ISA SIYANG KAAWAY

3033 Words
NAGKATINGINAN kami ni Leo nang magkasabay kami sa canteen. Kasama niya ang kaniyang mga kaibigan at nobya, at ako naman ay kasama si Brad. Ako din ang unang nag-iwas ng tingin nang tipid siyang ngumiti. Napatingin pa ako sa aking likod, baka doon siya nakatingin, pero wala, nakatalikod naman ang tao sa aking likuran. Nakangiti siya sa akin. Bakit niya ako nginingitian? "May hindi ba ako nalalaman?" tanong ni Brad nang mapatingin siya sa gawi ni Leo habang kumakain kami. Napansin niya marahil ang paminsan-minsang pagngiti sa akin ng lalake. Umiling ako at hindi sumagot. "May nangyari ba? May hindi ka sinasabi sa akin?" "Ano naman?" maang kong tanong. Hindi ko sinasabi sa kaniya ang tungkol sa nangyari kahapon sa library. Tiyak na tutuksuhin na naman niya ako kung nagkataon. Buong linggo na ganoon si Leo. Nakatingin sa akin at kapag magtatagpo ang aming mga mata, ngingiti siya. I didn't smile back. I just find it weird making some friendly gestures towards him. Most especially that, he already has a girlfriend. At isang Cervantes pa. Ayaw kong magkaroon ng issue at gulo lalo kung kaming tatlo nina Alaiza ang involve. I just hate the idea that a Bustamante is a relationship wrecker. We're better than that. So when, weekends came, nakahinga ako nang maluwag. Kahit sabado, busy sina Mommy at Daddy kaya mga kapatid ko lang ang kasama ko buong araw. Plano kong magkulong lang sa kuwarto at matulog maghapon, pero pinipilit ako nina Kuya na makisalamuha sa kanila ng kanilang mga kaibigan. Ang ingay nila sa may pool na katapat lang ng aking kuwarto. I don't like some of their friends, lalo na ang mga babae. Panay ang tili na akala mo kinikiliting baboy. "May usapan pala kami ngayon ni Brad," pagsisinungaling ko. Kapag sasabihin kong ayaw ko sa kanilang mga kaibigan, they would say I need to practice getting along with others, those with different characters. "Dapat friendly ka. Para sa future career mo," sabi niya na kinangiwi ko. Wala akong plano na sumabak sa politika. Swear. "Mag-enjoy kayo!" sabi ko na lang. Kumuha ako ng snacks sa may pantry at nilagay sa bayong. Nagpaalam ako kay Manang na pupunta lang ako ng farm. "Sige, mag-iingat ka. Kung kailan hapon saka ka na naman lalabas..." Ngumiti na lang ako at hindi sinagot si Manang. Baka mapunta na naman sa sermon ang sasabihin niya. Nasa kuwadra si Rico pagdating ko. Inaayos nila ng kaniyang ama ang mga pagkain ng mga kabayo. "Hello po!" Kumaway ako habang palapit sa kinaroroonan nila. Binigyan ko sila ng tinapay na dala ko. "Georgina! Plano mo bang pumasok sa politika?" pabirong tanong ni Manong Fred. "Hindi po, a..." Ngumuso ako. Tumawa lang siya. "Busog na si Dash. Huwag ka lang lalayo, kasi mamayang unti, gabi na," paalala niya sa akin. Nagpunta kami ni Dash sa may batis. Nilatag ko ang dala kong maliit na kumot sa gilid saka naupo. Nilabas ko ang chips na dala ko saka sinimulang magbasa ng libro habang kumakain. "Boo!" Sa gulat ko, napaghahampas ko si Leo. "Ano'ng ginagawa mo dito?" naiinis kong tanong sa kaniya. Tuwang-tuwa pa siya sa kaniyang ginawa, samantalang halos atakehin ako sa puso sa pagkagulat. "Kanina pa ako sa kabila, hindi mo man lang ako napansin," sagot niya. "Ano'ng ginagawa mo?!" naiirita kong tanong sa kaniya nang basta na lang siyang naupo sa tabi ko, sa nakalatag na kumot. "Nakikiupo. Makikikain, bawal ba?" nakanguso niyang tanong. Basta na lang siyang kumuha ng chips. "Oo, bawal!" "Ang damot naman..." Hindi naman ako madamot kahit na kanino, nakakainis lang kasi na isang kaaway ang nakikipag-usap sa akin at nanghihingi ng pagkain. Oo, isa siyang kaaway dahil kay Alaiza. Isang Cervantes si Alaiza. Hinayaan ko na lang siya na kumuha ng pagkain ko. Total kami lang naman ang taong naririto ngayon. "Nasaan pala ang nobya mo?" Binalikan ko ang binabasa kong libro. "Sino?" maang niyang tanong. Inikot ko ang aking mga mata saka siya iritadong tinignan. "Iyong kasa-kasama mo lagi," sabi ko. Saglit siyang nag-isip. Ano'ng drama niya. "Wala akong girlfriend..." As if maniniwala ako. Mukhang may plano itong lalakeng ito sa akin. Plano ba niyang kunin ang loob ko? Planong pahulugin ang loob ko sa kaniya. Iniisip ko ang maaring dahilan ng bigla niyang pakikipaglapit sa akin. Sa pagkakatanda ko, inagaw niya sa akin ang gusto kong keychain para lang makuha sa akin ang hair clip na gusto ni Alaiza. Tapos sinabihan ako na mas bagay ang clip sa kaniyang nobya. Am I part of a bet? Pinangpustahan ba nila ako? "Tutok na tutok ka naman sa binabasa mo." "Nagpunta ako dito para basahin itong libro..." sagot ko naman. Panay ang subo niya sa chips. Gusto ko siyang sitahin kaso baka sabihin na masyado akong madamot. "Paubos na," aniya. Para bang nagpapapansin, dahil hindi na nga ako umiimik, panay pa din ang salita niya. "Georgina, right?" tanong niya. Hindi pa din ako sumagot. "George," sambit niya. He's giving me a nickname. Nilingon ko siya. "Say ah," aniya sabay umang ng chips sa aking bibig. Kumunot ang noo ko. "Ah," ulit niya, pero hindi ko siya sinunod. "You're so cold," aniya. "Ano ba ang kailangan mo sa akin?" prangka kong tanong. "I just want to be friends with you." "Ayaw ko nang dagdagan ang iilan na kaibigan ko," pairap kong sagot. "I don't really want to be friends with you..." Mahina siyang tumawa. "Oh, di lumayas ka dito sa puwesto ko." "Ang sungit mo talaga," sabi niya. "Like I care." Sinara ko na ang libro. Hapon na at ilang sandali lang magdidilim na din. Inayos ko ang mga dala ko sa may bayong. "Uuwi ka na?" tanong niya. "Oo, hindi ako puwedeng gabihin." Tumayo siya at siya na din mismo ang nagtiklop ng kumot. "Okay, mag-ingat ka..." Ngumiti siya, labas ang kaniyang mapuputi at pantay-pantay na ngipin. "Okay," sagot ko. Pumalatak siya pero tinalikuran ko na siya. He's probably expecting me to answer him with thank you. Ayaw ko nga! "Balik ka bukas dito," aniya. "Bakit?" tanong ko. Plano ko ngang magpunta bukas ng tanghali dito, pero dahil mukhang pupunta siya, baka hindi na lang ako tutuloy kung ganoon. "Papalitan ko ang chips mo na kinain ko." Napatingin ako sa kaniyang kamay. Hawak pa din niya ang platic ng chips kahit ubos na. Baka plano pa niyang iuwi ito bilang remembrance, isip-isip ko. But why would he do that? "It's okay. Madami pa naman ako sa bahay." Amused ko siyang tinignan ng inikot niya ang kaniyang mga mata. "Hihintayin kita bukas," sabi niya. "Hindi ako makakapunta." "Hihintayin pa din kita." "Bakit?" tanong ko. "We shouldn't be friends." "Why not?" kunot noong tanong niya. "I just don't want to be friends with you..." Naglakad na ako paalis. "George!" Bahala ka nga diyan. Hindi kita maintindihan. Hindi ko alam kung ano ba ang pakay mo sa akin. Baka mamaya pinagtitripan niyo pala ako ng mga kaibigan mo. SINABI ko na hindi ako pupunta, pero kinaumagahan, namalayan ko na lang ang aking sarili na nakasakay na ng kabayo habang papunta sa may batis. Nasa kabilang bahagi siya pagdating ko. "Sabi na, e.. Babalik ka," nakangiti niyang sabi. Ala-una lang ng hapon. Dahil madaming mga matatayog na puno sa paligid, hindi mainit. Nagkibit balikat lang ako. Tumayo siya at tinawid ang batis. May bitbit siyang basket. Wala akong dalang kahit na ano ngayon, dahil nagpunta lang ako para tignan kung nandito nga siya. Binuksan niya ang basket at nilatag ang dala na pansapin. Nilabas niya ang dalawang balot ng chips na dala, pati na din ang ilang tetra pack ng juice na may iba't ibang flavor. May bottled water din siya at may nakalagay sa styrofoam na pagkain. "Mukhang hindi ka nakatulog kagabi sa paghahanda ng mga dala mo, a..." biro ko. Nagkamot siya ng kaniyang ulo. Bahagya pang namula ang kaniyang pisngi. No way! May gusto ba siya sa akin? "Parang ganoon na nga, akala ko hindi ka dadating. Kanina pa kita hinihintay." Bumuntong hininga ako. Ilang oras siyang naghintay? What if hindi ako dumating? Hihintayin ba niya ako hanggang hapon? tanong na hindi ko sinatinig dahil ayaw kong marinig ang kaniyang sagot. I don't want to start something that will make me uncomfortable later on. "May dala akong kakanin, you want to try?" tanong niya. Binuksan niya ang styro. Mukhang binili niya ito sa may bayan, sa may sikat na tindahan ng kakanin doon. I don't want to be rude, kaya tinanggap ko ang tinidor na binibigay niya. Kumuha ako ng kakanin at sinubo. Ganoon din ang ginawa niya. And then, our eyes met. He licked his upper lips, that makes my cheek blushed. Nag-iwas ako ng tingin. "Gusto mo ng juice?" tanong niya sabay abot ng juice. Tinanggap ko na lang din, para may mapagtuunan ako ng pansin at hindi ang kaniyang labi. Kinagat niya ang kaniyang labi. Naalala ko ang tinapos kong romance novel. The guy licked his lips, bit his lower lip before he move closer to the woman he likes. And then slowly, their lips met. OMG! Ew! Hindi siya nagsasalita kaya naging awkward bigla. Tinatanong ko ang aking sarili kung bakit nandito ako ngayon kasama siya. "Boyfriend mo ba iyong lagi mong kasama?" tanong niya. "Nope." "Manliligaw?" "No. He's my bestfriend." "Oh..." Tumango-tango siya. "Bakit?" tanong ko. "Walang bestfriend na babae at lalake." Talaga lang huh? Gusto kong itanong ang tungkol sa kanila ni Alaiza pero ayaw kong bigyan niya ng kahulugan. "Meron," sabi ko. Kaso pusong babae nga pala si Brad. Nakalahati namin ang kakanin. I said thank you. "Welcome," nakangiti niyang sagot. "Nandito ka dati, di ba?" tanong niya bigla pagkatapos ng ilang minuto na tahimik kaming parehas. Lito ko siyang tinignan. "Nandito ka noon, kasama ang kabayo mo. Sinisilipan mo ako habang naliligo sa may falls." Napamaang ako. Tumawa naman siya. "Sabi na, e. Ikaw nga iyon!" Sumimangot ako. "Sobra ka sa bintang mo. As if may masisilip sa'yo. Hindi nga perfect ang abs mo gaya sa mga kuya ko." Umingos ako. Mangha siyang tumingin sa akin. Pagkatapos ay matamis siyang ngumiti. "Napansin mo pa talaga ang abs ko, huh?" Tuwang-tuwa siya. May pailing-iling pa siya. Naging cute siya bigla sa paningin ko. "Ewan ko sa'yo. Hindi perfect ang abs mo kaya hindi kita pagnanasahan kung iyan ang gusto mong sabihin." Tumawa ulit siya. "Bakit?" nako-consious kong tanong, nang hindi na maalis-alis sa akin ang mga titig niya. "Ang ganda mo, George..." What? Oh no! "Alam ko," sagot ko sabay iwas ng tingin. "I like you..." anas niya. Ano?! Nagsalubong ang aming mga tingin. Malamlam ang kaniyang mga mata, samantalang nanlalaki naman ang akin, dahil hindi makapaniwala sa kaniyang sinabi. Kailangan ko na bang umalis? Kailangan ko ng umalis! "Hey, Leonardo!" sigaw mula sa kabilang bahagi ng batis na nakaagaw ng aming pansin. Nagmura si Leo, nang makita niya ang dalawang Cervantes sa tawid. Gimbal naman akong nakatingin sa kanila. Hindi ako naging komportable bigla. Maybe I should go home now. "Bustamante..." dinig kong sambit ng dalawa. Nagkatinginan sila bago muling bumaling sa amin. "Ano'ng ginagawa niyo dito?" masungit na tanong ni Leo. Nagkibit balikat ang dalawa. "Bawal ba kami dito?" tanong naman ng isa. "Ikaw, ano'ng ginagawa mo diyan sa teritoryo ng mga Bustamante." Nag-init ang aking mukha. Bigla din akong sinalakay ng matinding kaba. "Wala kayong paki," sabi ni Leo. "Umalis na kayo, you're making George uncomfortable..." Tumawa ang dalawa. "Sorry, George. Huwag kang matakot sa amin." "Puwede ba kaming magpunta diyan?" paalam nila. Huh? Napatingin ako kay Leo. Umiling siya. Para bang sinasabi na huwag kong payagan ang dalawa. "Wala naman kayong plano na masama sa akin, di ba?" tanong ko. Malakas silang tumawa. "Ano'ng plano? You're a minor, bawal ka naming ligawan." Bumulanghit silang dalawa sa tawa. Napatingin ako kay Leo na matalas ang mga mata na nakatingin sa kanila. "Tatawid kami diyan. Wala ka namang sniper sa paligid, no?" Napangiwi ako. "What am I, a mafia?" Tumawa ulit sila. Tumawid sila sa batis at nang makarating sila dito sa tawid, naupo sila sa magkabilang gilid namin ni Leo. "Hi, I'm Jonathan and this is Matias." "Georgina po..." "Huwag ka ng mag-po, hindi naman nagkakalayo ang mga edad natin," sabi ni Kuya Jonathan. "Really? Matanda kayo ng limang taon sa kaniya," sarkastikong sabad ni Leo. Tumawa ang dalawa. "Masyado kang seloso, Leo." Nag-iwas ako ng tingin. "Dala mo ang mga ito, George?" "Call her Georgina. Ako lang ang puwedeng tumawag sa kaniya ng George," matalas na sabi ni Leo. Ano'ng problema ng lalakeng 'to? Bigla na lang nag-iba ang tono. Ang sungit. At saka, di ba, kapatid ang mga 'to ng kaniyang nobya? "Ahm... Dala ni Leo." Napatango ang dalawang Cervantes. "Kaya pala nawawala iyong kakanin na pinabili ni Mommy sa katiwala." Nagtawanan ulit sila. Nakaramdam ako ng hiya. Ninakaw ba ni Leo ang mga 'to? At saan siya nakatira? Nagsasama na ba sila ni Alaiza? Tapos sasabihin niya na gusto niya ako? Gusto ko siyang sapakin. Nagngingitngit ako sa galit pero kailangan kong kontrolin ang aking sarili. "Gaano na kayo katagal na magkakilala nitong kapatid ko, Geor—Oo na, Georgina..." "Hindi ko po siya kilala." "What?" natatawang tanong ni Kuya Matias. Totoo naman. Madami pa akong hindi alam sa kaniya kaya hindi ko pa siya lubos na kilala. Teka! T-Teka! Napatingin ako kina Leo, kay Kuya Matias at Kuya Jonathan. Did he say kapatid? "Kapatid niyo?" Tinuro ko silang dalawa. "S-Siya?" Tinuro ko si Leo. "Yeah. Hindi mo alam? Bunso namin siyang kapatid." Oh my! What am I into? "H-Hindi ko po alam. Ang alam ko, si Alaiza ang kapatid niyo." "Alaiza?" "Opo, iyong girlfriend ni Leo." "Girlfriend?!" sabay-sabay na tanong nilang tatlo. "Bakit?" tanong ko. "Girlfriend mo pala si Alaiza?" tanong ni Kuya Matias sa kaniyang kapatid. "Kung ganoon, puwede kami ni Georgina," sabi din ni Kuya Jonathan. "Hindi ko siya girlfriend, and don't you dare, Kuya!" Tumawa ulit ang dalawang matandang Cervantes. Hindi ako makapaniwala. Kapatid nila. "Magkababata sina Alaiza at Leo. They are just friends," sabi ni Kuya Matias. "Walang magkaibigan na babae at lalake," sabi ko. "Oh?" Tinignan ng dalawa ang bunsong kapatid. "Hindi ko nga siya girlfriend," pagpupumilit naman ni Leo. "Bakit ka naman galit magpaliwanag, Bro?" pang-iinis ni Kuya Jonathan. "Kung ayaw mo sa kapatid ko, I'm available Georgina." Mabilis na tumayo si Kuya Jonathan at nagmamadaling lumayo. Tumatawa namang sumunod sa kaniya si Kuya Matias. "Mag-swimming tayo, Georgina." "Wala bang nakahanda na firing squad doon para sa akin?" biro kong tanong. "Hindi ko alam na may Bustamante pala dito, kaya hindi ko sila natimbrehan," sagot naman niya. Malakas akong tumawa. And it makes Leo look irritated. "Kayo na lang, dito lang kami ni George," sabi niya sa kaniyang mga kapatid. "Okay, galingan mo ang panliligaw. At kung magligawan kayo, siguraduhin niyong kaya niyong panindigan." Seryoso nila kaming tinignan. Napalunok ako. Dahil sa sinabi niya, naalala ko si Daddy. Naalala ko na isa nga pala akong Bustamante. At si Leo ay isang Cervantes. "Huwag mo silang pansinin," sabi ni Leo. Tahimik ako. Ilang oras lang ang nakalipas, parang nayanig bigla ang aking pagkatao. "George, ayos ka lang?" "Huh? O-Oo, ayos lang ako. Hindi ka ba susunod sa mga kapatid mo?" tanong ko. "Hindi, dito lang ako. Dito lang tayo." Natahimik ulit ako. Iniisip ko kung kailangan ko na bang umalis dito. Kung kailangan ko na bang umuwi. "May celphone ka ba?" tanong niya ulit. "Wala, e." Alam kong kayang-kaya akong bilhan ng mga magulang ko ng celphone pero hindi ko naman kasi magagamit kaya tinanggihan ko nang gusto akong bilhan ni Mommy sa US. Ayaw ko lang gumastos sa bagay na hindi ko naman magagamit. "Landline?" tanong ulit. "Seryoso?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. "Tatawagan mo ako sa landline namin? Ano'ng sasabihin mo? Hello, Si Leo Cervantes po ito. Puwede ko po bang makausap si Georgina Bustamante?" Tumawa siya. "Puwede," aniya kaya inirapan ko siya. "Uuwi na ako, Leo." "Maaga pa kaya..." "May assignment pa ako," dahilan ko. "Okay, see you tomorrow." Marahan akong tumayo. "Salamat sa food." Ngumiti ako. "You're welcome. Sa weekend ulit?" "Huh?" "Magkita ulit tayo dito." "Hindi ko alam," sagot ko. Hindi ko alam kung dapat pa ba kitang pansinin mula bukas. "Bye," paalam ko. Bago ako makarating kay Dash, nilingon ko siya. Sinundan niya ako. "George. Kung iniisip mo na girlfriend ko si Alaiza, nagkakamali ka. Wala kaming relasyon. Kababata ko lang siya. Parang kapatid." Ngumiti ako at tumango. Sumakay ako kay Dash. "You look beautiful..." Ano ba naman iyan! Plano pa yata akong hindi patulugin. Litong-lito na nga ako sa mga nangyari lalong-lalo na sa mga nalaman ko tapos kung ano-ano pa ang pinagsasabi niya. "Sige na, alis na ako. Sumunod ka na din sa mga kapatid mo at baka may ibang makakita sa'yo dito." "Okay. Mag-ingat ka. See you tomorrow." "Okay, see you..." Pero hindi ko alam kung papansinin pa kita mula bukas. NANGHIHINA ako pagdating ko sa aking silid. Tamad akong nahiga sa kama at ilang sandali na napatulala sa may kisame. Kung hindi pa ako kinatok ng maid, para sabihing nandiyan na sina Mommy at nakahanda na ang hapunan, hindi pa din talaga ako kikilos. Pumasok ako ng banyo para maghilamos. Nagpalit ako ng maayos na damit bago ako bumaba para maghapunan. As usual, nagkukuwentuhan na naman sila tungkol sa politika. Tinatanong ako ni Daddy kung gusto ko na bang sumabak. Tumakbo daw ako na SK. "Dad," tutol ko. "You have a good heart, hija. At iyan ang kailangan ng mga tao." Bumuntong hininga ako. "Huwag mo na muna siyang pilitin, Mahal. Bakit hindi na lang natin siya pasalihin sa beauty pageant sa bayan." Umiling-iling ako. "Georgina, hindi mo dapat namimis ang mga bagay na ito habang bata ka pa. Enjoy life..." sabi ni Kuya Solomon. "Nahihiya po ako, hindi ako marunong rumampa. Hindi ako confident." "We'll get you a trainer. Balita ko may pambato na ang mga Cervantes..." Sabi ko na nga ba, e. "Nasa abroad iyong dalaga nila, di ba?" tanong ni Dad. "Iyong inaanak yata nila," sabi naman ni Mom. Sino? Si Alaiza ba? "Pag-isipan mo, Anak," sabi ni Mommy. "Okay po." Pumalakpak si Mommy. "Mom, hindi pa po ako um-oo." Ngumuso siya. "Sige na, Anak. For mommy." Bumuntong hininga ako. Mukhang hindi niya ako tatantanan hangga't hindi ako um-oo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD