Tumulong ako para i-surprise ang aking bestfriend pero ako pa pala itong masusurpresa dahil sa mga nalaman ko. Hindi ko lubos akalain na may pagtingin pala sa akin ang nag-iisang bestfriend ko. Buong akala ko, hindi siya nagkakagusto sa babae. Hindi ko kasi siya napapansin na napapatingin sa ibang mga babae kahit pa mga beauty queen o kaya model pa ang mga ito. Iyon pala, ako ang gusto niya. Hindi ko alam kung bakit niya iyon kinimkim. Ni minsan hindi man lang siya nagpahiwatig sa akin na may nararamdaman na pala siya para sa akin. Or maybe, he tried but I didn't see or feel it that way because I'm too comfortable with him. Tapos bakla pa ang tingin ko sa kaniya. I wonder, when did he start to like me? When did he start to fall for me? Dahan-dahan akong nagpakawala ng marahas na