WON'T GIVE UP

2121 Words
UMUWI ako agad dahil may mga bisita daw na dumating sa bahay. Hanggang sumapit ang gabi hindi na nilubayan ni Leo ang aking isipan. Tumawag pa siya pagkatapos naming kumain ng hapunan. "I just want to tell you that I'm not giving up. I really like you, George." He immediately hang up. Hindi ako mapakali. Buhay na buhay ang aking diwa hanggang sa sumapit ang hatinggabi. Hindi ko na alam kung ano ang dapat at kung ano ang una kong isipin dahil sa mga kaganapan. Urgh! I should get some sleep. Hindi puwedeng nagpupuyat lagi at baka tagyawatin ako. MAY kaba sa aking dibdib mula nang bumangon ako sa aking higaan. I feel terrible. Lutang ang pakiramdam ko. Nag-o-overthink din sa mga walang katuturan na mga bagay. "Hija, are you okay?" tanong ni Daddy. "P-Po? Opo..." Tinaasan ako ng kilay ni Kuya. Ngayong araw ang alis ni Kuya Solomon papuntang Manila para sa kaniyang masteral. "Iniisip ko lang po kung puwede pa akong mag-transfer?" Alanganin akong ngumiti. Hindi ko din alam kung bakit ko ito nasabi. Ito na lang kasi ang isa sa paraan na nakikita ko para iwasan si Leo. "Bakit? Magkagalit ba kayo ni Brad?" Seryoso akong tinignan ni Daddy.. "Okay naman po kami ni Brad. Naisip ko lang po na..." Hindi ko alam kung paano ko ba ito sasabihin sa kanila. Tumikhim si Kuya. Nagkatinginan kami. "Enjoy your last year on high school..." sambit niya. "Mag-boyfriend ka..." Tumawa ang dalawa kong kapatid. "May manliligaw ka na?" tanong ulit ni Daddy. "Of course, she has..." sabi naman ni Mommy. "Sa ganda ng ating unija hija, imposibleng ma-zero siya sa manliligaw." Awkward akong ngumiti. This topic is making me uncomfortable. Kung iba siguro ang sitwasyon, baka malakas ang loob ko na mag-open up sa kanila. Pero paano kung sabihin ko? Or maybe I shouldn't. BABASTEDIN ko ng paulit-ulit si Leo, ito ang umiikot sa aking isipan habang nasa biyahe ako papuntang school. Pagdating ko sa classroom namin, wala pa sina Leo at Brad. Nakakapagtaka na wala pa si Brad dahil ang sabi ng kanilang kasambahay, pumasok ito ng maaga. Wala pa ang bag niya sa kaniyang upuan. Kasabayan ng teacher na pumasok sa classroom ang dalawa. Naupo si Brad sa tabi ko at si Leo naman ay sa aking likuran. "Good morning, George..." bulong niya. Mariin akong pumikit nang tila lumundag ang aking puso dahil lang sa pagbati niya sa akin. What is happening? isip-isip ko, kahit na may ideya na ako sa kung ano ang nararamdaman ko ngayon. I am not naive. I have read and watch some romance stories. At ang pakiramdam sa aking tiyan ay kapareho ng nararamdaman ko sa tuwing nasa nakakakilig na parte na ng storya ang pinapanood o binabasa ko. Huminga ako nang malalim at dahan-dahang bumuntong hininga upang ikalma ang aking sarili. I should be in control with my feelings. Mind over heart, George. Labanan mo kung ano man iyang nararamdaman mo. Nagsimula ang discussion. Nagkaroon din ng recitation. Everyone is participating including me and Leo. Mabuti na ang ganito kaysa nangungulit siya sa aking likuran. LUNCH time, sa likod ulit kami kumain. Nagbaon lang ako ng kaunti ngayon kahit pa nauna ng nagbilin si Brad na huwag na akong magbaon. Ipagbabaon daw niya ako. Bumagal ang lakad ko nang makita ko ang nakalatag na blanket. May nakahanda ng mga pagkain doon. Mayroon ding isang tangkay ng pulang rosas. Napasinghap ako. Si Brad naman ay nagpipigil ng sarili. Kinikilig siya. Kabado akong tumingin kay Brad. Nginuso naman niya si Leo na nakatayo sa aming likuran. "Nagustuhan mo ba?" tanong niya. Nagkibit balikat ako. I don't want to say no. Pinaghirapan niya itong ihanda. I don't want to say yes either, it might give him hope. Ang gulo ko, di ba? "Kumain na tayo," sabi ni Leo. Nauna siyang naupo. Sumunod din kami ni Brad. Tahimik kaming tatlo habang kumakain. Nagpapakiramdaman kami. Panaka-naka akong sinusulyapan ni Leo. Ang aking kaibigan naman ay tahimik na nagmamasid sa aming dalawa. May ngiti ito sa labi at pailing-iling. "Gaya nang sinabi ko sayo kahapon at kagabi, gagawin ko ang lahat magustuhan mo lang ako," sabi ni Leo pagkatapos naming kumain. Nasa bench si Brad may ilang dipa ang layo sa amin. "Leo..." tutol ko. He shook his head. It means no. There's nothing that can change his mind. "One month, George. Liligawan kita ng isang buwan. Kung sa tingin mo wala pa din. Kung hindi mo pa din ako gusto, pagkatapos ng isang buwan. I'll stop." Pero paano kung... If I say no, makikinig ba siya? Wala akong choice. "Kahit araw-araw mo akong bastedin sa loob ng tatlumpong araw, magpapatuloy pa din ako. Papatunayan ko na seryoso ako sa'yo, George. Hindi ko pa naramdaman 'to dati. Ngayon pa lang. Sa'yo." Natameme ako. "At wala akong plano na labanan ito dahil lang sa pagiging isang Bustamante mo." Walang magagawa ang pagtutol ko kaya hindi na lang ako nagsalita pa. I didn't said yes. I don't want to say yes. Bahala na siya. Kailangan kong maging matigas. Walang dapat makabali sa aking prinsipyo. I can't take chances. Hindi ako puwedeng sumuong sa isang gyera na una pa lang alam kong talo na ako. Pamilya namin ang kalaban namin. "OKAY naman na ito, di ba?" tanong ko sa kaniya pagkatapos ng activity namin. Titig na titig siya sa akin kaya inirapan ko siya. He smile. Naningkit din ang kaniyang mga mata. "Habang tumatagal, mas lalo kang gumaganda, George." "Oh, stop..." Inikutan ko siya ng mga mata. "I really really like you... A lot..." "Korni..." Bumungisngis siya. Nag-iwas ako ng tingin dahil nagsimula na naman ang malakas na kalabog sa aking dibdib. "Aminin mo, nagaguwapuhan ka na din sa akin?" "Hindi, no!" tanggi ko, pinilit kong salubungin ang kaniyang mga titig. He bit his lips. Nakakainis! Sinasadya niyang magpa-cute. "Leo, nandito ka pala..." Nagmamadaling lumapit sa amin si Alaiza. Nag-aalala namang tumingin sa akin si Leo. I know what he's thinking. Hindi ako nagseselos. Sa totoo lang, kung ligawan nga niya si Alaiza, walang kaso sa akin. Siguro, maaapektuhan ako, pero magiging masaya ako para sa kanila, dahil magiging payapa ang aking isip. Plastik ka, George! sigaw ng kabilang bahagi ng aking isipan. "Nandiyan na ang sundo mo," sabi ni Alaiza. Pero parang wala pang balak na umuwi si Leo. "Uuwi na din ako," sabi ko at nauna nang tumayo. "Bye, George..." Nilingon ko siya kahit na dapat ay hindi. Kaso baka isipin niya na nagseselos ako. Ayaw kong isipin niya na nagseselos ako. Ayaw ko ding isipin niya na may pakialam ako. Oh my God! Ano bang nangyayari sa akin? PAGDATING ko ng bahay, may dalawang bisita na naghihintay sa akin. Mga beauty queen handler sila na galing pa ng Manila. Two to three times a week daw ang meeting namin. Talagang desidido si Mommy na ipanalo ako. Ilang beses akong nagrampa. It's not perfect yet pero may improvement na kumpara nang nakaraan. I have watch some ramp model videos for this. Kailangan kong seryosohin ito dahil ayaw kong maging kahiya-hiya pagdating ng pageant. Nakasuporta sa akin ang mga kamag-anak, kaklase ko at pati na din ang mga malalapit sa pamilya namin. I should not disappoint them. After dinner, tumawag na naman si Leo. Dinala ng kasambahay ang telepono sa aking kuwarto. Wala kasi akong sarili, hindi gaya kina kuya na may sariling celphone at mayroon ding telepono sa kanilang mga kuwarto. "Bakit?" tanong ko. "I just want to hear your voice before I sleep." "Okay. You can sleep now," sabi ko. "Mag-usap muna tayo, maaga pa naman, e." "Baka magtaka ang mga magulang ko..." Ayaw kong magsinungaling sa kanila kapag nagtanong sila kung sino ang kausap ko. I don't want to lie to them because of a Cervantes. Ngayon pa lang nahihirapan na ako. "Okay, see you tomorrow then. George?" "Bakit?" "Bukas na lang pala..." Keme siyang tumawa. Ewan ko sa'yo! Just like last night, hindi ako agad nakatulog. I keep on thinking about him. I'm enumerating all the good things about him. There's a lot. And about the bad things about him? Isa lang... His family name. Ang hirap ng sitwasyon namin. Bakit kailangang maging isang kaaway pa ang lalakeng gusto ko? What? Gusto ko na siya? Georgina, hindi maari. Hindi puwede. MAAGA akong nagising kinaumagahan kaya maaga din akong pumasok ng school. Maaga din si Leo. Sa katunayan nga, nahuli ko siyang naglalagay ng tatlong tangkay ng pulang rosas sa aking silya. "Good morning, George!" "Morning..." Kinuha niya ang bulaklak saka inabot sa akin. "For you. Hindi ko sigurado kung gusto mo ba ang rosas..." Nagkamot siya ng ulo. "Wala kasi akong mahanap doon sa mga gusto mong bulaklak, gaya ng Transvaal Daisy..." "Salamat." Talagang tinandaan niya ang ilan sa mga paborito kong bulaklak. Kami lang yata ang may tanim na ganoon sa aming bakuran. Mahilig kasi ang lola ko sa iba't ibang variety ng bulaklak. At ako ang nakakuha sa hilig niyang ito. "Saan mo 'to kinuha?" tanong ko. Nagkamot siya ng ulo. "Huwag mong sabihin na ninakaw mo 'to?" "Hindi, a. Sa garden iyan ni Mommy." "Eh di ninakaw mo nga!" "No! Nagpaalam ako na pipitas ako ng bulaklak." Napataas ang isa kong kilay. Really? "Ano'ng sinabi mo?" "Na ibibigay ko sa babaeng gusto ko." Nag-init ang aking pisngi kaya nag-iwas ako ng tingin. "Sabi niya damihan ko daw ang kuha." Hindi na ako nakaimik. Ano kaya ang sasabihin ni Mrs. Cervantes kapag nalaman niya na para sa akin ang pinitas na rosas ng kaniyang anak? "Sabi ko, saka na. Okay na muna ang tatlo..." "I like you." Our eyes met. "Ang aga-aga, nagliligawan kayo!" biro ni Brad na bagong dating. May ilang mga estudyante siyang kasabayan. Nanunukso silang tumingin sa amin. "Kapag maipaglaban niyo ang relasyon niyo, bilib na talaga kami sa inyo..." sabi ni Jesamie. Kaso malabo. At bakit parang pumapayag na akong magpaligaw sa kaniya? Hindi ba dapat araw-araw, sinasabi ko sa kaniya na ayaw ko siya, hanggang sa mapagod siya at ma-realize niya na wala siyang aasahan sa akin? Ang hirap magkagusto sa isang tao na alam mong bawal mong magustuhan. Ngayon pa lang pakiramdam ko nakakulong ako, ano pa kaya kapag... Bumuntong hininga ako. SA canteen na kami kumain ng lunch. May mga estudyante na kasing nakakakita sa amin sa likod. Ayaw kong maging topic kami ng kanilang usapan at baka makarating pa ito sa labas, sa kanilang bahay. Baka makarating pa sa aking mga magulang. Hindi dapat madamay sa away ng mga matatanda ang kanilang mga anak. But that doesn't mean that I would fight for this infatuation that I am feeling for Leo. One week had passed. Casual kong pinapakitunguhan si Leo. Bawat araw ay binibigyan niya ako ng bulaklak. Kada gabi ay tumatawag din siya para lang mag-good night. Isang beses nagbaon din siya ng cookies. Siya daw ang nagluto, wala daw tumulong sa kaniya. Nilagyan pa niya ng ribbon ang labas ng container. I appreciate all his efforts. Pero hindi ko ito sinasabi sa kaniya. Hindi ko din pinaparamdam. Sometimes I'm giving him cold treatment. Sometimes I'm casual. Ang hirap! MAAGANG natapos ang training namin, araw ng linggo. I am tired. And also I've been stressed with all these things going on between me and Leo. Para makapag-relax ng kaunti, pinuntahan ko si Dash. Nakarating kami sa batis. Nasa kabilang bahagi ng batis ang magkakapatid na Cervantes. Ang laki ng mga ngiti nila nang makita ako. "Hello, Georgina!" Ngumiti ako at kumaway sa kanila. "Kanina ka pa hinihintay ng kapatid namin. Ang lakas ng pakiramdam niya na pupunta ka dito," sabi ni Kuya Matias. "Wait, tawid lang kami diyan!" Nauna nang tumawid si Kuya Jonathan. "Kuya!" pigil sa kaniya ni Leo nang akmang bebeso siya sa akin. "Heto naman, seloso." "Tara, George. Mag-swimming tayo..." aya ni Leo. "Kayo na lang..." tanggi ko naman. "Gusto yata niyang masolo si Leo," biro ni Kuya Matias. Namula ang pisngi ko. Sa sobrang hiya hindi na ako nakatanggi pa. Ang ganda ng ngiti ni Leo sa labi. Pinisil pa niya ang pisngi ko. "Lumayas na nga kayo dito," pagtataboy niya sa kaniyang mga kapatid. Nang makaalis sila inaya niya ako na maupo sa malaking bato. Sinapinan niya ito gamit ang dala niyang towel. Tumayo siya sa aking harapan. Taimtim niya akong pinagmasdan. Tila may iniisip din na malalim. "George, kahit na may matayog na pader na nakaharang sa atin, tatawirin ko para lang makasama ka..." "Leo, ang bata pa natin para suwayin ang mga magulang natin dahil lang— "Lang? Huwag mong nila-lang ang feelings ko para sa'yo, George." "Mahal kita, George..." Laglag ang panga ko. Last week, I like you. Ngayon Mahal na niya ako? Para akong maiiyak. My God! Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Para akong tanga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD