"SAAN ka galing?" tanong ni Mommy sa akin. Nasa labas siya ng bahay, hinihintay ako. "Galing po ako sa falls." Nag-swimming at nagpalamig lang ng kaunti. I really like it in there. "Wala kang kasama? Ginabi ka pa..." Ngumiti ako at umiling. Lagi na lang nilang sinasabi na mapanganib ang parte ng lupain namin na iyon. I wonder if that's what also the Bustamante are telling their kids, that it's dangerous out there. I saw a girl earlier. She's behind the bushes and trees. Mukhang nasa boundary din siya ng kanilang lupain upang mag-relax. Pero nang napansin na may ibang tao. Nagtago siya. Likod lang niya ang nakita ko. Ang kaniyang mahabang buhok na kulay mais. It's been years. Wala na akong balita sa mga Bustamante, lalo na sa kanilang babaeng anak. Ano na kaya ang itsura