Mula pagmulat ko ng aking mga mata, hindi ko na mapigilang maging emosyonal. Hindi ko din maintindihan ang aking sarili. Dahil kahit habang naliligo ako, hindi ko mapigilan ang panunubig ng aking mga mata. Niyakap ako ni Lilienne. "Sobrang emosyonal naman ng bride." Ilang minuto kaming nag-iyakan na dalawa. "I'm happy for you, Mommy! Masaya ako para sa inyo ni Daddy. Huwag ka ng umiyak." Nagtawanan kami. Naiiyak lang talaga ako sa sobrang kasiyahan. "Iba pa din pala ang pakiramdam na ikakasal sa harapan ng Diyos," sambit ko. "Hmmm. Tama na muna iyan, paano ka ma-me-make up-an kung panay iyak ka?" sabi niya sabay halik sa akin at yakap. Matapos ang isang oras mahigit na preparasyon, pagkuha ng video at picture. Bumaba na ako dahil nasa labas na daw ang karwahe na maghahatid sa a