CHRISTMAS break is coming. Ang bilis lumipas ng araw. Ilang buwan na kaming magkasintahan ni Leo. Ilang monthsary na ang c-in-elebrate naming dalawa. Kada buwan ay may mga pakulo siya. He's sweet and generous. Ilang bulaklak na ang binigay niya sa akin. Ilang regalo na din ang binili niya. Wala pa akong naibibigay sa kaniya. And I am planning to give him something special. Today is Saturday. At nasa plaza kami ni Brad para tumingin ng panregalo para sa Christmas party sa Thursday. Libro ang binili ko para sa nabunot ko. Ang nasa wishlist niya mismo ang binili ko para sa kaniya. Tatlo iyon at kahit alin daw sa mga ito. Since malaki naman ang binigay na pera nina Daddy at Mommy sa akin, binili ko na lang ang tatlo, para masiyahan siya. Mahirap lang daw ang buhay nila sabi ni Brad.