Chapter 4

2550 Words
I just got out of the bathroom when my phone rang. I strode towards my nightstand, grabbing my phone and pressed the answer button without looking at the caller ID. "You won't believe what I just found out," bulalas ni Janice sa kabilang linya. I can hear a shuffling sound of her duvet." Kaya pala ganun nalang maka-lingkis sa braso ni Kairo si Nicole kanina, childhood friend pala sila. Makakapit naman si Nicole kanina ay parang mag-jowa," inis niyang sabi. "Eh, malay mo mag-jowa talaga sila," sagot ko. Huli nang napagtanto ko ang aking sinabi. A neddle-like thing pricks my heart. The pain pervades throughout all of my veins to my body without knowing why I felt this way. So what if they are? Ano naman sa'kin iyon? "Kung sabagay," mahinang bulong niya. Deafening roar of silence erupted in the vicinity of my room after hanging up the call. Hindi ko alam kung bakit naghahalo ang aking nararamdaman nang sabihin ko ang katagang iyon. The thought of Kairo having a girlfriend just don't seems so right to me. Kaya siguro ako nagkakaganito ay dahil ayaw kong mapunta siya kay Nicole? Siguro nga. A knock on the door snapped me out of my thought, followed by my mom's voice. "Nak, kakain na," sabi niya. "Susunod po ako, ma. Magsusuot lang po ako ng damit," tugon ko. Pagkatapos kong magdamit ay lumabas agad ako ng kuwarto at bumaba papuntang kusina. We started eating silently. Clanking of silverware was the only sound reverberates in the kitchen. Matagal na kaming ganito, ang kumain na kami lang dalawa. Nung una ay nakakapanibago ang ganito ngunit kalaunan ay nasanay na kami. Tanggap na namin ang lahat na nangyari. Limang taon nang patay si Papa sa sakit niyang cancer. Si Kuya Ezekiel naman ay dalawang taon nang nakakulong dahil napagbintangang nakapatay sa nangyaring riot dati sa kabilang bayan. Hindi siya nakapagtapos dahil second year college pa lamang siya nang mangyari iyon. Nakapagtataka ngang nandoon si Kuya, kung iisipin ay napakalayong bayan iyon. Ayon sa mga awtoridad ay sumama si Kuya sa kaniyang kaibigan upang maglaro ng basketball ngunit nakasalubong nila ang minsan nang nakaaway na grupo kaya't nagkakagulo. Tiyempong may dumaan na kaedad nilang lalaki at nadamay ito. Nabagok ang ulo sa sementong daan dahilan upang masugatan at mamatay ang lalaki. Karamihan sa mga kasangkot ay nakulong ngunit ang iba ay nakatakas. Hanggang sa ngayon ay pinaghahanap pa ang iba. Nang matapos kaming kumain ay agad kung niligpit ang kinainan namin habang si Mama ay umakyat na sa kaniyang kwarto. Maaga pa kasi ang trabaho niya bukas sa flowershop ni Aling Ivy. Siya ang nagbubukas tuwing umaga at nagsasara sa hapon. Nang matapos kong hugasan ang kubyertos na ginamit ay umakyat narin ako sa aking kuwarto at nagpahinga. MALAKAS na kalabog ng pintuan ang gumising sa'kin kasunod ng boses na natutunan kong kasuklaman tuwing umaga. "Gising!" sigaw ni Janice sa labas ng aking kuwarto. Tiningnan ko ang orasan at nakitang 6:48 A.M na. Napahaplos na lamang ako sa aking mukha at tumayo para maghanda. Nang matapos ay agad akong bumaba at pumasok sa kusina para kumain. Nang malapat ko ang aking paa sa kusina ay bigla kong napansin ang mga mata ni Janice, namumula ito. Sa mukha pa lang niya ay alam ko na kaagad kung ano ang nangyari. Kapag ganito ay alam kong nag-away na naman ang kaniyang magulang. Lumapit ako sa kaniya at siya'y niyakap. I felt her body slackened the moment I wrapped my arms around her. She sighed while tapping my shoulder. Hinigpitan ko lalo ang aking yakap sa kaniya. Showing her that everything's gonna be alright and I'm always on her side no matter what. MALAYO pa lang sa parking lot ay kumpulan na ng mga estudyante agad ang aming nakita. Parang may pinagkakaguluhan sila. Saktong malapit sa pinagkukumpulan ang mayroong bakanteng lugar upang maaaring magparada ng sasakyan kaya ay doon tumigil si Janice. Nang makalabas kami ay agad naming nakita ang dalawang taong nagsusuntukan. Hindi ko masyadong makita ang mukha ng dalawa dahil pagulong-gulong sila sa lupa ngunit pamilyar ang hugis ng katawan ng isang lalaki. Napansin ko ang isang lalaking nakaupo sa gilid na nanginginig. Nakayakap sa sarili. Maririnig ang mga sigawan ng mga lalaki at tilian ng ibang babae. Mas lalong lumakas ang sigawan nang pumatong ang isang lalaki sa kaniyang kaaway at patuloy na pinagsusuntok ito. Nakatalikod ang lalaking nasa itaas kaya ay hindi ko makita ang kaniyang mukha. Ngunit nang lumingon ito sa gawi namin ay nanlaki ang aking mata. Malakas na suminghap si Janice nang makilala rin ang lalaki. Si Kairo. Patuloy niyang pinagsusuntok ang kawawang lalaki na kaniyang sinasakyan. Biglang nagkumpulan papalayo ang mga estudyante nang marinig ang malakas na pito ng guard. Ngunit hindi pa rin tumitigil si Kairo sa pagtapon ng mga malalakas na suntok sa mukha ng kaniyang kaaway. Kahit na hinihila na siya ng mga guard ay pilit parin siyang kumakawala. "Bitawan niyo ako!" magaspang niyang sigaw. Walang malay na nakaratay ang lalaking nakaaway ni Kairo, pilit itong ginigising ng isang guard ngunit nang walang makuhang tugon ay bigla niya itong binuhat at naglakad papuntang school clinic. Habang si Kairo ay hinihila ng dalawang guard papunta sa kabilang direksyon na nasisigurado kong sa principals office kasama ang kaninang lalaki na nanginginig at nakaupo. "Akala ko mabait, basag-ulo rin pala," naiinis na wika ni Janice. Salungat ang aking kalooban sa kaniyang sinabi ngunit tumahimik na lamang ako. Dahil malayo sa Kairo na nakausap ko kahapon ang Kairong nakita ko ngayon. Tumunog ang bell para sa unang klase kaya ay unti-unting nilisan ng mga estudyanteng nanonood ang parking lot. Sabay kaming naglakad ni Janice papuntang room, tahimik na binabaybay ang mahabang path way papuntang building kung saan ang aming silid. Nagulat kaming pareho nang may sumabay sa aming lalaki at bigla itong nagsalita. "Hi," nahihiyang bati niya. "Puwede bang magtanong kung saan ang room 132 ng grade 12 STEM?" Nagkatinginan kami ni Janice dahil iyon din ang aming room number. "Dun din ang punta namin," sagot ni Janice. "Pwede kang sumabay sa'min. Ako nga pala si Janice." She offered her hand and he hastily grabbed it. "Kian," sabi niya. "Bagong lipat lang kasi kami dito." He then looked at me after they shook hands. "Jasper," pagpapakilala ko habang inaalok ang kanang kamay. "It's nice to meet you." He nodded his head while accepting my hand and smiled. "It's nice to meet you too." Nang marating namin ang aming silid ay agad pinagtitinginan ng lahat si Kian. Nahihiya siyang yumuko nang mapansin ang mga titig sa kaniya. Namumula ang kaniyang tainga. Pumunta kami sa aming inuupuan, buti na lamang ay may isang bakanteng upuan sa gilid ni Janice kaya ay doon na umupo si Kian. Nang pumasok si Mrs. Via ay agad tumayo sa Kian at may ibinigay itong maliit na papel. Mrs. Via nodded her head while looking at the small paper. She then raised her head and looked at us. "You have a new classmate," she said. Lumingon siya kay Kian. "Introduce yourself." Pumunta si Kian sa gitna at nagsalita. "Hi everyone. Ako nga pala si Kian Legaspi. 18 years old," pagpapakilala niya. Pagkatapos niyang mag pakilala ay agad siyang pinaupo ni Mrs. Via at dahil may bagong estudyante, hindi natuloy ang quiz. Nagsimula na lamang kami sa aming unang leksiyon. It was at second period when Kairo entered the room. Interrupting Mrs. Cruz lecture. Tumahimik ang lahat habang nakatingin sa kaniya. Seems like everyone was watching his every movement, including me. Nang mapansin niyang nakatingin ang lahat sa kaniya ay tumigil siya sa paglalakad. He looked around him, brows wrenching. The dark cloud circling around his head was palpable indicating he has a bad day. "What?!" he asked, voice sultry. "Pumunta ka sa iyong upuan, Ginoong Alvaréz," mahinahon na sambit ni Mrs. Cruz. Agad-agad ay lumihis ang aming tingin palayo sa kaniya. I saw him continue walking to his seat in my peripherals. The room was silent. You'll surely hear the sound of a needle if you drop one on the floor. Si Janice sa aking tabi ay nakakagulat na tahimik lamang. She didn't slap or poke my shoulder, which is new. Bumalik si Mrs. Cruz sa pagtuturo na humupa ng kaunti sa tensiyon. Ngunit ang aking isipan ay lumilipad patungo kay Kiaro. I badly wanted to know if he's okay, after seeing the fight he had in the parking lot, I'm sure he wasn't alright. I looked his way surreptitiously and found him peacefully closing his eyes. He's leaning his head at the back rest of his seat. Nakaka-agaw pansin ang pasa sa kaniyang pisngi ngunit maliban doon ay wala namang ibang bahagi ng mukha niya ang sugatan. So I think he's all good but I can't still set aside the feeling who keeps bugging me, what if he's not? Ang aking pag-aalala ay humupa nang tumunog ang bell para sa lunch. Pero nang makita ko si Kairo na hindi maayos ang paglalakad ay biglang bumalik ang aking pagkabahala. Ngunit bigla itong napalitan ng pagkainis nang makitang tinutulungan ito ni Nicole. Bumalik na lamang ako sa pagliligpit ng gamit sa bag. "Puwede ba akong sumabay sa inyo kumain?" Napalingon ako kay Kian nang marinig ko siyang nagsalita. "Oo naman," sagot ni Janice. INGAY ng mga estudyante ang sumalubong sa'min nang makapasok kami ng canteen. Nilibot ko ang aking paningin at nakitang magkatabi si Kairo at Nicole, kasama ang iba pa nilang kaibigan. Napatitig ako kay Kairo nang makita siyang tumatawa. Nagiging matiwasay ang kaniyang mukha kapag hindi nakakunot ang kaniyang nuo. Bigla kong iniwas ang aking paningin nang lumingon siya sa aking gawi. Narinig kong tinawag ni Janice ang aking pangalan kaya ay tumingin ako sa kaniya. "Doon tayo." Tinuro niya ang mesa sa bandang likuran malapit sa bintana. Unfortunately, it was near at Kairo's group. Wala na akong ibang ginawa at sumunod na lamang sa kanila. When we all settled, we silently started eating. At dahil malapit lang sa'min ang mesa nina Kairo ay hindi ko maiwasang tumingin sa kaniya nang palihim. I am fixated on the way he smiles and look at everyone. Malalim ang bawat titig niya. At ang ngiti sa kaniyang labi ay perpekto para kumumpleto sa gwapo niyang mukha. Nabigla ako at napaiwas ng tingin nang umabot sa aking pandinig ang ringtone ng cellphone ni Janice. She fished it out of her bag and answered. "Sige, papunta na ako diyan." Rinig kong sagot niya sa kabilang linya. Lumingon ako kay Kian at nakita siyang nakayuko at tahimik na ngumunguya. "Sorry guys, maiwan ko na muna kayo. May urgent meeting kasi kami ngayon," sabi ni Janice habang nililigpit ang kaniyang gamit. Janice was a member of school paper, writing about what's happening inside the campus. Sumali siya noong grade eleven. Nais niya kasing maging journalist sa hinaharap. After bidding her goodbye, she immediately desert the room, leaving me and Kian alone. Dahil tapos na kaming pareho at may tatlumpung minuto pa kaming natitira ay kinausap ko na lang siya. "Ba't kayo lumipat ng lugar? May bagong trabaho ba ang magulang mo rito?" nagtatakang tanong ko sa kaniya. Hindi mo'ko masisisi, sa liit ba naman nitong Aleosan ay nakapagtatakang may lumilipat paring ibang tao at pamilya rito. Nakita kong napatigil siya sa aking tanong. He's now picking his fingers, fidgeting. An act I used to do whenever someone asks about dad and Ezekiel. Bumuntong hininga siya bago nagsalita. I can see the emotion swirling in his eyes. "Lumipat kami para makalimutan ang nangyari kay kuya." He bit his lips after he said it. Nagdadalawang isip tuloy akong itanong kung anong nangyari sa kuya niya ngunit nanaig ang kuryusidad sa akin at hindi napigilan itanong kung bakit. "Namatay kasi si Kuya," nanlulumo niyang sinabi. Nabigla ako sa kaniyang sagot, malalim pala ang dahilan kung bakit sila lumipat. Agad akong nakaramdam ng pagkabalisa sa hindi malamang dahilan. "Nadamay si Kuya noong may nangyaring kaguluhan sa harap ng kanilang paaralan," dugtong niya. Nanlamig ang aking katawan sa kaniyang sinabi. Hindi maaari. Imposibleng mangyari iyon. Ganun-ganun din kasi ang dahilan kung bakit nakulong si Kuya Ezekiel. "Dalawang taon na ang nakalipas ngunit hindi parin matanggap nila mama kaya naisipan nilang lumipat baka sakaling unti-unti nilang matanggap ang nangyari kung sa ibang lugar na sila nakatira. At para narin makapagsimula ng bagong buhay." Natahimik ang paligid matapos niyang magsalita. Walang umiimik ni-isa sa amin. Me, trying to absorb what he just dropped. Buti na lang tumunog ang bell para sa panghapong klase. Kaya tahimik naming nilisan ang canteen. He's not much of a talker which is good, for me. Hindi rin kasi ako madalas nagsasalita. Dumaan muna kami ng locker para kumuha ng libro. Biology kasi ngayon at sa Laboratory gaganapin ang klase. At isa pa, matanda na si Mrs. Bayona, kahit na wala namang lab activities at discussion lang, mahihirapan siyang bumaba sa room namin. Lalo na't nasa sixth floor ang lab at sa ikaapat na palapag ang silid namin. Nakita namin si Janice na naghihintay at nakasandal sa locker ko. Hawak niya ang kaniyang libro. Siguro ay tapos na ang kanilang meeting kaya't dito na lamang siya naghintay. "Kanina ka pa?" tanong ko sa kaniya. Ngumiti siya kay Kian at binalik ang tingin sa akin. "Oo," sagot niya. "Okay ka lang?" tanong niya. Tumingin siya sa akin na parang nang-uusisa. "Oo naman," sagot ko. Binuksan ko ang aking locker habang si Kian ay pumunta rin sa kaniya. Bumuntong hininga ako. Napaka-imposible na isa si Kuya sa dahilan ng pagkamatay ng kapatid ni Kian. Siguro ay magkapareho lang kung ano ang nangyari. Pinalitan ko ng Biology ang Filipinong libro sa loob ng aking bag at sinara ang locker. "You sure?" she asked. "Yeah," I said, flashing her my convincing smile. "Anyways," she said, dragging the letter N. "I need something from you." She's giving me this annoying puppy eyes she always gave me when she needs something. "Ano iyon?" tanong ko. "Pwede ko bang hiramin yung camera mo?" nakangiti niyang sinabi. "Alam mo naman kung anong nangyari sa camera ko diba?" Naalala ko nang kunin ng kaniyang ama ang pag-aari niyang camera at itapon sa pader dahilan upang masira. Kasama ang mga materyales sa pagpipinta. Ayaw kasi ng kaniyang ama sa mga ginagawa niya lalo na ang hilig niya sa pagkuha ng litrato, gusto nitong mag-focus si Janice sa kaniyang pag-aaral. Halos manlumo siya nang mangyari iyon, iyon din kasi ang kaniyang ginagamit sa pagkuha ng litrato tuwing may activities dito sa school. Na syempre kailangan niyang gawin dahil kasapi siya ng school papers. Alam kong nag-iipon siya ngayon para makabili ng bago. Sinubukan kong ibigay sa kaniya ang aking camera ngunit hindi niya ito tinanggap, ayaw niya kasing kunin iyon lalo na't bigay raw ng kuya ko. Totoo, bigay sa akin ni Kuya iyon noong sixteenth birthday ko. "Oo naman," sabi ko. "Kailan mo gagamitin nang maihanda ko?" "Tuesday, next week," sabi niya. "Acquaintance party." Taon-taon nagdiriwang ang school ng acquaintance party lalo na at bawat taon ay may mga bagong mag-aaral. At ang isa sa pinaka-ayaw kong activity every year. Pumupunta lamang ako dahil sa pamimilit ni Janice sa akin. "Sure," I said. Agad kaming umakyat nang nakuha na namin ang kailangang libro. Dahil hindi lang basta matanda si Mrs. Bayona kundi ay ayaw niya rin sa mga late.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD