PAGKATAPOS magbihis ni Lilienne agad na siyang lumabas ng kaniyang silid. Pinuntahan niya ang kaniyang mga magulang na kasalukuyang nagpapaaraw sa may balkunahe. "Uuwi ka na?" tanong ng kaniyang ina nang makita siya na bihis na bihis. "Hindi pa po, Mommy. May aasikasuhin lang po ako sa labas saglit. Hindi rin ako magtatagal." "Okay, Anak. Mag-ingat ka." "Magdala ka ng bodyguards," sabi naman ng kaniyang daddy. Humalik muna siya sa pisngi ng kaniyang mga magulang bago bumaba. Paglabas niya ng maindoor nang mansyon, naroon na ang driver ni Darius na kanina pa naghihintay sa kaniya. Dala nito ang isa sa magarang sasakyan ni Darius. At sa isang SUV naman ay sakay ang anim na tauhan ni Darius. Hindi siya puwedeng lumabas ng mag-isa lalo sa Manila, dahil sa mga nangyari sa past. Ka