. Nakipagtitigan saglit, pero agad ding naputol ang aming titigan nang makarinig ako ng mga boses.
Mukhang galing iyon sa may falls. Kasama niya yata ang kaniyang nobya at mga kaibigan.
Bumuntong hininga siya, saka dahan-dahang pumihit at naglakad sa direksyon na papuntang falls.
"Umuwi na tayo," sabi ko kay Brad.
Taas kilay siyang nakatingin sa akin pero inignora ko lang siya.
"Nagtataka ako sa pagkatao ni Leo," aniya.
"Isa kaya siyang Cervantes?" tanong niya. Napaawang ang kaniyang labi at parang maging siya ay nagulat sa kaniyang tinuran.
"Oh my! What if?"
"So?" tanong ko naman.
"Hindi kayo puwede kung isa siyang Cervantes..." Mabilis akong tumayo at nilapitan siya upang batukan.
Kung ano-ano ang naiisip at pinagsasabi.
"Ito naman," reklamo niya.
"Hindi ko siya type. Ke-Cervantes man siya o hindi, hindi ko siya gusto."
"Okay! Okay!"
"Bago tayo umalis, silipin kaya natin sila sa may falls."
"Huwag na," mabilis kong tanggi.
Nauna na siyang maglakad papunta doon.
Nagkubli siya sa may maliit na puno.
Nagkakasiyahan ang mga grupo nina Leo. Kasama niya ang kaniyang mga kaibigan at si Alaiza. May kasama din silang dalawa pang lalake na parang namumukhaan ko.
Nakatayo sila sa may taas at mukhang planong tumalon mula doon.
"Mga Cervantes," bulong ni Brad.
Tinutukoy ang dalawang lalake. May kulay tan silang balat, na nakuha nila sa kulay ng tatay ng kanilang ama.
"Go, Kuya!" sigaw ni Alaiza.
"Kaya pala maangas, isa pala siyang Cervantes," bulong ulit ni Brad.
Wala kasi akong interes sa mga Cervantes kaya wala akong kaalam-alam sa kanila, sa mga myembro ng kanilang pamilya.
Baka may nakakasalubong na pala akong myembro ng pamilya nila, pero wala man lang ako ideya sa kanilang pagkakakilanlan.
Pinagmasdan ko si Leo na walang imik, habang nakaupo sa may malaking bato.
Kaya pala maangas ka din, dahil isang Cervantes ang nobya mo.
Tsk!
HABANG nasa daan kami pauwi, bukambibig na ni Brad ang tungkol kay Leo at Alaiza.
"Stop na," sabi ko. "Kailangan na nating iwasan ang grupo nila mula ngayon. Sa pasukan, hindi na tayo puwedeng tumambay sa may ihawan kapag nandoon sila."
Brad knows what I mean. He nodded. Hindi ako puwedeng gumawa ng gulo. Hindi ako puwedeng gumawa ng bagay na puwedeng pagsimulan ng panibagong hidwaan sa pagitan namin ng mga Cervantes.
"THANK you, Georgina!" pasalamat ng mga kaklase ko nang bigyan ko sila ng mga chocolate na binili ko pa sa US.
Unang araw ngayon ng pasukan.
"Plano mo bang kumandidato?" Napangiwi ako sa tanong nila.
"Wala akong plano na pumasok sa politika," sagot ko. "Ako na lang siguro ang magma-manage ng farm namin, total hindi naman interesado ang mga kuya ko sa negosyo ng pamilya."
"Sayang naman, Georgina!" Ngumuso ako. Wala talaga akong plano. At kahit tumuntong ako ng tamang edad, tiyak na hindi mababali ang desisyon kong ito. Magulo ang politika. I won't risk.
PAGKATAPOS ng klase naglakad ulit kami ni Brad. Nang makita namin ang grupo nina Leo sa ihawan, awtomatiko na nagtuloy-tuloy kami ng paglalakad.
Ni hindi na din ako nag-abala pang lumingon sa kanila.
KINAUMAGAHAN naging bali-balita ang pag-transfer ng mga Cervantes sa pinapasukan naming eskwelahan.
"Ang guwapo pa man din ng mga Cervantes," tumili ang ibang mga babae naming kaklase.
"Sorry, Georgina..." Inikot ko ang aking mga mata.
"Ikaw naman, ang guwapo kaya nila. Gaya ng mga kuya mo. Kaso, madamot ka!"
Tumawa ako. "Huwag na ang mga kuya ko," mga babaero ang mga iyon. I'm sure, babaero din ang mga Cervantes.
Hindi ko na lang sinatinig at baka magkaroon pa ako ng kaaway.
The next day, nagkakagulo ang mga estudyante dahil sa pagdating ng mga Cervantes. Ang ilang mga high school students ay dumayo pa sa college building para masilayan ang dalawang lalakeng Cervantes.
Pagdating ko sa may hallway, nagkakagulo din ang ibang mga estudyante.
Nagkatinginan kami ni Brad nang makita namin ang grupo nina Leo. Pati sila nag-transfer din dito sa high school!
Ano'ng meron?
Nang makahuma ako diretso akong humakbang papasok ng aming classroom. Kunwari walang pakialam sa mga transferee.
Laking pasalamat ko dahil hindi ko sila kapareho ng section. I don't know how to survive a day with them. In one room. Naiirita ako.
Maingay ang grupo nina Leo kahit bagong lipat lang sila dito sa school namin. Madami silang kakilala at sikat na sikat agad sila. Magaling silang makisama.
Hindi gaya ko na tamad makipagsalamuha. Well, not my thing. Doon lang ako sa mga taong totoo.
"Huwag mong sabihin na plano mo na ding mag-transfer," sabi ni Brad sa akin.
Iyan nga din ang iniisip ko ngayon. Kaso tiyak na hindi ako papayagan nina Mommy. Ayaw ko din namang sabihin sa kanila ang tungkol sa mga Cervantes, I'm sure sasabihin lang nila na kailangan kong ipakita sa kanila na isa akong Bustamante.
WALA ang teacher sa panghuling subject ko, kaya nagpasya ako na sa library na lang hintayin si Brad. May meeting kasi sila ngayon sa team nila. Kasali si Brad sa volleyball team. Isa siyang athlete kaya hindi halata ng iba ang pagiging malambot niya.
Naupo ako sa sahig sa pinakadulong bahagi na bookshelf, dito sa library, kung saan hindi na nararating ng ibang mga estudyante.
"Pumuwesto ka na lang sa iba, huwag lang dito. Nauna ako," iritable kong sabi nang dumating si Leo.
Sa halip na umalis, naupo pa talaga siya sa sahig, may isang dipa ang layo mula sa akin.
Masungit ko siyang tinignan pero nginisihan lang niya ako.
"Magbasa ka lang, I won't make any noise..."
Humalukipkip siya sabay sandal ng kaniyang likod sa shelf sa kaniyang likuran. Pinikit niya ang kaniyang mga mata. Mukhang nandito siya para matulog. At kataka-taka na hindi niya kasama ang nobya niya.
"If my presence bother you, that's not my problem anymore," sabi niya.
Hindi ko na lang siya pinansin pa. Mukhang nandito siya para asarin ako. Nauna ako dito kaya hindi ako aalis.
Nawili ako sa pagbabasa. Pansamantalang nawala sa aking isip ang tungkol kay Leo sa aking tabi.
"You read romance novels?" tanong niya.
Ako ba ang kausap niya?
"Snobbera," bulong niya.
"Don't talk to me." Nagsukatan kami ng tingin. He smirked. Tuwang-tuwa sa iritado kong mukha.
"Bakit?" mataray kong tanong.
"You're— Tumikhim siya.
"Ano? Ayusin mo ang sasabihin mo, kung hindi lagot ka sa akin."
He laughed. Sinenyasan ko naman siya na manahimik. Mamaya may makarinig sa amin. Isumbong pa kami sa nobya niya.
May nobya nga pala siya!
Mabilis akong tumayo. Hihiramin ko na lang itong libro at sa bahay na lang babasahin.
"Aalis ka na?" tanong niya. Bakit bigla na lang feeling close itong lalakeng 'to?
"Dito ka na muna. If you're not comfortable with my presence. Ako na lang ang aalis," aniya.
Pinagmasdan ko siya. Why is he acting like this?
"Uuwi na ako," sabi ko.