"Okay, listen everyone," mahinang wika ni Mrs. Bayona. "Starting next week, we will be having an activity and it's by group. Each of the group will have three members."
Lahat ng estudyante ay tahimik na nakikinig sa kaniya. We are all sitting in a white long ceramic table facing each other. Tatlong long table ang nakalagay sa gitna ng bio lab. Katabi ko si Janice at sa kaniyang unahan ay si Kian.
"And I will be the one picking the members. I will choose randomly."
Mahihinang protesta ang pinakawalan namin. Ang inaasahan ng lahat ay kami na ang bahalang pumili sa aming kagrupo ngunit hindi pala. Sana ay kagrupo ko si Janice. Tumingin ako sa gawi niya at nakita siyang nakanguso.
"Makipag-swap tayo sa iba kung hindi tayo magkasama," bulong niya sa akin.
Napairap na lamang ako sa kaniya. "Ayokong pagalitan kapag may nagsumbong."
Nagsimula nang ihayag ni Mrs. Bayona ang mga pangalan ng iba.
"Fiñeza, Sato and Gavina."
Bigong bumuntong hininga si Janice nang marinig ang kaniyang apelyido.
"Kung sinuswerte ka nga naman, kagrupo ko pa si Nicole," naiinis niyang sambit.
Mapapansing hindi lang si Janice ang naiinis kundi ay karamihan din sa mga natawag.
"Alvaréz, Cantomayor and Fernandez."
Biglang bumilis ang pintig ng aking dibdib nang marinig kong tinatawag ang aking apelyido kasama ng apelyido ni Kairo. Naramdaman kong pinisil ni Janice ang aking balikat.
"Pinapaboran ka ata ng Diyos ngayon," rinig kong bulong ni Janice.
Naramdaman kong umakyat ang lahat ng dugo sa aking mukha. Lumingon ako sa kaniya at nakita siyang itinaas baba ang kaniyang kilay. Susumbatan ko na sana siya nang biglang nagsalita si Mrs. Bayona.
"Ang grupo niyo ngayon ay siya ring grupo niyo hanggang sa matapos ang taon. Now, go and find your group mates. Mag-usap kayo at pumili ng leader. Write the member and the leader in a one fourth sheet of paper at ipasa sa akin."
Wala na kaming ibang nagawa kung hindi ay sumunod na lamang sa kaniya. Si Janice nagsimula ng tumayo para hanapin ang kaniyang kagrupo.
Inilibot ko ang aking paningin para hanapin si Kairo ngunit hindi ko siya makita.
"Hey, Jasper." Lumingon ako sa kung saan ang nagsalita at natagpuan si Dave Cantomayor. "Nasaan si Kairo? Nakita mo ba?" tanong niya sa akin.
I shrugged my shoulder. "No idea."
"Okay lang bang ikaw na lang ang maging leader? Mukhang malabo maging leader iyong si Kairo, e. Nakita mo ba yung nangyari kanina? Hindi maaasahan."
Gusto ko sanang sabihin na hindi basehan ang pakipagsuntukan sa katalinuhan ng isang tao ngunit pinigilan ko ang aking sarili, ayokong magkaroon ng pagtatalo sa kasamahan ko sa grupo baka magdulot pa ito ng hindi pagkakaunawaan at hindi magawa ng maayos ang project namin sa susunod.
"Oo naman," I said.
"Great!" He grabbed an one fourth sheet of paper and a pen from his bag then started writing. Pagkatapos ay tumayo siya upang ipasa ito kay Mrs. Bayona.
Halos lahat ay ganun din ang ginawa kaya nang makapagbigay na ang lahat ay agad kaming dinismiss ni Mrs. Bayona.
"Okay, I guess that's all for today. Bukas mag-uumpisa tayo sa unang lesson. Goodbye class."
Agad kaming lumabas ng lab at bumalik ng classroom para sa susunod na klase.
GUMULONG ang hapon at natapos ang lahat ng klase na hindi ko man lang nakita si Kairo. Gusto ko sana siyang kausapin para sabihing kagrupo ko siya sa Biology ngunit hindi iyon nangyari dahil ni kahit anino niya ay hindi ko nakita.
Kahit nasa loob na kami ng sasakyan ni Janice habang tinatahak ang daan pauwi ay hindi ko maiwasang magtaka kung saan siya maghapon.
Tumingin ako sa labas at pinagmasdan ang daan kung saan kami naglakad ni Kairo kahapon.
"Kanina pa kita napapansin, mukhang malalim ang iniisip mo. Okay ka lang ba?"
Napalingon ako kay Janice. Kahit nakapako ang kaniyang tingin sa daan at seryosong nagmamaneho ay alam kong nakikita niya ang aking bawat galaw.
"Oo naman," sagot ko. Ngunit lumabas itong parang buntong hininga.
"Ako ba pinagloloko mo?" Saglit siyang tumingin sa gawi ko at nagpatuloy sa pagmamaneho.
Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita.
"Nakasabay ko si Kairo sa paglalakad kahapon nung uwian."
"Then?" she curiously asked.
"He's a good guy."
Kumunot ang kaniyang noo sa aking sinabi. Sandaling natahimik habang nakatitig sa daan.
"I know you like him, Jasper. Pero hindi mo ba nakita ang nangyari kanina?" seryosong banggit niya. "Kung hindi dumating ang guard ay parang papatayin niya ang kawawang lalaki na sinuntok niya kanina."
"Pero hindi natin alam kung bakit niya sinuntok ang lalaking iyon. Baka may kasalanan ang lalaking yun sa kaniya." Pagdedepensa ko.
"Kung may kasalanan man sa'yo ang isang tao hindi sapat na dahilan iyon para saktan mo siya. Sa ginawa niya kanina ay hindi simpleng suntok lang iyon. He's dangerous, Jasper."
How can she accused someone of being dangerous kung isang beses niya palang nakitang ganun ang isang tao? Hindi ko napigilan at may namuong inis sa aking dibdib dahil sa kaniyang sinabi.
"You like him, Jas. You are blinded–
I cut her off before she can finish.
"Why do you keep saying I like him? I don't like him, Janice."
"Yeah, sure. Say that to yourself. Kung nakikita mo lang ang sarili mo tuwing tumitingin ka sa kaniya ay makukuha mo ang sinasabi ko," sabi niya.
Tumahimik na lamang ako. Ayaw kong mag-away kami ni Janice.
Walang may nagsalita sa aming dalawa hanggang sa nakarating kami ng bahay. I grabbed my bag from the back seat at bumaba. Lumingon ako sa kaniya at nakitang nakatingin din siya sa akin kaya bigla kong iniwas ang aking tingin.
"Mauna na ako," sabi ko ngunit wala akong narinig na tugon sa kaniya kaya ay sinara ko na lang ang pinto ng kaniyang sasakyan.
Agad akong pumasok sa bahay at narinig na humarurot paalis ang kaniyang sasakyan.
Earsplitting silence envelopes me the moment I closed the door behind me. Sumandal ako sa pinto at huminga ng malalim.
Ayaw kong ganito kami ni Janice ngunit ayaw ko ring nanghuhusga siya ng tao na hindi naman niya lubos na kilala. Kailangan ko munang pahupain ang tensiyon bago ko siya tawagan. Dahil paniguradong mas lalo lang kaming magkatampuhan kung tatawagan ko siya ngayon.
I checked my watch and found it was still five thirty. I still have two hours to waste before mom got home. Siya kasi ang nagluluto ng hapunan.
Nagsaing na lamang muna ako ng kanin. Pagkatapos ay umakyat nang kwarto para makapagpahinga.
NAGISING ako sa katok at boses ni Mama sa labas ng aking kwarto.
"Nak, maghanda ka na. Malapit ng maluto ang hapunan na niluluto ko."
Tiningnan ko ang orasan na nakapatong sa mesa malapit sa aking kama. Halos isang oras na pala akong tulog.
"Opo, Ma," tugon ko.
Narinig ko ang yabag ng kaniyang paa papalayo. Tumayo ako at inayos ang aking higaan. Tiningnan ko ang aking repleksyon sa salamin ng aking aparador at nakitang suot-suot ko pa ang damit na gamit kanina sa paaralan.
Mabilisan akong nagpalit ng damit at pagkatapos ay agad na bumaba. Dumiretso ako sa kusina at natagpuan si Mama na ibinaba ang niluluto sa kalan.
Gaya ng nakagawian ay inayos ko ang mesa at inihanda ang mga kubyertos.
Nang maihanda ay nagsimula na kaming kumain. Habang ngumunguya ay tinatanong ako ni Mama sa mga ginawa namin kanina sa paaralan, maayos ko naman itong tinugon.
NAPATIGIL ako nang marinig na tumunog ang aking phone. Papatayin ko na sana ang ilaw dahil matutulog na ngunit hindi natuloy dahil sa tumatawag.
Agad ko itong kinuha at tiningnan ko kung sino.
Nanlobo ang aking mata nang makitang kay Janice na pangalan ang nakalagay sa screen. Nagi-guilty ako na nakalimutan ko siyang tawagan. Kung tinawagan ko na lang sana siya kanina.
Nag-aalangan man ay sinagot ko ito. I mentally prepared myself for an apology but when I heard her speak, the words she said just added to the guilt I'm feeling.
"Sorry kanina," she whispered.
"No, ako ang dapat na mag-sorry. Nakalimutan kitang tawagan kanina. At hindi sana tayo nagtalo kanina, nakinig na lang sana ako sa'yo. Sorry," mahinang sambit ko.
Narinig ko siyang tumawa ng marahan. Gumaan ang aking pakiramdam dahil alam kong ayos lang kaming dalawa. Kapag kasi tumawa siya sa gitna nang seryosong usapan ay alam kong wala itong galit o inis na nararamdaman.
Nag-usap pa kami ng ilang minuto bago ibinaba ang tawag upang matulog.
"See you tomorrow," I said.
"See you. Goodnight," she replied before hanging up the call.
"MAUNA ka na muna dadaan lang ako ng locker," sambit ko kay Janice. Iiwan ko lang ang ibang librong nagpapabigat sa aking bag. Mamayang tanghali pa naman ang iba kaya ay hindi ko rin magagamit ngayon. Nagdadagdag lang ito ng aking dalahin.
Tumingin siya sa akin habang nakakunot ang noo.
"Are you sure? Hindi ka magpapasama sa'kin?" tanong niya.
"Oo naman," natatawang tugon ko.
Palagi kasi akong nagpapasama sa kaniya tuwing may kukunin ako sa locker dahil baka makasalubong ko na naman sina Kiko at ang kaniyang mga kasamahan. Sila ang palaging nang-aapi sa akin. Kilala rin silang mga homophobic dito sa aming lugar. At dahil ito lamang ang natatanging paaralan na meron ang Aleosan ay dito rin sila nag-aaral.
"Bilisan mo, malapit na mag-umpisa ang klase."
May kakaiba akong naramdaman ngunit may tiwala akong wala lang ito.
Agad akong bumababa ng sasakyan ni Janice at tumungo pakaliwa diretso sa kung saan ang locker.
Hindi pa man ako nakarating ay tumunog na ang first bell. Hudyat na magsisimula na ang klase kaya binilisan ko ang aking paglalakad.
Nang makarating ay agad kong binuksan ang aking locker at inilagay ang tatlong libro galing sa aking bag. Isasara ko na sana ngunit nang subukan ko ay may pumigil dito. Isang malapad na kamay ang humawak dahilan upang hindi ko maisara ang aking locker.
Nakita ko ang maliit na ibong tattoo sa kamay nito kaya agad kong nakilala kung sino. Natatandaan ko ang tattoo na ito.
Lumingon ako sa aking kanan at bumungad sa akin ang nakangising mukha ni Samuel. Sa kaniyang likuran ay ang kaniyang tatlong kasamahan. Isa rin sila sa mga nang-aapi sa akin noong Grade seven pa lamang kami ngunit natigil iyon. Hindi ko alam kung bakit. Ang akala ko ay lumipat na sila ng paaralan dahil hindi ko na sila nakikita. Bigla ay nakaramdam ako ng kaba.
"Hmmm, matagal din kitang hindi nakikita. Ang swerte naman at tiyempong ikaw lang mag-isa ngayon. Saan na ba ang yaya mo?" naaaliw na bulong nito. Si Janice ang kaniyang tinutukoy sa sinabing yaya.
Tumingin ako sa paligid at napansing wala ng tao, kami na lamang ang naiwan dito.
Sinubukan kong itakwil ang kaniyang kamay upang maisara ko na ng tuluyan ang aking locker at para makatakbo ako ngunit nang tangkain kong gawin iyon ay hinawakan niya ang aking kamay.
Mahigpit niya itong hinawakan rason upang mamula ito.
"Ano sa tingin mo ang iyong gagawin?" mahinahon niyang sinabi ngunit nararamdaman ko ang bangis sa bawat bigkas niya ng salita.
"B-bitawan mo ako," nauutal kong sambit ngunit naramdaman kong mas lalo niya lamang hinigpitan ang hawak sa aking kamay.
"Paano kapag ayaw ko?" marahas niyang bulong.
Narinig ko ang yabag ng mga sapatos ng kaniyang mga kasamahan. Naramdaman kong nakapalibot na sila sa akin.
"Nako, mukhang nanginginig na sa takot ang baklang iyan, bitawan mo na Sam," rinig kong tudyo ng isa sa kanila.
Bigla silang nagtawanan sa sinabi nito.
"Hmmm, mukhang hindi naman," naaaliw na sambit ni Samuel.
Malapit ang kaniyang mukha sa akin kaya singhot ko ang amoy ng sigarilyo sa kaniyang bunganga. Namumula rin ang mga nanlilisik niyang mata.
"Natatakot ka ba?" tanong niya sa akin na may halong panunuya.
"B-bitawan mo ako please," nauutal at mahinang pagsamo ko ngunit parang hindi niya ito narinig. Mas lalo lamang itong nagpasabik sa kaniya nang makita ko ang ngiti sa kaniyang labi at kislap sa kaniyang namumulang mata.
Tumawa siya nang malakas na naging dahilan upang umalingawngaw ang kaniyang halakhak sa hallway na kinaroroonan namin. Ngunit bigla siyang napatigil nang marinig namin ang napakalamig na boses ng isang lalaki.
"Bitawan mo siya."
Kilala ko ang boses na iyon. Alam ko dahil nakatatak na sa aking isipan ang ganoong klaseng boses. Si Kairo.
Bumaling ang atensiyon ni Samuel sa lalaking nagsalita. Ang kaniyang mukha ay may halong pagkainis.
"Bakit? Sino ka ba?" maangas na tanong nito.
Narinig ko ang yabag ng paa ni Kairo papalapit sa amin.
"You don't want to know," walang emosyon niyang sambit.
Biglang lumuwag ang pagkahawak ni Samuel sa akin dahilan upang makawala ako nang batakin ko ang aking kamay. Tumakbo ako papalayo sa kaniya ngunit hindi pa man ako nakalayo ay hinila ako sa damit ng isa sa kaniyang kasamahan.
"Bitawan mo siya," may halong galit na sambit ni Kairo.
Lumingon ako sa kaniya at nakitang dalawang dipa lamang ang layo namin sa isa't-isa. Nababakas ang bugnot sa kaniyang mukha ngunit parang hindi natitinag ang lalaking humawak sa akin dahil hinila pa niya ako papalapit sa kaniya.
"Paano kapag ayaw ko?" maangas niyang sinabi.
Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Kairo. Hahakbang sana siya papalapit sa'min ngunit bigla siyang hinarangan ni Samuel. Hambog niyang itinulak si Kairo dahilan upang mapaatras ito. Humakbang paharap ang dalawa pa nilang kasamahan at maangas na tumabi kay Samuel. Tatlo silang humaharap kay Kairo ngayon.
Ayaw ko nang gulo na sangkot ako dahil hindi ko gustong mapatawag si Mama dito sa school at istorbohin ang kaniyang trabaho kaya ay buong lakas kong tinulak ang humawak sa akin para makatakas ngunit hindi ito nakatulong. Mas lalo niya lamang pinagtibay ang pagkakahawak sa akin.
"Bitawan niyo siya kung gusto niyo ng walang gulo," mahinahon ngunit seryosong sinabi ni Kairo.
Tumawa lamang si Samuel at ang kasamahan niya dahilan upang sumiklab ang galit sa mukha ni Kairo at sinugod si Samuel.
Sinuntok niya ito sa panga at dahil sa lakas ng pagsuntok ni Kairo ay natumba nang patihaya si Samuel. Dumaing ito habang hawak ang kaliwang pisngi.
Aktong susugod rin sana ang dalawang kaibigan ni Samuel ngunit naunahan sila ni Kairo. Pinagsisipa niya ito sa ibabaw na bahagi ng kanilang tiyan. Gumulong ang dalawa sa sahig, namimilipit sa sakit, hawak-hawak ang parte ng katawan na kung saan tinamaan.
Binitiwan ako ng lalaking may hawak sa akin at sumugod rin ito kay Kairo ngunit gaya ng nauna ay tumba rin ito.
Hindi ko alam kung bakit hindi ako tumakbo nang sa gayong wala namang may hawak sa akin ngunit hindi ako makaalis. Ang aking dibdib ay parang sasabog dahil sa pagkabog ng aking puso.
Saglit na tumingin si Kairo sa akin at ibinalik din agad ang atensiyon kay Samuel. Nakita ko ang pag-aalala sa kaniyang mata ngunit nang ibinaling niya ang tingin kay Samuel ay bigla itong nawala. Lumapit siya rito at hinawakan ang kwelyo ng damit nito. Seryoso niya itong tinitigan.
"Sa susunod na makita ko kayong lumalapit kay Jasper. Hindi lang yan ang makukuha niyo," seryosong sambit niya.
Nagpupumiglas si Samuel ngunit wala siyang nagawa dahil mahigpit ang hawak ni Kairo sa kaniya.
"Naintindihan mo?" may halong galit niyang sinabi.
Tumango si Samuel ngunit bakas sa kaniyang mukha ang pagka-disgusto sa kaniyang pakikipagsundo. Ngunit parang hindi pa natatapos si Kairo dahil niya pa ito binibitawan.
"Sumagot ka!"
Walang nagawa si Samuel kung hindi ay ang magsalita.
"Oo na."
Binitawan siya ni Kairo at bigla itong lumapit sa'kin.
"Okay ka lang?" Rinig ang pag-aalala sa kaniyang boses.
"O-oo," nauutal kong sagot.
Nang makitang ayos lang ako ay marahan niyang hinawakan ang aking braso at hinila ako papalayo kina Samuel.
"Let's go. Baka malate pa tayo," kaswal niyang sinabi na parang walang nangyari.