"Wow, akalain mo yun. Gwapo na nga maaalahanin pa. Nakita mo ba yung tingin niya sa’yo kanina? Pinipilit niyang magmukhang walang pakialam halata naman sa mata niyang nag-aalala siya.
Kung hindi dahil kay Nicole ay siguradong tinulungan ka niyang tumayo," naghahalong emosyon na sinabi ni Janice.
Nilagyan ko ng konting patak ng tubig ang aking palad mula sa plastic bottle na hawak ko. At dahan-dahang kinuskus sa parte ng aking damit na kung saan may dungis nung mabitawan ko ang tray na hawak kanina.
Nandito kami ngayon sa ilalim ng punong Acacia, nakaupo sa round table. Tahimik na pinakikinggan ang ngasngas at bulalas ni Janice. Walang tigil niyang binabanggit ang pangalan ni Nicole kasabay ng mga masasamang salita na kaniyang nalalaman.
"At yung nakakainis na Nicole na yun? Nako sinasabi ko sa'yo, makakatikim sa'kin yun," dagdag pa niya habang ikinukuyom ang kamao na animo'y handang sumabak sa bakbakan.
Nang mapansin niyang wala akong imik ay bigla siyang humarap sa'kin at tumitig.
"Okay ka lang ba?" seryosong tanong niya. May halong pag-aalala ang kaniyang boses.
Sinalubong ko ang kaniyang tingin at ngumiti.
"Oo naman," natatawang sagot ko.
"Eh, ba't ang tahimik mo?"
"Sa rami ng masasamang salita na iyong binanggit ay wala na akong maisip pang idagdag," umiirap kong sagot.
Bigla ay hinampas niya ang aking braso, ngayon ay natatawa na. Buti na lamang ay lumihis ang aming usapan at napunta sa mga nais naming gawin sa loob ng isang taon dito sa paaralan. Unang-una syempre ay lumayo sa mga bully.
Maraming beses na kaming pinagdidiskitahan ng mga bully kahit pa noong unang araw ng high school. Ang high school na akala namin maging matiwasay ay hindi pala. Mabuti at nakapag-isip kami ng isang paraan para matigil ito, ang umiwas at layuan ang mga bully.
Kapag nakikita namin silang darating sa gawi namin ay agad kaming tatakbo sa kasalungat na direksyon. Noong una ay nahihirapan kaming umiwas ngunit hindi nagtagal ay parang nasanay narin kami. Minsan ay hindi maiiwasang nahuhuli subalit agad din naman naming matatakasan. Sa bilis ba naman naming tumakbo ay hindi na nakapagtataka.
Nang tumunog ang bell ay agad-agad kaming pumasok ng silid.
Wala masyadong ginawa ang panghapong klase dahil unang araw pa lamang. Ngunit ang laman ng isip ko ay si Kairo, hindi siya maalis-alis. No idea when did it happen, but when I looked his way ONCE, he's all I'm thinking. Even I'm no longer looking at him. Pinilit kong okupahin ng ibang bagay ang aking isipan ngunit pilit paring bumalik sa kaniya. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit. Lahat na ata ng maaari kong isipin upang mawala lamang siya sa aking isipan ay ginawa ko na ngunit wala paring bisa.
He's so interesting. It feels like there's so much more about him to unravel.
"Hindi ka sasama?" tanong ni Janice sa akin.
Papalabas kami ng campus dahil uwian na. Ngunit dadaan muna siya sa mall dahil may bibilhin. At dahil nakisabay lamang ako sa kaniya kaninang umaga ay wala akong masasakyan pauwi. Pero ayos lang, malapit lang din naman ang bahay namin kung lalakarin. All it takes was hundreds of steps, I guess.
"Oo, may gagawin pa kasi ako, 'e," sagot ko.
Tutulungan ko pang gapasin ang mga mayayabong na d**o sa bakuran ni Aling Marta; kapitbahay namin. Matanda na kasi at hindi na kakayanin ng kaniyang katawan ang ganoong klaseng trabaho. Lalo na at malapad ang kaniyang bakuran.
"Oh, sige. Mag-ingat ka."
Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Just like what she usually does when we part ways.
"Ikaw din," sagot ko.
Dumiretso siya sa parking lot ng paaralan, ako naman ay nagpatuloy sa paglakad papalabas.
Ingay ng mga sasakyan at mga taong nakakasalubong ko sa paglalakad ang sumama sa akin papauwi ngunit nang lumiko ako papasok sa aming kalye ay may biglang humablot ng aking bag. Napatigil ako at lumakas ang kabog ng aking dibdib.
"Dito karin pala umuuwi?" Rinig kong tanong ng tao sa aking likuran.
Pamilyar ang kaniyang boses kaya ay bigla akong humarap para malaman kung sino ito. Nabigla ako nang makita ang mukha ng taong laman ng isip ko kani-kanina lang. Kumabog ng malakas ang pintig ng aking puso nang makita ang ngiti sa kaniyang mukha.
"Dito karin pala umuuwi?" ulit niyang tanong, mahihimigan ang pagka-aliw sa kaniyang boses.
Umalingawngaw ang baritono niyang boses sa aking pandinig na parang musikang kay sarap pakinggan ng paulit-ulit. Sa kaniyang titig at mapupungay na mga mata ay paniguradong malulunod ka kapag ito'y iyong titigan, dagdag na lamang ang ngiti sa kaniyang labi.
Bumalik ako sa kasalukuyan nang pitikin niya ang aking ilong habang tumatawa. Saka lang pumasok sa aking isipan ang kaniyang tanong.
"Oo," nauutal kong sagot.
"Buti naman kung ganoon, may kakilala na ako dito sa kalye natin," natutuwang saad niya.
He looked at me with something in his eyes.
“Sabay na tayo?” magiliw na alok niya.
At dahil wala ng silbi ang aking boses ay tumango na lamang ako. Ipinagpatuloy namin ang paglalakad. Sobrang lapit niya sa akin. Minsan sa aming paglalakad ay nasagi namin pareho ang balikat ng bawat isa. Lumulundag ang puso ko sa tuwing ito ay mangyari. Kahit tahimik lang kaming pareho ay may kakaiba akong naramdaman kahit na ngayon lamang kami nag-usap at nagkasabay ng ganito.
Ang mga babaeng nakasalubong namin ay nagbubulungan at kinikilig. May ibang ngumingiti ngunit hindi niya lang ito pinapansin. Hindi ko alam ngunit nasisiyahan ako sa nangyari.
I tried to focus on walking when I almost trip over, but my stup*d mind keep on thinking that someone’s at my side. Isang lalaki na hindi ako binu-bully. Kadalasan kasi sa mga lalaki sa school ay kinukutya ako dahil sa aking sekswalidad. Kaya siguro mabuti ang pakikitungo niya sa akin ay dahil hindi niya alam na ako ay bakla.
“I’m gay,” bigla kong nabanggit.
Tumigil siya sa paglalakad kaya ay tumigil din ako. Humarap siya sa akin, naguguluhan.
“I’m gay,” ulit ko baka sakaling hindi niya ako narinig.
Tumango siya at ang ekspresyon sa kaniyang mukha ay parang natatawa na.
“Alam ko, narinig kita nung una,” natatawa niyang sagot.
Buti na lang at dumating na kami sa tapat ng aming bahay. Lumingon ako sa kaniya sa huling pagkakataon bago ako papasok.
“Dito na yung bahay namin,” sabi ko.
“Oh, I see. See you tomorrow, then,” nakangiti niyang banggit kaya ay ngumiti na lang din ako.
“It’s nice walking with you gay friend,” natatawa niyang sabi.
Napayuko ako dahil sa kaniyang sinabi habang siya ay tumatawa ng malakas.
Dumeretso siya paglalakad, iniwan akong namumula ang pisngi.
Alam niyang bakla ako ngunit ayos kang sa kaniya. Mas lalong nadagdagan ang pagkabog ng aking puso.
Tinitigan ko ang kaniyang likod hanggang sa lumiko siya sa isang maliit na daan.
Dumungaw ang ulo ni mama sa aming pintuan habang nakatingin sa akin, nakakunot ang noo, nagtataka.
"Bakit hindi ka pa pumapasok, kanina pa kita nakita diyan sa labas. Sino ba yang tiningnan mo?" inosenteng tanong niya.
Naramdaman kong umakyat ang dugo sa aking mukha dahil sa kahihiyan. Hindi ko alam na pinagmamasdan pala ako ni mama sa loob.
"Wala po," nahihiyang sagot ko.